CHAPTER 25

2.1K 54 12
                                    

Pearll Aydelle Xyllhia Allexa's POV

"Aww inggit?" Tanong ko at ngumisi ng nakakaloko.

"Nakarating na saakin ang balita. At totoo nga ang iniisip ko, narinig ng isa sa mga--" Pinutol ko na agad sya.

"Alipores mo ang pinag usapan namin ni Khey na peke ang relasyon namin ni Dominic? Tama ba?" Tanong ko.

"Halata naman na peke ang relasyon nyo... Hindi kapano paniwala." Sambit nya.

"Meron bang pekeng relasyon ang ganito kalapit?" Tanong ko.

"Pano ka ba maniniwala saamin? Hah?!" Iritang tanong ni Dominic.

"M-maghalikan k-kayo! Sa harapan ko mismo." Kinakabahan nyang wika pero halatang pinipigilan nya ang kanyang kaba. Bakit? Dahil baka gawin talaga namin ang inutos nya? Tsss.

Humarap ako kay Dominic at hinawakan sya sa magkabilang balikat, sya naman ay hinawakan ang kanan kong pisngi at ang isa naman nyang kamay ay nasa leeg ko.

Pumikit ako at dahan dahang inilapit ang mukha sa kanyang mukha ng....

"Excuse me po!" Biglang may babaeng dumaan sa gitna namin ni Dominic.

Bastos!

"Gawin nyo na!!" Utos nya.

"Ano kami utosan?" Naka taas ang aking kilay ng sambitin ko iyon.

"Hindi nyo magawa? Kasi nga tama ako na peke ang relasyo---" Naputol sya afad ng bigla kong halikan si Dominic, ramdam ko naman na agad syang tumugon sa aking mga halik.

Ewan ko ba pero bigla nalang akong napangiti at parang may mga paru-paro sa aking tyan.

Nagugutom na ata ako....

"Ok na? Naniniwala ka na? Tanggapin mo na kasing hindi talaga sayo si Dominic." Mataray kong wika.

Pero sya, maluha luhang umalis kasama ang mga kaibigan nya. Himala, hindi nila kasama si Cinddy.

"Galing mong humalik misis ko." Pagpuri ni Dominic, nagsimula naman kaming maglakad matapos mag walk out ni Margo.

"Mas magaling ka mister ko." Wika ko at ipinulupot ang kamay sa kanyang braso.

"Pinapakilig mo nanaman ako misis ko!" Sambit nya habang natatawa....

"Wag sobrahan ang pagkakilig baka mangisay." Panloloko ko habang nagpatuloy sa paglalakad.

"Malapit na..." Wika nya.

"Tara dun!" Yaya ko sakanya at hinigit ang kanyang kaliwang kamay.

Gusto kong kumain ng tusok tusok.

"Bili moko." Wika ko kay Dominic habanf nag papuppy eyes, ang corny shyet.

"Libre kita..." Sabi nya.

*Gusto ko ng nota... ng nota nota mo. Gusto ko ng titik----

"Ano bayan manong! Ambastos ng kanta nyo! Anong titi?!? Mga tao talaga ngayon." Sigaw ng isang matandang babae sa likuran namin habang naglalakad.

Tumawa nalang kami.

"Manong kwek kwek nga po lima tapos cheese stick 20 pesos." Wika ko at agad namang nilagay ni manong sa plastic cup ang order ko.

Whaw order.

"Ubos mo yun?" Mangha nyang tanong.

"Oo naman! Ako pa." Wika ko at kinain lahat toh.

"Manong kikiam po 20 pesos." Wika no Dominic.

Habang nakain kami, nakita namin si Cinddy na kasama yung jowa nya na naglalakad papunta dito.

Being His Fake Girlfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon