1

4.9K 24 0
                                    

A/N: Hi, everyone! This is Tres. Before I'll post all the poems, here's a very shory story of how I met Melton. This is how everything starts. I hope you'll enjoy this one as much as I enjoyed writing this. Happy reading!


***

"Bakit ka pa kasi nag-Presidente. Hahahahahaha,"

"Nagsalita ang isa sa class officers,"

Nagtawanan kami sa loob ng van ni Mary Rose. Ito ang first day ng palaro sa WMSU, September 4. This year lang ulit nagkaroon ng palaro. Ang sabi ng ilan, the best daw ang palaro sa WMSU. Maraming ganap. Malay namin. Mga pandemic babies kami, ngayon lang ulit kami nagkaroon ng ganitong event na halos lahat ng courses ay walang pasok. Imagine, nitong third-year lang namin mararanasan ang ganito.

"Palaro daw tapos may pa-attendance. Ano daw 'yon?" narinig kong bulong ni Mary Rose.

"Kala mo talaga kung maka-reklamo, eh, pu-pwede ka namang um-absent,"

"Naawa kasi ako sa'yo, wala kang kasama,"

"Kupal!"

At nagtawanan kaming pareho. Pero, totoo naman. Nakakapanibago pa rin talaga na 'yong mga dating nakasanayan mo nong high school ay hindi na applicable ngayong college ka na. Dati, kahit may event pa sa school, ayos lang kung lumiban ka. Wala namang may pakealam sa'yo kung pupunta ka o hindi, kung manonood ka o hindi. Walang makakapansin ng presensiya mo. Pero ngayon, kahit time-out mo recorded pa.

Nasa third-year na kaming pareho ni Mary Rose. Taking up Bachelor of Arts in Political Science.

"I-announce mo na sa group chat kung saan nila tayo mahahanap para sa attendance," rinig kong sabi niya habang nakapikit.

Napasandal ako sa upuan at pinag-isipan kung saan nga ba kami mag-aantay sa mga classmates namin. Hmm. Hindi naman kami pwedeng sa iisang lugar lang mag-antay buong mag-hapon. Paniguradong mabuburyo kami. Pero, pwede namang kahit saan. Kami na lang hanapin nila.

Pagkatapos kong magtipa ng message ay in-off ko na ang phone at pumikit. Mahaba-habang byahe pa 'to, makatulog na nga lang muna.

***

Nagising ako sa mahinang pagtapik ni Mary Rose sa braso ko.

"Gising na teh, andito na tayo,"

Agad kaming bumaba at naghanap ng tricycle. Nang sulyapan ko ang oras, pansin kong medyo late na kami.

"Grabe, first day ng palaro, first gastos agad,"

Natawa ako sa inusal niya. Gastos nga naman kasi. Sa van pa lang, ₱60 pesos na ang bayad namin. Since double-ride nga papuntang WMSU, need pa naming sumakay ng jeep at magbayad ng ₱13 pesos. Pero dahil late na nga kami, nakakatamad na ring lakarin ang pagkalayo-layong paradahan ng jeep.

"Tara na, puro reklamo,"

Wala na nga siyang nagawa ng hilahin ko siya papasok ng tricycle. Agad din naman kaming nakarating sa school.

"Bayad po, Manong," inabot ko kay Manong ang pamasahe at saka ito humarurot paalis.

"Daming tao,"

Cause Every Moment Is YouWhere stories live. Discover now