Chapter 10

49 5 0
                                    

Sabay-sabay na napalingon ang buong klase ng pumasok si Zandreaj sa classroom kasunod si Blyther. Nakayuko ang babae samantalang hindi naman maitatago ang kislap sa mga mata ng lalaki kahit seryoso ang expression nito. Wala pa rin ang kanilang guro para sa next subject kahit late na sila ng almost 10 minutes.

Akmang magsasalita si Demi pero itinikom ang bibig ng makita ang nagbabantang tingin ni Blyther.

"Wala yata tayong klase hanggang mamaya, may urgent faculty meeting daw." Si jeric ang nagsalita. Naintindihan nito ang mga tingin ni Blyther. Pinagbabawalan silang magcomment tungkol sa pagdating nila ng magkasama ni Zandreaj after almost an hour.

Hindi nila alam kung bakit nagwalkout si Zandreaj na hinabol naman ni Blyther.

Si Dolf ay lihim na nakangiti.

Tuloy tuloy sa upuan nya si Zandreaj at ganun din si Blyther. Magkatapat ang kanilang upuan na parehong nasa  likuran pero nasa magkabilang dulo. Si Blyther dahil sya ang pinakamalaki sa klase, at sya dahil late enrolee.

Hindi nagpapansinan ang dalawa pagkaupo pero parehong parang wala sa sarili.

"What has just happened there?" Tanong ni Zandreaj sa sarili habang nakaupo gaya ng lagi nyang posisyon. Anong nangyari na ang lalaking two days nya palang nakikita at halos kabangayan nya pa kahapon ay kahalikan nya kanina? Anong meron na nagawa nya ang bagay na yun na kahit sila ni Januz ay hindi nila ginagawa?

Nung araw na nagkiss sila ni Januz kaya naging official girlfriend-boyfriend ang relasyon nila ay hindi na naulit kahit pa araw-araw silang magkasama. Nagkalabel lang sila pero ganun pa rin sa dati ang kanilang pagdeal sa isa't isa. Ang pagakbay sa kanya ni Januz at pagkayakap nya sa bewang nito, pagsandal nya sa balikat nito o pagunan nito sa kanyang lap ay normal na nilang ginagawa kahit nung friends palang sila.

Pero bakit iba kay Blyther? Bakit parang ayaw nyang umalis sa pagkakayakap nito at at wag kumalas sa mga labi nito. For God's sake! She even barely knew him. Pero bakit it feels just so right. She doesn't even feel guilty about it. Napailing si Zandreaj. Mali pa rin, may Januz sya. May Januz sya na may Jianna. Muling kinurot ang puso ni Zandreaj ng maisip muli ang picture. No. She needs to be okay.

Pilit niyang binura sa isip ang dalawa at agad binalikan ang nangyari sa kanila ni Blyther sa office nito. Wala sa loob na naidampi niya ang mga daliri sa kanyang mga labi ng maalala ang mga malalambot na labi ng lalaki. Napamulat sya at napatingin sa lalaki sa upuan nito. Naginit ang kanyang mukha nang makita na nakatingin ito sa kanya at napangiti wari ay nababasa ang iniisip nya.

Unting-unting namula ang leeg ni Zandreaj paakyat sa kanyang buong mukha. Dali-dali siyang umiwas ng tingin dito, pumikit at humalukipkip.

Riiiinnnnnnnnnngggggggg!
Dahil sa urgent meeting ng faculty and staff na walang katiyakan kung anong oras matatapos, ang lahat ng mag-aaral ay maaari nang umuwi. Tiyaking malinis ang classroom at nagawa ang inyong daily tasks bago lumabas ng campus."Boses ng school principal ang nasa intercom.

Yesssss! 2:30 palang! makakapaghayahay tayo ng mahabang oras! let's go everybody!! To The Eaters!!! Excited na tumayo si Demi at dinampot ang kanyang bag.

"Guys ang duties and responsibilities muna natin please." Remind ni Xienlee habang kumukuha ng walis tambo sa likod ng pintuan.

Dinilaan ni Randev ng nangiinis si Demi at gumanti naman ang lalaki habang ibinababa ang kanyang bag.

Group 1- classroom cleaners
group 2- front area
group 3 - backyard
group 4-side area
group 5- garbage

Nakatayo si Keyrin sa harap ng bulletin board at binabasa ang assigned task ng lahat.

Kumilos naman ang lahat para gawin ang kani-kanilang gawain. After 30minutes everyone is ready to go. Out of 20, 12 lang ang makakasama sa lakad nila sa The Eaters, ang iba ay may kanya-kanyang commitment. May ilan naman na hindi mahilig sa mga gimik.

Pagkatapos maglinis ng cr ay bahagyang inayos ni Zandreaj ang kanyang sarili sa cr. Nagapply ng kaunting pressed powder, prinessed ang kanyang mga labi na walang lipstick dahil natural na mapula at nirefresh ang kanyang curls simply by scrunching them with special leave-on conditioner using her praying hands.

Paglabas niya ay wala na ang mga kaklase, ganun din si Blyther. Palabas na siguro ang mga ito ng campus papunta sa venue nila. Naglakad na din siya papuntang parking area.

Pagdating niya duon ay nasa bungad na si Blyther hinihintay siya drive ang kanyang Nmax. Nasa lalaki nga pala ang kanyang susi. Hindi nya iniexpect na ganito sila pupunta ng The Eaters. Si Blyther drive ang kanyang motor at angkas sya. May mali. Anong iisipin ng mga kaklase nila? Hindi agad nakakilos si Zandreaj. Naguguluhan sya.

"Sila ang nagsabi na sa'yo na ako umangkas. Ayaw nila akong isakay sa mga service nila eh, kasi hindi mo pa raw alam yung lugar. Would you mind if I drive for you?"

Wala nang nagawa ang babae kundi umangkas. Pinagtitinginan sila ng lahat habang palabas ng gate. It's Blyther, the SSGC President and the most sought bachelor in the campus. Lahat talaga ay maiintriga.

It was just 5 minutes drive from school. A  food court/amusement center.  Andun na ang lahat ng dumating sila just waiting for them. Nakita nyang nagsikuhan at simpleng nagkalabitan ang mga ito ng makita silang dumating. May mga makukulit na ngiti sa kanilang labi at mga pinipigil na kilig.

Nagrent sila ng KTV room with pool table. Pinili nya talaga ang may pool table dahil miss na miss na nya ang maglaro nito. Mabilis ang food service doon, after just 10 minutes naiserve na agad lahat ng orders nila. Ang mga boys ay nagkakagulo sa pool table. Nagpapasikat si Jeric na hindi naman marunong, tawanan ng tawanan sina Xeinlee na nanunuod habang naguutay ng finger foods.

Si Blyther ay nagplay muna ng pop song sa videoke, habang ang mga babae ay nagienter ng songs sa playlist. Hindi sila tumitingin sa songbook. Hindi dahil saulo nila ang song number kundi talagang nagienter lang sila ng kung anu anong kanta para sa music game na paborito nilang gawin.

Si Zandreaj ay nakaupo lang sa couch at inoobserve ang lahat. May free wifi ang KTV kaya naisip niyang iconnect ang kanyang phone. Agad-agad pumasok ang sunod-sunod na messages sa girly girls chatbox. Clinick niya ang 56 unread messages. Uploading photos ang bumungad sa kanya. Saglit pa ay sunod sunod na nagappear sa screen ang mga pictures ni Jianna at Januz, magkayakap ng mahigpit ang dalawa na masayang masaya. Nakabasketball uniform si Januz at nakacheerdance uniform naman si Jianna. Nasa gitna sila ng court celebrating victory with the rest of the team.

Mas masakit ang mga kasunod na lawaran, Januz is kissing Jianna in the same scene. Nabitiwan ni Zandreaj ang kanyang cellphone na bumagsak sa kayang kandungan. Nakatulalang napasandal siya sa kinauupuang leather couch.

Agad tumabi sa kanya si Blyther na kanina pa siya pinagmamasdan. Napatingin siya sa binata. Mababasa sa kanyang mga mata ang matinding heartache. She's near crying again. Nahagip ng tingin ni Blyther ang picture sa kanyang cellphone, napabuntunghinga ito ng malalim. Gumuhit ang sakit sa mukha ng lalaki. Hindi nya maintindihan kung bakit. Nagulat siya ng walang anu-ano ay niyakap siya nito. Nanigas sa pagkakaupo si Zandreaj. Not here, na nakikita ng kanilang mga kaklase.












PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Kde žijí příběhy. Začni objevovat