Chapter 20

596 30 1
                                    

Nakatayo si Carmina sa dulo ng pasilyo ng condo at pinagmamasdan ang lalaking kalalabas lamang galing sa pintuan at ngayon naman ay naghihintay sa tapat ng elevator. Nang makapasok na si Dion sa elevator ay siya namang paglakad ni Carmina patungo sa condo unit ng mag-asawa.

Nag doorbell si Carmina at ilang saglit pa ay bumukas ang pinto. "May nakalimutan ka ba—" Natigilan si Rishan nang mabuksan ang pinto dahil hindi si Dion ang nakita niya. "Yes, Ma'am?"

Ngumiti si Carmina kay Rishan. "Ikaw si Rishan 'di ba?" nauutal niyang tanong.

May pagtataka sa mukha ni Rishan dahil kilala siya ng babaeng kaharap niya, ngunit nawala ang kanyang pagkabahala nang mapagtanto na ito ang nanay no'ng Allen na nakabangga niya noon sa parke.

"Yes, I am Rishan. Ano pong kailangan ninyo? Please come in. Ipaghahanda ko po kayo ng maiinom." Tatalikod na sana siya nang hawakan siya ni Carmina sa braso. Napabitaw din kaagad.

Pinakatitigan ni Carmina ang itsura ng anak at totoo ngang hawig ito kay Alejandro. "M-May dapat kang malaman, Rishan. Sumama ka sa akin. Don't worry, wala akong masamang balak sayo." Pinakita niya ang kanyang Identity Card upang maniwala na wala siyang masamang balak.

Nakita ni Rishan ang ID na katulad sa mga malalaking businessman sa mundo gaya ng kay Dion, sa mommy niya, kay daddy niya, sa kanyang Ate Diane at sa asawa ni Diane.

Ngunit nagdadalawang isip siya at sa huli ay napapayag din kaya nag-ayos siya ng kaunti at kinuha ang kanyang smartphone at wallet. Hindi na niya nagawa pang magpaalam kay Dion dahil mukhang nagmamadali ang kasama niya.

Sumakay sila sa kotse nito at siya ay nakasakay sa passenger's seat samantalang si Carmina naman ang nagmamaneho.

"How are you?" pangunguna ni Carmina sa usapan. Hindi alam ni Rishan kung anong mararamdaman dahil mukhang kilalang kilala siya ng babaeng kasama niya.

"Uhm, I'm fine po. Paano niyo nga po pala ako nakilala—ay! Oo nga po pala, nagkita na tayo dati sa park." saad niya habang nakatingin sa kanilang dinadaanan.

"It's nice to see you happy especially in your married life."

Natigilan siya at napatingin sa kasama ngunit ang atensyon nito ay nasa kalsada.

"Y-Yeah?"tanging tugon niya.

Hindi alam ni Rishan kung anong sasabihin dahil hindi naman niya talaga alam kung ano ba talaga ang status nila ni Dion maliban sa pagiging mag-asawa sa papel. "Masaya naman po kami. We cherish every moment of our lives and hoping one day, I'll carry our first baby." Hindi namalayan ni Rishan na nakangiti na pala siya at palihim rin na napangiti si Carmina.

Napansin ni Rishan na ang daang tinatahak na nila ay patungo sa kumpanya ng mga Faustino. Magtatanong pa sana siya ngunit mabilis na pinaharurot ni Carmina ang sasakyan dahilan para kabahan na siya.

Ngunit nakarating naman sila ng ligtas at ngayon ay patungo na sila sa opisina ng kanyang ama, si Alejandro Faustino.

"W-What are we doing here?" Nagugulan na si Rishan sa mga nangyayari dahil anong koneksyon nila sa pagpunta sa opisina ng kanyang ama.

Hindi na sila hinarang pa ng sekretarya ngunit nagbigay galang ito sa kanila bago mabuksan ni Carmina ang pintuan ng opisina.

*****

"Mr. Faustino—"

"Call me Dad, Dion. Asawa ka na ng anak ko kaya marapat na Daddy na ang itawag mo sa'kin." Nginitian siya nito kaya ngumiti siya pabalik.

"Okay, Dad. Hindi naman po sa nanghihimasok ako sa pamilya niyo pero hindi po ba dapat lang na malaman ni Rishan ang totoo?" saad niya sa kaharap.

Business Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon