CHAPTER 57

439 11 0
                                    

Pearll Aydelle Xyllhia Allexa's POV

"Pwede ba wag mo akong tawaging honey pie!" For the tenth time ko na tong pagsasabi pero hindi talaga tinitigil eh!

"Uuwi muna ako, kita tayo mamaya ah. Bye love you." Kiniss nya ako sa pisngi pagkatapos lumabas sya sa kusina. Nag ma-marinate kasi kami ni Pat ng liempo, utos ni Mama. Si Marah naman kasama si Buboy bibili daw sila ng snacks, utos naman ng nanay ni Buboy.

"Bye!" Sigaw ko.

"Alam mo ba kung bakit honey pie ang tawag nya sayo?" Bulong sakin ni Pat. Bigla naman akong na-curious kaya napatingin ako sakanya na ano-ba-kasi-yon-look.

"Kasi kagabi nung lasing ka, you called her honey pie, many times. Naging sweet ka sakanya at kung ano ano pa ang sinasabi mo. Kaya ayan, inaasar ka nya." Paliwanag ni Pat, ako naman napatunganga sa mga sinabi nya.

Gina ko ba talaga yon? Bakit kasi hindi ko maalala? Kapag inaalala ko naman, sumasakit lang ang ulo ko. Ayoko na uminom!

"G-ganon." Tanging salita na aking nasabi. Kaya pala ang lakas magbiro ngayon ni Dominic. Hayst!

"Oh bat ka tulala?" Tatawa tawa nyang tanong habang nagchochop ng sibuyas. Pero kanina infairness kinikilig ako sa mga asar nya. Kunyare naiinis ako pero kinikilig na talaga ako. Pabebe muna. >~<

"Oh bat ka naman ngayon ngingiti ngiti? Loka loka ka!" Ng dahil sa sigaw ni Pat nawala ako sa pag iisip kay Dominic. "Ano ba!" Singhal ko.

"Sus you're thinking Dominic, don't you?" Panunukso nya. "Pat, may ball kami next next saturday." Naisip ko lang, ano kaya itsura ni Dominic sa ball? Siguro mas gwapo sya——erase erase! Gwapo naman talaga.

"Don't change the topic! Talagang inlove ka sakaya ah—wait, kwento mo muna sakin kung pano kayo nagkakilala, how your love story start and how you ended up na mainlove ulit?" Tanong nya.

Syempre kinwento ko sakanya lahat, simula nung first day of school hanggang sa nagyaya syang maging legit na kami.  "Ow em ji, so ang plano nyo talaga ay para tigilan sya nung Margo, and pati ikaw?! Pero you two fall to each other unexpectedly?" Namamangha naman sya ngayon, nanlaki ang mata nya samantalang ang pisngi naman nya ay halos mapunit sa sobra nyang ngiti.

"Yap. Nung una, pinipigilan ko kasi diba nga challenge. Ayoko namang aasa ako sa wala, baka masaktan ako katulad nung kay Jhyll kaya 5 months kong tinago at pinigilan yung feelings ko pero sa pagpigil ko, mas lalo lang akong nahuhulog sakanya. Hindi ko naman alam na he feels the same way. We're in a fake relationship for about six  months tapos ngayon legit na kami. Ang saya lang." Paliwanag ko.

"Pano nalang yung babae?" Tanong nya pa. "These past few days o baka months na nga. Hindi kami ginugulo, kapag nakakasalubong namin sya sa school hindi naman namamansin o kaya deadma lang. Hayaan mo na yun, siguro nagising na rin sa kabaliwan nya." Tatawa tawa kong sambit.

*riinngggggg

Naghugas agad ako ng kamay dahil may tumatawag sakin. Si Marah. "Hello?" Ani ko. "Girl! May lalaki daw dyan na darating, umorder sakanya si Tita ng manok. It's payed na daw kaya kukunin mo nalang." Wika nya, ang ingay sa kabilang linya tsaka parang angtagal naman nila mamili ni Buboy.

"Ok sige, bat ang tagal nyo naman??" Tanong ko. "Haba ng pila eh. Tsaka naligaw pa kami ni Buboy kanina, nag iba kasi ng route." Paliwanag nya. "Ok sige, bilisan nyo ah pasalubong ko." Pagkatapos, pinatay ko na yung tawag sakto naman may tumatawag sa labas. Siguro ayan na yung manok.

"Pat, lalabas lang ako!" Sigaw ko, yung mga pinsan namin naglalaro sa salas, hindi naman malilikot kaya keri naman. Paglabas ko, nakita ko ang lalaking nakahelmet tapos may plastic na dala dala.

Being His Fake Girlfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon