prσlσguє

43 5 0
                                    

ᴄᴇʟᴇsᴛɪᴀ ᴡᴏʀʟᴅ - Ito ang mundo kung saan ako nakatira at ang iba pang nilalang na dimo lubos akalain na totoo.Ito ang mundo ng mga Salamangkero kung saan sakop ng External at tinatawag itong Magical Dimension

Dahil sa isang pagkakamali ay nangyari ang hindi dapat nangyari.Dahil dito ay naging magulo ang mundong ito

Dahil sa insidenteng naganap ay nagsama-sama ang mga nilalang na pawang kathang isip lamang,Mga nilalang na nagmula sa ibang mundo at dimension...Ilan lamang dito ang mga

Ang mga ᴛᴀᴏ - Sila yung mga nilalang na normal at walang kakayahang lumaban sa mga Phantom at gumamit ng mahika o kapangyarihan,Sila ay nagmula sa Mortal World o Normal Dimension

Ang mga ᴘʜᴀɴᴛᴏᴍ sʟᴀʏᴇʀ - sila naman mga orihinal na nilalang na nakatira sa Celestia World.Sila ay may kakayahang gumamit ng mahika.Tinatawag silang salamangkero...Sila ang nagtatanggol sa mga tao laban sa mga masasamang Phantom

ᴛʀᴀɪᴛʜᴏᴍ sʟᴀʏᴇʀ (trαч-tσm) - Sila ay mga masamang Phantom Slayer,Mayroon silang masasamang hangarin at kumampi sila sa mga masasamang Phantom...Itinuturing silang traydor ng buong Celestia World

ᴘʜᴀɴᴛᴏᴍ - Sila ay nagmula sa isang mundo na tinatawag na Phantom World o Dark Dimension...Karamihan sa kanila ay masasama at ang ilan ay mabubuti ngunit tila na uubos na

ᴘɪʀᴀᴛʜᴏᴍ (pαч-rα-tσm) - Ang tawag sa mga mabubuting Phantom.Sila ay itinuturing na traydor sa kanilang lahi dahil sa pagtulong at pagkampi sa mabubuting Salamangkero.At dahil nadin sa paglaban at pagpigil sa masamang balak ng mga kalahi nila

At ang huli ay ang mga ᴅʀᴀɢᴏɴ sʟᴀʏᴇʀ - Sila ay isang uri ng salamangkero na naninirahan sa Celestia World...Gamit nila ang isang malakas at mataas na antas ng kapangyarihan,Ang kapangyarihan ng mga Dragon...Isang nilalang na nagtataglay ng mga sinaunang mahika ng mga totoong dragon

Iilan lamang sila sa mga nilalang na naninirahan o karaniwang makikita sa Celestia World...Ang mundo kung saan ang "MAGIC DOES EXIST"

Unknown pov


Habang marahan kong sinisimsim ang aking mainit na kape ay bigla namang naagaw ng isang nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa ilalim ng aking kama ang syang nakaagaw ng aking pansin

Maingat kong ibinaba ang aking kape sa round table na nasa harapan ko saka tumayo at dahan dahang lumapit sa kama habang nakaharang ang aking siko sa aking mukha bilang panangga sa nakasisilaw na liwanag

"Anong meron dito?" wala sa sarili kong natanong saka lumuhod at marahang kinapa ang ilalim ng kama

Agad kong kinuha at tiningnan ang isang bagay na nakapa ko mula sa ilalim na ito. Sa paglapit nito sakin ay mas lalong lumiwanag na syang nagpapikit sakin

"Ugh nakakasilaw...Maaari ka na bang tumigil? Ano bang klaseng hiwaga ang bumabalot sayo?"

Nakapikit na wika sa diko matiyak na bagay na hawak hawak ko dahil sa liwanag na bumabalot dito. Bahagya kopa itong nilayo at pinilig ang ulo pakanan

Ilanh segundo lang ay tila nakakaintindi ang bagay na ito at unti unting nawala ang liwanag na bumabalot dito kaya't binuksan ko na ang aking mga mata

"Isang libro?" Turan ko habang nakatingin sa isang librong halata na ang kalumaan ngunit maayos pa naman ang pagkakabalot

Pinagpaggan ko ito dahil sa gabok na nakabalot bahagya pa akong napaubo
Kinapa kapa at dinama kopa ang libro

Hindi ito pangkaraniwan...May kakaibang aura at kapangyarihan ang nararamdaman ko sa librong ito

celeѕтιa world : thє prσphєcчحيث تعيش القصص. اكتشف الآن