CHAPTER 7

3.9K 79 9
                                    

Xyloxe's POV

"Sige hyungsss bye!" Ngumiti sya at tumakbo papalayo, "Teka Paxa uuwi kana?" Tanong ni Zymone. "Oo eh, inaantok na kasi ako." Sabi nya, ang hilig talaga neto magtago ng emosyon.

"Hoyy CM kausapin mo! Magsorry ka, kasi ikaw eh. Alam mo naman na may past yan, tapos relate pa sya sa kanta... Tsk tsk tsk." Sabi ni Mathew. Kung pwede gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita, makalimutan mo na yung gagong lalaking nangloko sayo.

"Pearll!" Sigaw ni CM at dumeretso sa gawi ni Paxa. "Ohh CM?" Takas tanong nya. "Pasensya na ha kung naging insensitive ako sayo.." Sabi ni CM.

"Ang drama buii!" Bulong ni Jinjin sakin.

Bumalik si CM saamin na may roong malaking ngiti sa mukha. "Ano pre?" Tanong ni Mathew.

"Ok na pre, hindi sya galit." Sabi nya. "Ingat din minsan..." Sabi ko.

Nabwiset talaga ako dito kay CM hindi ko lang pinapahalata, naalala na naman ng jow--- bespren ko yung nangyare 1 year ago.

"Mga pre kilala nyo si Jah Coal?" Tanong ni Zymone habang nag e-fb. "Brad yan ba yung ginagawa natin ng sabay sabay?" Tanong ni Aidan. "Boplox!! Tao yun! Hindi yon yung hobby mo!" Sabi ni Mathew. Tumawa nalang kami.

"Puta anong sabay sabay?? Hindi ako kasali dyan ahh!!" Sabi ko, matino ako.

"Brad, anong totoong nangyare kanina? Namanyak ba talaga si Paxa?" Napatingin ako kay Jinjin na seryosong makatingin saakin. "Ano kase...." Kinuwento ko lahat ng nangyare kanina, "Ptngna!! Hayup yung lalaking yon ah!" Sabi ni Zymone, oo hayop nga yon! Ang sarap turuan ng leksyon eh!

"Anong ginawa mo?" Tanong sakin ni Aidan, "Wala." Sabi ko, gusto ko sanang sapakin kaso ayaw ni Paxa. Naawa pa sa gagung yon!

"Anong wala?!! Dapat may ginawa ka!" Sabi ni Jinjin. "Pinigilan ako ni Paxa, sasapakin ko sana." Sabi ko habang nagvavape.

"Bat hinayaan mo lang na manyakin yung babaeng mahal mo?" Tanong ni Mathew, napatingin ako sakanya.

Bat nga ba??

Dapat tinuturuan ng leksyon ang lalaking yon!

Mahal ko binastos?!

Pearll Aydelle Xyllhia Allexa's POV

AFTER 1 WEEK...

4:40 AM

"Pearll gising na!" Narinig kong sigaw ni mama, mula sa baba. "Ma five minutes pa!" Sigaw ko.

"Gumising kana dyan! Nandito si Cinddy!" Sigaw ni mama, tumingin ako sa orasan na nasa gilid ng kama ko. 4:41 palang naman ehh! "Opo eto na po!" Sigaw ko, tumayo ako at dumeretso sa baba, nakita ko naman si Cinddy na nakaupo sa sala habang nakataas ang paa at halatang bagong gising pa. "Cinddy aga mo naman?" Mamaya pa namang 6:30 pasok namin ah?

"Ma ang aga pa kaya, 6:30 panaman ang pasok namin ehh!" Sabi ko, antok na antok pa talaga si ako!

May narinig akong nagbukas ng pinto at narinig kong nilalaro sina Cally at Cholo, "Hi tita!" Si JM pala,napatingin naman si Mama sa tumawag sakanya. "Ohh JM dito na kayo kumain nina Xianne tsaka yung iba pa." Sabi ni mama.

"Ahh sige po tita..." Hinigit ako ni JM palabas at nagyungo kami sa garden.

"Any prob?" Tanong ko, "Sino yung lalaking nambastos sayo nung isang araw? Nawala lang ako tapos mabalitaan ko may nangbastos na agad sayo! Tangina nya!" Nako! Ambilis talaga kumalat ng balita! "Hindi naman ako binastos, pinuri lang ang kagandahan ko. Tsaka hayaan mo na, nung isang linggo pa yon eh. Past is past ok?" Sabi ko.

Wala kasi si JM simula nung gabing umuwi sya ng maaga. Bigla bigla ang lahat ng nangyare sa lola nya, nawala na. Pati yung kapatid ni Aling Fetus nawala na rin.

"Paxa!" Sabi niya, "Waeo??" Tanong ko. "Nagcacare lang kami sayo, tsaka wag mong hayaan na bastusin ka ng mga lalaki katulad ng nangyare kagabi. Kita na pala yang pader mo tapos hinayaan mo lang." Sabi nya. Tapos ngumiti ng tipid.

"Hoii!!! Anong pader!" Gago toh!

"Maligo kana, kase baka kapag mamaya kapa maliligo mga 5:30 ang tapos mo!" Sabi nya, "Ofo." Sabi ko. "Uuwi na ako, pakisabi kay tita ah!" Sabi nya.

"Bye!" Sigaw ko.

"Cinddy maligo kana." Sabi ko, "helurrr hindi naman ako katulad mo maligo noh! 30 minutes." Sabi nya. Umuwi na sya at kumaway saakin senyas na aalis na sya. Kumaway naman ako pabalik sakanya.

"Ma, umuwi muna si Cinddy kasi maliligo na daw sya." Sabi ko kay mama habang nagluluto ng sinangag, bacon, at itlog. "Ok, tsaka ikaw maligo kana." Sabi ni mama

Dumeretso naman ako ng banyo para maligo. Malamang, ay hindi... Kumain pala.

AFTER 20 MINUTES...

Rinig kong may nagtatawanan sa baba, sina Cinddy yon panigurado. "Ma towel! Nakalimutan ko eh!" Sumigaw ako sa may pintuan. Sinarado ko ulit, hinintay ko si mama na iabot ang towel ko. "Ohh! Tsaka Paxa bilisan mo sa ah, 5:15 na!" Sabi ni Cinddy, akala ko si mama.

"Ofo..." Sinarado ko ulit ang pinto at nagtapis ako ng towel. Paglabas ko ay nakita ko silang nagkukwentuhan. Dumeretso naman ako sa kwarto ko para magbihis, pagkapasok ko ay may nakita akong nakahiga sa kama ko. Nakatalukbong ng kumot. "Oii Khey lumabas ka muna magbibihis ako." Kinulbit ko sya pero ang nakita ko si.... Xyloxe?

"Loxe labas ka muna." Sabi ko, "Opo!" Dumeretso sya sa labas at isinarado ang pinto. Akala ko kung sino. May kumatok pagsarado ko, "Pearll!" Si Loxe nanaman. "Ohhh??"Mahbibihis na sana ako eh,

"Nagbibihis kapa?" Tanong nya, "Magbibihis palang, kapapasok ko palang ehh!" Sabi ko.

Naglotion muna ako tapos nagbihis ako ng white pants at t shirt na may nakalagay na 'wild n free', hindi toh pang school hahaha, tawa?? Di bale bukas nalang ako mag uuniform. Nakatack in sa harap at pagdating naman sa likod ay nakababa, mahaba kasi ang likod kaya tinack in ko sa harap para magbagay. Nagsuklay ako at naglagay ng konting polbo sa mukha. Niready ko na yung bag ko at inilagay ang pouch na isa sa mga importanteng bagay na dapat lagi kong dala dala, naglalaman ito ng liptint, polbo, suklay, salamin, lipbalm, at pang pony.

Pagkabukas ko mg pinto pumasok si Xyloxe sa kwarto ko at pumunta sa may salamin "Ginagawa mo?" Nagsuklay lang pala.

"Paxa! Xyloxe! kakain na!" Sigaw ni mama, "Nandyan na po!" Sabi namin.

Nakita ko sila na nakaupo na, ako nalang ang hinihintay at si Xyloxe. Umupo ako sa may bakanteng upuan, malamang. Sa kaliwa ko si Khey at sa kanan ko naman si mama. Si Xyloxe naman ay sa Tabi nina JM. "Nasan si Mathew, Zymone at Axel?" Tanong ko. "Nauna na, may dadaanan pa daw kasi sila." Sabi ni JM. Ok.

Pagkatapos namin kumain ay lahat kami ay gumayak na, lahat ng lalake ay may motor maliban nalang kay Aidan.

Si Lexin ay angkas si Cinddy, si Xandder ay inangkas si Aidan, si Khey ay kay Tantan, si JM ay inangkas si Jinjin at ako naman ay inangkas ni Xyloxe. Gusto ko din sanang mag motor kaso ayaw nya, umangkas nalang daw ako sakanya. "Maghelmet ka." Sabi nya, inabot nya sakin yung helmet tapos sinuot ko na.

"May naiiwanan ka pa?" Tanong niya, ay oo meron. "Ma!" Tinwag ko si mama at kiniss sya sa pisngi. "Bye po," Sabi ko.

"Ingat ka ha!" Sabi naman ni Mama, "Opo."

"Xyloxe, stop muna tayo dyan... May bibilhin lang ako." Sabi ko, huminto kami sa tindahan ni aling Fetus kasi may nakalimutan ako.

Bumili ako ng napkin para incase na mag kameron ako ay ready na. "Anong binili mo?" Tanong niya, "Napkin, gusto mo?" Pangloloko ko.

"Tara na nga Paxa, dami mong knows." Sabi nya, habang diring diri. "Maganda eh!" Sabi ko. "Maganda nga flat naman."Bulong nya pero rinig ko naman.

"Ano bang problema mo sa dibdib ko ha!!" Sabi ko. Tumawa nalang sya.

Sasakalin ko sana kaso naalal kong nagdadrive pala sya.
.
.
.
.
.
.

Being His Fake Girlfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon