20

175 1 0
                                    

Gusto Ko Lang Mangamusta

Napaka-hopeless romantic ko na siguro pakinggan,
Gumawa pa talaga ako ng sandamakmak na tula't mga prosa,
Para lang maipahayag ko sa'yo ang tunay kong nararamdaman.
Para sasaan pa ang bibig kung hindi ko lang din naman pala masabi sayo ng diretsahan?

Minsan,
Napapaisip din ako,
Ano kaya ang magiging reaksiyon mo kapag nabasa mo na ang mga nakasulat dito?
At some point,
Gusto kong malaman na parang ayaw ko.
Alam mo 'yon,
Gusto kong malaman mo kung anong iniisip ko tungkol sa'yo pero at the same time ay ayaw ko.
Gusto kong malaman mo kung anong epekto mo sa akin pero natatakot ako.
Ewan, hindi ko rin alam.
Hindi ko na alam.

Paano kung sa unang pahina pa lang, umayaw ka na?
Paano kung maisip mo na baka medyo tanga ako sa part na umasa akong paglalaanan mo 'to ng panahon mo?
Angas mo naman kung ganon nga ang isipin mo.
Pero kung sakali mang maubos ang tinta ko,
O, hindi kaya'y hindi ko na mahanap ang rason kung bakit ko nga ba sinimulan ang bagay na ito,
Gusto ko lang malaman mo na,
It's a prank.
Asa ka namang titigilan kita.
Mukha mo, Melton.

Cross my heart, sana hindi yan sumagi sa isip mo.
Gusto ko lang naman kasi isulat 'yong mga bagay na naramdaman ko simula nang magustuhan kita.
Kung ayaw mo man ay ayos lang,
Wala namang kaso sa akin 'yon.
Masakit, pero wala naman akong magagawa.
Bakit tunog sad girl ang part na 'to?
Ah, basta.
Miss na kita.
Ang tagal na rin pala nong huling sulat ko dito,
Paano ba naman,
Andaming ganap, kulang ang isang araw para maalala ko lahat at maisulat,
Pero wala namang nagbago,
Ikaw pa rin naman ang dahilan kung bakit buhay pa 'tong libro.

Nakakatawa lang kung iisipin,
Sobrang random ka kung sumagi sa akin,
Mas inuna ko pang asikasuhin 'to,
Kaysa sa pag-aayos ng rrl sa thesis ko,
Gusto ko lang muna magpahinga,
At tandaan ang mga araw na labis akong masaya,
Sapagkat kung tatantiyahin,
Baka ito na rin ang huling paramdam ko patungkol sa aking damdamin,
Magiging abala ako sa mga susunod na araw,
Kaya, kamusta? Sana ayos ka pa.

Cause Every Moment Is YouWhere stories live. Discover now