CHAPTER 27

2.2K 53 7
                                    

Pearll Aydelle Xyllhia Allexa's POV

Abah gago...

"Xyloxe... Wag muna ngayon, ako nalang magsasabi." Wika ko.

"Bat pa yung lalaking yun ang sinagot mo? Marami namang iba dyan ah... Sa tabi tabi." Saad nya at tumingin sakin.

"E-eh k-kasi... Uhm... Naramdaman kong may feelings pala ako s-sakanya. Oo, may feelings ako s-sakanya." Pagpapalusot ko.

Sorry Xyloxe hindi kasi talaga pwedeng sabihin eh.

"Ahh o-ok.... May milk tea nga pala dyan." Wika nya.

"Teka. Pano sayo nasabi ni mama na aalis sya?" Tanong ko.

"Kanina pa kasi ako nakauwi. Hinihintay ka nga namin, pero hindi ka namin nakita. Pero siguro ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ang tagal nong umuwi. Nagdate pa kasi kayo." Saad nya at ngumisi.

"Hindi ah! Nanlibre lang sya ng milktea at tusok tusok." Pagtatanggol ko, hindi naman talaga kami nagdate eh.

Isa pa, pano kami magdedate kung hindi kami mag boyfriend at girlfriend, ibig kong sabihin yung TOTOONG magboyfriend girlfriend.

"Kung ako nalang kase...." Malabo nyang wika.

"Huh? Ulitin mo nga." Saad ako, nabibingi na ata ako.

Haysss

"Wala... Pero Paxa..." Wika nya at inakbayan ako, halos wala ng espasyo ang mga katawan namin, ang mukha namin ay magpaka lapit na.

Pero para samin normal lang toh, kasi nga magkaibigan kami.

Binuksan ko ang tv habang nakatingin parin sakanya, nasa gilid lang namin yung tv eh.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kung sakaling isa sa mga kaibigan mo ay pahilim palang nagkakagusto sayo, ok lang ba?" Tanong nya

"Oo naman... Hindi naman mababago ang pagkakabigan namin sa isang feeling na yun. Bakit ganyan kaba?" Tanog ko.

Nagtataka ako, bat naman nya tatanungin sakin ang bagay nayun.

"Sana nga hindi magbago." Saad nya at niyakap ako ng mahigpit.

"Anyare sayo Loxe?" Taka kong tanong.

Tumingin sya sakin kaya napatingin naman ako sakanya, yumapos na din ako pabalik.

"Dalaga ka na talaga Paxa, na sobrang tagal ngayon ka nalang ulit nagka boyfriend. Naalala mo ba yung sinabi kong ako ang kuya mo?" Tanong nya nakita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata nya.

"Oo naman. Pero teka, bat ka umiiyak? May problema ba?" Tanong ko at pinunasan ang mga luha nya na nagbabadya nang tumulo.

"Masaya lang ako sainyo..." Wika nya.

"Talaga ba?"

Umiling sya at nagsalita ulit. "Kaya kapag sinaktan ka ng lokong yun! Bugbog abot nun saken! Ayokong ayoko na nasasaktan ka. Little sis ko. Mahal na mahal kita, kung alam mo lang." Wika nya at hindi ko nanaman narinig ang dulo nyang sinabi.

"Salamat." Sambit ko at niyapos sya ng sobrang higpit at dumantay. Magkuya presenting...

Nagtawanan naman kaming parehas.

"Tama na! Baka kung ano pang mangyaring emo.. Laro nalang tayo ng ml." Pagyayaya nya at oarehas kaming kumalas sa yakap.

"Haha ok sigee!" Pagsang ayon ko at kinuha ang cellphone ko sa bag.

Teka nasan cp ko???

Taena cellphone ni Dominic ang nandito.

Lintek naman oh.

Being His Fake Girlfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon