17

250 4 0
                                    

Sa Uulitin

Hindi na naman ako makatulog.
Ano pa bang bago?
Naglalaro ka na naman sa isipan ko.
Nababagabag ako sa ideya na sandali lang kitang nakasama kanina,
Na bago sa nakagawian kong gawin.

Alam mo naman,
Mas sanay akong manatili kahit na alam nating pareho na wala na akong pasok,
Mas gusto kong ubusin ang oras ko sa pag-aantay sa'yo,
Mas gusto kong maghanap ng rason at libutin na lang ang buong school grounds nang ilang beses hanggang uwian niyo na rin,
Mas gusto kong makasama ka ng matagal,
Pero hindi 'yon nangyari kanina.
Nakakapanibago.

Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring naglalaro sa isipan ko ang naging pagtatagpo natin kanina.
Kung paano mo ako inabutan ng kape pagkatapos ng naging pagsusulit namin,
Nasa labas ka at nag-aantay,
Nginitian mo ako sabay sabing, "Kamusta exam niyo?"
Sa loob-loob ko'y gusto kong sumigaw,
Aminado naman akong hindi naging maayos ang takbo ng oras habang sinasagutan ko ang exam,
Pero nanatili ang sagot na 'yon sa dulo ng dila ko at nausal na lamang ay "Ayos naman,"
Kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.

Nang tingnan ko ang inabot mo,
Napangiti ako,
Naalala mo ako.
Naalala mo kung ano ang gusto ko nong mga oras na 'yon—ikaw at ang kape.
Nag-abala ka pang bumili.
Napailing ako.
Tatanggapin ko 'to, sayo na galing eh.

Ang bilis ng naging takbo ng oras nong mga sandaling 'yon,
Isang minuto ay nag-uusap pa tayo, makaraan ang ilang segundo ay nakasakay na ako ng jeep habang kumakaway sa gawi mo,
Uuwi na ako.
Ang pait naman, gaya nong kapeng inabot mo.

Pero sa totoo lang, sana pala ay nanatili na lang ako,
Kahit sandali lang.
Gusto ko lang i-kuwento sa'yo kung gaano kahirap ang naging pagsusulit namin,
At kung paanong ilang beses akong nagbitaw ng buntong-hininga.
Gusto ko rin ikuwento kung paano ko iniyakan sa loob-loob ko ang mga naging sagot ko,
At kung paanong nararamdaman ko nang babagsak ako.

Ngunit, hindi ko ginawa.
Kasi maging ang pag-kuwento ay nakakaubos din pala ng lakas,
Gusto kong mag-kuwento sa'yo,
Pero hindi muna sa ngayon.
Pahinga muna tayo.
Salamat sa kape,
Sa uulitin.

Cause Every Moment Is YouWhere stories live. Discover now