10

192 11 0
                                    

Byahe

Dati, hindi ko nakikita ang saya sa araw-araw na pag-byahe,
Ramdam ko ang bawat pagod na humahagod sa buo kong katawan,
Mga talukap ng mata na palaging mabigat na animo'y buong gabing napuyat kakaiyak,
Siguro ay nararamdaman din ng upuan ang walang sigla kong katawan,
Ewan ko ba kung bakit hindi ko mahanap ang saya sa bawat lugar na aming madaraanan,
Maging ang araw na pasikat sa Silangan ay nakakatamad na ring pagmasdan,
Kahit na nararamdaman ko naman ang buong init na dumadampi sa balat ko,
Na tila kinakamusta ang araw ko ay hindi ko magawang batiin pabalik.

Ngunit ngayon,
Kung magbabalik-tanaw man ako sa dati kong nakasanayan,
Marahil ay maririnig ko ang mahihinang hikbi ng tawa mula sa hangin,
Marahil ay maninibago ang upuan sa gaan ng aking pakiramdam,
Marahil magtataka ang mga lugar na aming madaraanan sapagkat nabigyan ko sila ng limang segundong pagtanaw,
Maging ang araw na sobra ang init ay biglang kakalma sa payapang kaniyang mararamdaman sa mga ngiti ko.

Siguro dahil may rason na ako,
Na kahit papaano,
Hindi naman pala ganon kabigat ang mundo,
Dahil nandyan ka.

Kasi dati, hindi ko nakikita ang sarili ko sa bawat byahe,
Pero ngayon, hindi na ako makahintay matapos ang buong isang araw para lang bumyahe ulit kinabukasan at makita ka.

Cause Every Moment Is YouWhere stories live. Discover now