Kabanata 17

2.5K 87 10
                                    

Bantay

"Aw! Dahan-dahan, sweetheart," igik ni Yvanno habang ginagamot niya ang mga sugat sa mukha nito.

Samuelle let out a sigh before continuing what she's doing. Maingat ang ginawa niyang pagdampi ng bulak na may betadine sa mukha nito habang titig na titig si Yvanno sa kanya. Samuelle felt anxious by his deep stares making her unconsciously pursed her lips while straining herself to concentrate.

Sandali niyang sinalubong ang mga itim na itim na mata ni Yvanno sa ilalim ng mapipilantik nitong mga pilik-mata. His eyes on her are looking profound but soft. Ngumiti ito sa kanya ng makitang nakatitig din siya rito.

"You okay?" tanong ni Yvanno sabay sandig ng kamay sa binti niyang nakapatong sa binti nito. His other hand that is resting on the backrest of the sofa reached upward to stroke her hair. Ngumiti siya rito.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Are you okay? Saan pa masakit?"

"I'm okay, kiss mo nalang ako," he pouts his lips.

Mahina siyang natawa rito saka piningot ang ilong. "Behave. Pinapanood tayo ni Drako, baka gusto mo pa masuntok?"

Inilipat ni Samuelle ang tingin sa may patio kung saan naroon nag-uusap sina Drako at Fourth. Kanina pagkatapos siyang gisain ng mga tanong ni Drako ng tungkol sa kanila ni Yvanno, nauna ng magpaalam si Axxel. Sumunod lang sina Aleander at Jed na parehong nagreklamong mga kulang pa sa tulog. Nagpaiwan si Fourth, at habang ginagamot niya ang mga sugat na natamo ni Yvanno sa mukha, nagtungo sina Drako at Fourth sa patio upang mag-usap.

Drako kept glancing on them from where he's standing. Her twin brother's brows constantly creased whenever Yvanno is being all sweet. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita sa kanilang dalawa ni Yvanno, o baka hindi lang ito sanay na malambing si Yvanno. Hindi niya alam kung alin sa dalawa.

"He should be used to this from now on. Alangan naman magtitigan lang tayo? I want to hold you, nuzzle you, kiss you, taste you, make love to you," ngisi ni Yvanno sa kanya.

Kinurot niya ito sa tagiliran. Imbes na masaktan ay tinawanan lang siya nito.

"Ang halay mo! Marinig ka ni Drako," aniya at mabilis na sinulyapan ang kapatid na matamang nakikinig sa kung ano'ng sinasabi ni Fourth.

Yvanno suddenly cupped her face with his both hands and made her look at him firmly. Tumaas ang kilay niya rito.

"Hayaan mo si Drako. Naninibago pa 'yan, masasanay din. Isa pa, ang sabi lang naman niya kanina, huwag kitang bubuntisin. Wala naman siyang nabanggit na bawal ang sex,"

Tinampal ni Samuelle ang bibig ni Yvanno dahil sa kahalayan. Dumaing ito dahil natamaan yata iyong parteng may sugat. Mabilis naman niya itong inalo habang nagpapasensya.

"Ikaw naman kasi," sisi niya.

"Ang sakit ng lips ko, sweetheart. Ikaw kasi tinampal mo. Kiss mo na para mawala," pangongonsensya pa nito sa kanya ngunit isang irap lang ang kanyang isinagot. Ngumuso naman ito na parang bata.

"Para isang kiss lang, e," bulong pa nito.

"Teka, bakit? Tayo na ba uli?" Tanong niya.

Nabibiglang kumunot ang noo ni Yvanno sa kanya. "Ha? Bakit? Hindi pa ba?"

Ngiti lang ang isinagot niya.

Nakita ni Samuelle na lumabas na ng patio sina Drako at Fourth at ngayon ay kapwa naglalakad papalapit sa kanila. Mukhang tapos na mag-usap ang dalawa. Siya naman ay umayos na ng upo at iniligpit ang mga ginamit na panggamot sa mukha ni Yvanno.

Fire in the CloudsWhere stories live. Discover now