Chapter 28

54 7 0
                                    

Third day ng STFW. Gaya kahapon ay maagang nagprepare si Zandreaj. Today ay naka above the knee retro dress sya na floral matched with flat summer sandals. Hinati nya sa gitna ang kanyang buhok at tinirintas sa magkabilang balikat. She completed her get up with a round rattan bag. She looks so young ang carefree.

Paglabas nya ng gate ay hustong bumusina si Blyther. Gaya ng sabi nito kagabi ay car ng ama dala nito dahil nasa seminar si Mr. del Sol.

Pagpasok ni Zandreaj ng kotse ay bumati sa kanya si Xinni.

"Hi ate Zz!"

"Oh! hi there!"

"I'm Xinni. You are so so pretty!"

"Hi Xinni! Thank you. And you are prettier." Suminghot si Zandreaj ng hangin. "Is that chamomile mousse by Ms. Rita?"

"Oh wow! You can identify a product just by a scent of it!"  Amazed si Xinni.

"Not really. I was using that also that's why I am familiar to it."

"Number one fan mo yan sa You Tube Channel mo." Sabad ni Blyther.

"Oh! really. That's why you got super nice waves! I love them."

"I love yours more."

Hanggang makarating ng school ay andaming kwento ni Xinni. Tuwang tuwa si Zandreaj sa kadaldalan nito. Hindi maitago ang kawalan nito ng kapatid. Pagkahatid kay Xinni saka lang sila bumalik ng school.

Naglalakad na sila papuntang SSGC hall ng mapatigil si Blyther sa tapat ng Giant LED sa harap ng admin building. Napatigil din si Zandreaj at nagulat ng makita ang nakaflash sa screen. Malaking picture nya na kuha kahapon base sa kanyang suot na billiards attire. Nakatayo sya sa gilid ng pool table hawak nya sa kaliwang tagiliran nya ang kanyang cue stick at nasa baywang nya ang kanyang kamay. Poker face ang kanyang mukha na sa table nakatingin at parang nagiisip. Sa tabi ng picture nya may video ng iba't ibang best shots nya nung unang araw at kahapon. Sa kabilang side ng monitor ay picture at videos naman ng makakalaban nya mamaya.
BATTLE TO SUPREMACY-one final game, DonHigh Gymnasium, 1PM.  Ang pinakang caption ng promotion video.

"Naglaro ka?" Gulat na tanong ni Blyther.

"Yes." Excited si Zandreaj na makitang alam na ni Blyther na naglalaro sya.

"Naglaro ka na ni hindi mo sinasabi sa akin?" Tanong ng lalaki na mukhang inis. Tumalikod ito at mabilis na naglakad papuntang office. Sa loob na ito ng opisina inabot ni Zandreaj. Hindi nya kayang abutan ang lalaki. Ang isang hakbang nito ay tatlong hakbang nya.

Pagpasok nya sa opisina ay nakaupo si Blyther sa swivel chair nito at madilim ang mukha.

"Vyb.."

"Why didn't you tell me you're going to play? Napanuod sana kita."

"I don't want you to set aside your duties just to watch me. Alam kong uunahin mo akong panoorin before anything else. Ayoko naman na mapapabayaan mo ang responsibilities mo as SSGC president because of me."

" Why do I have this feeling that you and Xienlee are up into something that I don't know?"

"What?! what something?" There is no something. Kanina, I can not tell you that I have a game to play kaya hindi ako makakasama sayo kasi baka hindi ka na tumuloy ng city para panoorin ako."

"Did you and Xienlee really toured the stalls yesterday?"

"Ahmmm..Nope. She changed her mind. Sabi nya mas maienjoy ko daw yung experience kung ikaw ang kasama ko." Nakalabi si Zandreaj na parang bata.

Hinila sya ni Blyther pakandong dito.

"I will watch your final game mamaya. Puedi?"

"Of course! That would be exciting!"

"Sayang I missed your previous games. I know you did great there."

"Ok lang, gaya lang nung play ko sa KTV."

"You're lying! I saw your best shots dun sa promo video. Those were great."

"Proud miner?" Nakangiting tanong ni Zandreaj.

"Super proud of you Mine." Kasunod ang maalab nitong halik na tinugon ni Zandreaj ng mas maalab pa. Gumapang ang kamay ni Blyther sa hita nya na nakalantad. Nagtaasan ang mga balahibo ni Zandreaj sa katawan at napatigil sa pagtugon ng mga halik ni Blyther.  Natauhan naman ang binata at iniyakap sa baywang ng babae ang mga kamay nya para masuhito.

"Why are you getting much more attractive everyday?" You're making me crazier each day." Sabi ni Blyther habang pinagalalaruan ang tirintas ng kanyang buhok at pinagaaralan ang kanyang look.

Tumawa lang si Zandreaj at muling hinalikan sa mga labi ang lalaki.

"I love you Mine. I missed you so much kahapon."

"Iloveyou too Vyb. And I missed you more."

"Babawi ako after this event." Araw-araw na tayong magkasama after this, promise."

"I'll wait for that."

"I will just check on things to the committees then we'll go have a tour of the stalls. You like it?"

Naexcite si Zandreaj.

"Really?"

"Yeah! Come on let's go!"

"Oh, kala ko you'll see the committees pa?"

"Oo nga, pero sama ka na sa'kin. pagkagaling natin dun, tuloy na tayo sa mga stalls."

Habang naglalakad sila papuntang production room ay maraming bumabati kay Zandreaj. Manunuod daw sila ng play ng dalaga mamaya. Nagtithank you at ngumingiti naman si Zandreaj sa mga ito. Sa production room mismo ay mga excited ang mga co-officers ni Blyther pagkakita na kasama nya si Zandreaj. May mga nagrequest na magselfie kasama sya. Instant celebrity si Zandreaj. Nagpaalam na si Blyther sa mga ito na iiwanan ang post sa kanila dahil manunuod ito ng final game ni Zandreaj. Pumayag naman ang mga ito.

"You've been the talk of the town na pala how come na hindi man lang nakarating sa akin? Ganun na ba ako kabusy sobra para wala akong mabalitaan sa paligid ko?"

Tumawa lang si Zandreaj dito. Tumuloy sila sa Food and souvenir stalls. Shawarma ang tinungo ni Zandreaj pagkatapos bumili ng Okinawa flavored milktea with all the add-ons. Namili sila ng ilang pirasong keychains as souvenir ng STWF. Pagkatapos kumain ay nagtuloy sila sa photobooth and took some pictures. Paalis palang sila nang nilapitan sila ng dalawang CAT officers at pinosasan.

"Pasensya na Pres trabaho lang. Hindi kami makatanggi kasi malaki ang bayad. Sayang naman.  Tumatawang sabi ng isa at binitbit sila sa marriage booth.

Pagdating nila dun ay andun lahat sina Xienlee. Nagpalakpakan ang mga ito pagpasok nila.

Ikinasal sila ng nakabihis pari. Gumanap bilang mga sponsors ang mga kaklase nila na accomplice. Pagtapos nilang pumirma sa marriage contract ay sinabi ng pari na kiss the bride. Nagulat si Zandreaj ng hagkan sya ni Blyther sa labi sa harap ng lahat. Nagpalakpakan ang mga meron. Pagkatapos ng ceremony ay tumakbo na sila ni Blyther palayo ng stalls. Baka kung sino pa na naman ang humuli sa kanila. Humihingal sila pagdating ng office ni Blyther. Pero hindi yun dahilan para hindi nila ituloy ang kiss the bride dito. Binuhat sya ng binata at inihiga sa carpet habang tuloy ang maalab na palitan nila ng halik. Bumaba ang halik nito sa kaniyang leeg papunta sa kanyang mga balikat na nakalantad sa kanyang off-shoulder retro dress. Kasabay ng mga halik ng lalaki ang paggapang ng mga kamay nito sa likod nya. Dumako sa puno ng kanyang dibdib ang mga labi ni Blyther at bahagya syang napàungol. Gumawa ng ingay ang pagbukas ng zipper ng damit ni Zandreaj na ikinagising ng nahihibang na diwa ng dalaga. Bahagya nitong naitulak si Blyther na parang binuhusan ng malamig na tubig.

"I'm sorry, I was carried away. Feeling ko honeymoon na natin." Tumatawang sabi nito kay Zandreaj habang isinasara ang zipper ng damit ng dalaga.

Makikita naman ang frustration sa mukha ng babae.

Pumasok sa cr si Blyther at naligo ng wala sa plano.

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now