14

204 8 0
                                    

Hindi Naman Talaga

Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi talaga ako funny as a person?
I mean, c'mon,
Hindi naman talaga in born ang pagiging funny ng isang tao.
Kung iisipin,
Parang kailangan mo pang pagdaanan ang isang libong kahihiyan,
Para lang masabing nakakatawa kang tao,
Medyo exaggerated mang pakinggan,
Pero, parang ganon na nga.
Pero, ano bang connect non?
Wala.

Ang gusto ko lang naman sabihin ay,
Hindi ako ipinanganak na may magandang humor,
O, may nakakatawang personality,
Wala rin akong talento pagdating sa freestyle,
Hindi normal sa akin ang magpatawa,
May mga bagay pa rin na kahit pilitin kong sanayin ang sarili ko,
Nauubos pa rin talaga ako.

Pero ewan ko ba,
Sa tuwing napapansin ko na ang mga patago mong pagngisi dahil sa mga walang kwenta kong hirit,
Ay mas ginaganahan akong mag-isip ng panibagong biro.
Minsan pa nga'y nagagawa kong magbiro ng sunod-sunod,
Na kahit ako mismo ay nagugulat sa mga banat ko.
Tama ba 'yon?
Halata ba masyadong gusto kita pasayahin?
O, halata lang talaga na gusto kita?

Cause Every Moment Is YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu