Chapter 11

49 6 0
                                    

"Let me go." Daing ni Zandreaj.

"Only if you promise you won't run away." Hindi sya binibitawan ni Blyther.

Ramdam ni Zandreaj ang mga mata ng kanilang mga kaklase. Nataranta ang babae. Anong iisipin ng mga ito sa kanya? He has to let her go.

"Ok I won't." Nasa boses ng dalaga ang frustration.

"I'm sorry we can't kiss here." Bulong ng lalaki bago sya pinakawalan. Pero hindi ito umalis sa tabi nya na mukhang handa syang hilahin pabalik once na tumayo sya.

Dinampot ni Blyther ang cellphone ni Zandreaj, swinitch off matapos tingnan ulit saglit ang picture na nasa screen at ipinasok sa backpack ng babae.

Pumikit si Zandreaj para hindi makita ang reaksyon ng mga kaklase na posibleng nakakita sa kanila saka sumandal sa couch. Pero the moment na ipinikit nya ang kanyang mga mata ay automatic nagappear sa kanyang balintataw ang picture ni Jianna at Januz na naghahalikan.

Napahugot ng malalim na buntunghininga si Zandreaj. She has to contain herself. Kahit tumakbo sya bigla para makatakas kay Blyther ay hindi rin sya makakaalis dahil nasa lalaki ang susi ng kanyang motor. Kailangan nyang magrelax. Kailangan niyang ifocus ang isip sa ibang bagay.

Tumayo si Zandreaj. Naramdaman kaagad niyang hinawakan sya ni Blyther sa kamay. Lumingon sya dito at bahagyang ngumiti. Ngiting walang sigla pero may determination sa mga mata .

"I will just play," sabi ni Zandreaj at itinuro ang pool table.

Naggive way si Dolf at si Randev. Ang iba ay nasa mesa na at kumakain habang nagkukwentuhan.

Sinet ni Zandreaj ang game sa 9balls. Sa kilos niya ay mahahalatang alam nya ang kanyang ginagawa. Using the breaking cue ay naikalat nya ng maganda ang mga bola. She started with 1, setting a preparation for her next ball to shoot. She took a shot. ball safe in the side pocket. Then the 2, then the 3 and all. She was so focused. She even bites her lower lip and estimates the distances and positions of the ball from the cue ball so seriously. So focus that she cleared the table in 3minutes without missing any shot. Nagpalakpakan ang lahat. May pagsigaw pa si Demi. Si Blyther ay pumapalakpak din, hindi maitago na naimpress ito sa skill ni Zandreaj. He himself cannot do not. He can play billiards but not as how Zandreaj plays.

"Wow! my pangentry na tayo sa 9ball pool sa STFW! Tuwang tuwa si Jeric habang pumapalakpak.

Namula na naman si Zandreaj. Ngayon nya lang nagawang maglaro ng billiards na may ibang nanunuod at sa ibang table. Tanging ang daddy nya lang ang lagi nyang kalaro at si Januz sa billiards room nila sa kanilang bahay sa Cavite. Laging sinasabi ng daddy nya na she's good at it pero hindi sya naniniwala dahil higit na mahusay ang daddy nya sa kanya.

"And now it's game tiiimmmeeee!!!" Sigaw ni Demi at umupo na sa dining table katabi ni Keyrin. Nagsiupo na din ang lahat at gaya ng dati automatic sila ni Blyther ang magkatabi.

Puno ang mesa ng iba't ibang finger foods. Dumampot si Blyther ng fries at sumubo. Dumampot ulit at inaro sa kanya. Nagulat si Zandreaj. Talaga bang susubuan sya ng lalaking ito sa harap ng mga kaklase nila? Nakahang ang kamay ng binata at hinihintay na tanggapin nya ang isinusubo nito. Mapapahiya ang binata kung hindi nya tatanggapin. Napilitang kinagat ni Zandreaj ang kalahati ng fries. Isinubo naman ni Blyther ang natira.

Iba-iba ang reaksyon ng mga nakatingin sa kanila. May napamulagat, may napangiti, may kinilig at may patay malisya. Pero isa lang ang sigurado ni Blyther, masaya silang lahat para sa kanya.

Kinuha ni Xienlee ang microphone at tumayo sa harap nila.

"Game time na tayo. So dahil hindi familiar si Z sa original game natin na ito ay ieexplain ko muna ulit sa ating lahat. Kanina ay nagenter tayo ng 12 random number songs. Tig-iisa tayo. Kung anong matapat na kanta sayo ay dapat makanta mo alam mo man o hindi or else you will be punished. Ang unang kakanta ay kung kanino maraming nakaturo pagbilang ko ng tatlo. So, i will count to three then you will point to the one you want to be the first to sing. Who ever has more number of pointing fingers to him or to her will be the one to sing the first song in the list to be followed by the one sitting to his or to her left and so on. The last one to sing the song successfully will be the one to punish those who will fail. It is a must that you sing here in the front with matching dance moves if the song is a dance song. Cleared?" Tanong ni Xienlee na kay Zandreaj nakataningin. Tumango naman ang dalaga.

"Ok who's the firt to sing? one, two, three!" Tinuro ni Zandreaj si Demi, at nakita niyang ang lahat ay nakaturo dito. Ang lakas ng tawanan nila.

Napakamot sa ulo si Demi habang kinukuha ang microphone kay Xienlee. "Pinagkaisahan na naman ninyo ako, sabi nito." Pinindot niya ang play button at narinig nila ang intro ng awit nito. Nagtawanan ulit ang lahat. The song Otso-Otso by Bayani Agbayani is being played. Kumanta si Demi sinabayan pa ng kwelang sayaw na ginagaya gaya ang mga facial expressions ni Bayani. Hindi matapos tapos ang halakhakan ng lahat. Kahit si Zandreaj ay hindi mapigilan ang sarili na mapahalakhak. Napapalo nya pa sa balikat si Blyther na tawa din ng tawa sa performance ni Demi. Natapos ng lalaki ang kanyang piece, ibig sabihin siya ang magpaparusa sa mga susunod na hindi kakayaning kantahin ang awit na matatapat sa kanila. "Humanda kayo sa akin, babawi ako." Sabi ni Demi bago binitiwan ang microphone.

Si Randev ang nasa kaliwa ni Demi kaya sya ang sunod na kumanta. Malakas na halakhakan na naman ng magappear ang title ng awit nito. Ilokano song kaya ni ang basahin ang lyrics ay hirap na hirap si Randev kaya sumuko ito. Tuwang tuwa si Demi ng bigyan ito ng punishment. Pinayakap nya sa haligi si Randev pretending na nakikipagsayaw ito ng sweet sa isang babae with matching dialog and emote. Hinusayan naman ni Randev ang pagemote nya. Hindi matapos tapos ang tawanan ng lahat. Sumunod si Shylah, korean song ang natapat sa kanya kaya tuwang tuwa ang dalaga, natapos nya ang kanta ng maayos. Si Dolf ay sinuwerte din na alam nya ang kantang natapat sa kanya.

Si Zandreaj na ang sunod dahil nasa kaliwa sya ni Dolf. Kinakabahan ang dalaga. She can sing, billiards and singing are her and her dad's hobbies, she is lucky her mom and her dad can sing well and she inherited their singing talent. but she's not sure if she can get a nice song. Inabot ni Dolf ang microphone kay Zandreaj. Kinakabahang tumayo si Zandreaj paharap sa mga kaklase hawak ang microphone. Pumailanlang ang intro ng music. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Zandreaj. Nilingon nya ang monitor to check kung tama ba ang narinig nya. Make You Feel My Love by Adele. Nagpalakpakan naman ang lahat.

"Blyth oh favorite mo!" Narinig nyang sabi ni Xienlee. at sumangayon ang lahat. Nakangiti sa kanya at tumango si Blyther pagtingin nya dito nagthumbs up pa.

Tumingin ulit sa monitor si Zandreaj. Kaya nya itong kantahin, pero kaya ba ng puso nya? Baka magbreakdown sya. Hindi puedi. Muli syang napalingon kay Blyther. Naalarma ang lalaki ng makita ang worry sa mga mata ni Zandreaj. Tumalikod si Zandreaj at humarap ng tuluyan sa monitor. Pumasok ang unang linya.

Napasinghap silang lahat ng magsimulang kumanta si Zandreaj. May napawow. Live performance ba ni Adele ang naririnig nila? Tumahimik ang buong paligid. Chorus na.

I know I haven't made your mind up yet,
but i would never do you wrong,
I know it from the moment that you left,
No doubt in my mind where you belong.

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Blyther ang paggaralagal ng boses ni Zandreaj sa huling dalawang linya.
Nawala na ang boses nito pagpasok ng next stanza ng kanta. Nakita nyang tumataas baba ang balikat nito sa pagpipigil ng iyak.

Tumayo si Blyther, nagtinginan naman ang magkakaibigan. Kinuha ni Blyther ang microphone kay Zandreaj at itinuloy ang awit ng dalaga. Akmang aalis si Zandreaj pero nahapit na agad sya ng binata papunta dito. Maingat pero mahigpit ang pagkakaakbay sa kanya ni Blyther na sinisigurong hindi sya makakaalis.

Nakatalikod sila sa mga kaibigan at nakaharap sa monitor kaya hindi nakikita ng mga ito ang tuloy tuloy na pagdaloy ng luha ng dalaga habang matiim naman ang mukha ni Blyther habang kumakanta. Panay ang punas ni Zandreaj ng luha nya na hindi maampat ampat. Matatapos na ang kanta, paano sya haharap sa mga kaklase?

Pinilit nyang ayusin ang sarili. Tinuyo ang luha. At pinalis ang sakit sa dibdib na nararamdaman kahit na bawat salita sa lyrics ng kanta ay hinihiwa ang puso nya. Gustong gusto na nyang patigilin si Blyther. Durog na durog na sya.

Patay malisyang nagpalakpakan ang lahat matapos ang kanta. Lahat ay umiwas magpakita ng reaksyon. Parang walang nangyari na itinuloy nila ang laro, pero si Zandreaj ay hindi na binitiwan ni Blyther. Pagupo nila ay kinulong na sya sa yakap nito na parang relax na relax lang at normal na bagay ang ginagawa nito sa kanya. Bahagya syang nakatalikod sa lalaki dahil nakaharap sya sa monitor. Yakap yakap sya nito mula sa likuran nya at nakapatong sa balikat nya ang baba nito. May mga pagkakataong nararamdaman niyang sinasamyo nito ang buhok nya. Hindi na sya kumawala pa, bahala na ang mga kaklase nya sa iisipin ng mga ito sa kanya. Ang mahalaga she knows where she is at this point at hindi nasa kalsada at naghahanap ng masusulingan para maging okay.











PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now