CHAPTER 18

2.2K 49 0
                                    

Pearll Aydelle Xyllhia Allexa's POV

Bumaba yung bintana at nakita ko si Dominic na naka tingin sakin. Wala na si Khey, siguro inihatid na nya.

"Oh bat ka naman bumalik?!" Mataray na tanong ko. Hinawi nya ang buhok nya at binasa ang ibabang labi.

Gwap----

"Hatid na kita." Nakangiti aniya.

"Tanaw ko na yung bahay namin. Kaya kong mag isa." Sabi ko.

"Hatid na nga kita." Sabi nya.

"Wag na--" Bumaba sya sa kotse at pumunta sa aking direksyon.

"Hatid na kita." Nakangiti nyang sambit.

"Bat ka bumaba? Sumakay ka ulit!" Sigaw ko, parang kaming tanga dito away ng away.

"Hahatid nga kita." Ngiting aso nyang sambit at umakbay saakin.

"Wag na nga."

*ARF

Nakita ko nanaman yung magtotropang aso kanina. Buset. "Kwento ni Khey takot ka daw sa aso." Pangungutya nya.

"Ako? T-takot? Takot sa aso??" Hindi ko pinapakitang kinakabahan ako. Pero shet! Na stutter parin ako!

"Sige sabi mo yan. Bye!" Bumalik ulit sya sa kotse nya.

*ARF

"Dominic!!" Sigaw ko, habang hindi makaalis sa aking pwesto.

"Oh?" Patay malisya nyang tanong.

"Hatid mo na nga ako!" Sigaw ko. Nagpapadyak padyak ako dito habang nakakapit sa manggas ng tshirt nya.

"Papayag ka din naman pala! Hahah!"

"Pumayag lang ako kasi may--"

"BALUT!!!!" Wahhh so kuya balot!

"Balut." Sabi ko at tinawag yung magbabalot.

"Nakain ka nyan?" Nakangiwi nyang tanong. Anak mayaman at itong lalaking to.

"Hindi. Bibilhin ko lang tapos itatapon ko den." Pamimilosopo ko.

"Ikaw nalang..." Sabi nya.

"Libre mo nga ako eh!" Sabi ko.

"Bat?! Mapera ka naman ah! May pangbili ka ng milk tea pero balut, wala?!"

"Dali na!" Hinila ko sya papunta dun sa magbabalot.

"Dalawa nga pong balot." Sabi ko.

"Kaya mo bang ubusin ang dalawang balut?"

May inabot sya saking 50 pesos bill.

"Thank you po." Sabi ko at hinigit sya papunta dun sa pinagtatambayan namin sa court. Kami lang dalawa at ang tanging ilaw lang namin ay yung tatlong ilaw dito sa court.

"Ohh... kainin mo yan." Sabi ko.

"Kainin?! Hindi ko nga alam kung anong lasa non eh! Tapos hindi ko rin alam kung pano--"

"Hayysss! Mga anak talaga ng mga mayayaman oo!"

"Mga gwapo..." Sabi nya, naubo naman ako nung sinabi nya yon.

"Tsk. Ayan na oh. Sipsipin mo yan." Sabi ko.

"Ok."

"Lagyan mo muna ng suka o asin... Kung gusto mo." Sabi ko.

"Asin nalang."

"Ohh."

Habang sinisipsip ko yung sabaw ng balot, napatingin ako sakanya.

Being His Fake Girlfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon