Chapter 27

50 6 0
                                    

Second day ng STFW. May laban mamayang 1PM si Zandreaj. 6:00 AM ay bihis na sya. She's wearing a plain white shirt embossed with a giant minimouse character in the front and denim shorts matched with highcut converse shoes. She looks so fresh and young. Her curls are in messy bun. She will drive her Nmax to school dahil hindi sya pumayag na sunduin sya ni Blyther dahil alam nyang marami itong ginagawa at kailangang maaga sa school.

Sa classroom sya tumuloy after iwanan sa parking area ang kanyang Nmax. Nagbubulungan na naman ang mga Marites na nadadaanan nya. Pero this time ay hindi na mga intrigira ang mga mars. May paghanga na sa mga ito. Wala talagang mas bibilis pa sa tsismis. Alam na agad ng buong school ang tungkol sa paglalaro nya ng bilyar si Blyther na lang yata ang hindi. May ilan na ninanakawan sya ng picture gamit ang kanilang cellphone. Balewala kay Zandreaj ang mga nasa paligid nya. Pagdating nya ay dali-dali syang hinila ni Xienlee palapit kay Randev. Nagthumbs up ang binata at may inopen na file sa laptop nya.

"Mine." Narinig nilang tawag ni Blyther ilang sandali lang ang lumipas. Nakatayo ito sa pinto. Dali-daling lumapit dito si Zandreaj at yumakap. Nagbukas naman ng ibang file si Randev na kunwari ay tsinitsek ni Xienlee.

"You're so pretty and fresh." Bulong ng binata sa kanya.

Nagblush si Zandreaj. Napangiti naman ang binata na pinisil sa ilong ang dalaga.

"I'm afraid I can not be with you for the rest of the day again."

"Why?"

"There are problems with the trophies we ordered in the city. I need to go talk to the dealer and see the other choices to replace our first orders. Hindi raw pumasa sa QC ung design na pinili ko kaya walang dumating."

Tumango si Zandreaj. Nalungkot saglit.  Almost 3 hours ang biahe papuntang Calapan City. Maghapong mawawala si Blyther sa tabi nya.

"How about you go with me?"

"No, it's ok."Ayokong makaabala sa lakad mo."  Hindi sya pueding wala mamayang hapon she has to defend her supremacy title.

"Are you sure?" Nag-aalinlangan ang binata.

Tumingin si Zandreaj kay Xienlee.

"Of course. Don't worry Pres I'll take care of her. Besides kahit naman nandito ka ay hindi mo yan masosolo dahil magliliwaliw kami mamaya sa mga food stalls and souvenir stores."

"Okay, be extra careful okay? Baka may makain kang allergenic. No alcoholic drinks."

"Yes. I'll be ok Vyb."

"Please don't go home without seeing me." At hinalikan sya sa ulo nito bago umalis.

Pagkaalis ni Blyther ay bumalik sila sa  ipapakita ni Randev kay Zandreaj. Approve na approve kay Zandreaj ang ginawa ng lalaki, ganun din si Xienlee.

Bandang alas otso ay lumabas ng campus si Xienlee at Zandreaj sakay ng Nmax ng huli. Papunta silang kabayanan. Bago magtanghali ay nakabalik sila na may dalang ilang pirasong paper bags.

After maglunch sa canteen ay nagbihis si Zandreaj ng bagong set ng black leather jeans and short sleeved body fit. This time ay pinatungan nya ito ng black midrib leather vest. Muli ay tinali niya ng mataas ang kanyang buhok at tinirintas. Saka isinuot ang kanyang high heeled leather boots. Muli ay pinagtitinginan sya ng mga nadadaanan nya, but this time ay sumusunod na ang mga ito sa kanya papuntang gym.

Before 4PM ay tapos na ang naging dalawang laban ni Zandreaj. Tinalo nya ang mga supreme winner ng Second, third, and 4th games. Bukas ay isang laban nya nalang. Balita ni Zandreaj ay bukas pa maglalaro ang last year's champion. Nagpalipat daw ito sa last set of game dahil gusto syang makaharap sa finals mismo. Gusto daw sya nitong makalaro. Lesbian ito according kay Xienlee. Kung sakali ay ito ang unang babaeng makakaharap nya.

Muling nagbihis si Zandreaj sa office ni Blyther bago hinintay ang binata sa classroom nila. Pero mag-aalas singko na ay wala pa ito. Pumunta si Zandreaj para makaconnect sa wifi at dun na din maghintay. Pero walang message si Blyther. Nagdecide ang babae na umuwi na dahil magaalala ang kanyang lola kung sya ay gagabihin.

Eksaktong labas ni Zandreaj ay papasok ang kotse ni Mr. del Sol na dinadrive ni Blyther. Bumusina ito kay Zandreaj at bumusina din ang dalaga. Huminto si Blyther pero nagtuloy tuloy ang dalaga pauwi.

Pagdating ng bahay ay agad syang nagchat sa lalaki.

"Tumuloy na ako Vyb kasi magwoworry si lola pag ginabi ako.🤗"

"Sorry I came back late. I miss you Mine.❤️😘"

"missed you too, so much❤️😘 Rest ka na. Alam ko sobrang pagod ka. See you tomorrow."

"Not really. good night Mine.😘😘😘"

"Good night Vyb 😘😘😘"











PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now