Chapter 12

573 32 0
                                    

Tahimik ang loob ng opisina at tanging pagtitipa sa computer ang maririnig at tumigil lamang ito nang mapansin niya ang paggalaw ng doorknob.

Sandaling napaawang ang kanyang bibig dahil sa hindi inaasang bisita. Agad rin naman siyang ngumiti ng matamis.

"You're not supposed to be here, Darling." Puno ng paglalambing ang boses ni Carmina ngunit sa loob niya'y may halo itong hinanakit.

Namumula ang mga mata ni Alejandro habang nakatitig sa kanya. Matatalas ang mga tinging iyon na nagpakaba sa buong sistema ni Carmina ngunit nanatili siyang nakangiti.

Mabilis na lumapit si Alejandro kay Carmina at tanging mesa ang namagitan sa kanila. Naging mahigpit ang kapit ni Carmina sa gilid ng kanyang pink square pants.

"Yung sanggol na iniwan mo sa'kin dati, sino siya?!" Matatalim na tingin ang pinakawalan ni Alejandro sa kanya na lalong nakapagpa-alarma ng kanyang sistema.

"Calm down, Alejandro," pangungumbinsi niya sa dating kasintahan. Inalok niya pa ang upuan na nasa gilid nito ngunit hindi siya pinansin.

"Anak ko ba siya?! Anak ba natin siya?!"

Napaawang ang bibig ni Carmina. Nagsimulang manlamig ang kanyang mga kamay at nagbubutil ang kanyang pawis sa noo.

"This is too soon. Paano niya biglang ungkatin ang nakaraan? Did I trigger him?" ani niya sa sarili habang hinahanap ang sariling dila.

"I don't even know who and where is my daughter now. Why would I tell you?" Umiwas ng tingin si Carmina at nagkunwaring may binabasa sa kanyang laptop.

Nagpipigil naman ng galit si Alejandro dahil baka masaktan niya ang dating kasintahan.

"So, you're not interested to know her anymore?" Natigilan si Carmina ngunit hindi niya tinapunan ng tingin ang kausap. Walang salita ang lumabas sa kanyang mga bibig.

"Fine! She doesn't deserve to know you either. You made her life misserable and now you're still on the highest peak of your pride!" Bwelta ni Alejandro bago tuluyang talikuran si Carmina.

"Alejandro, wait!" Napatayo si Carmina nang kumalma siya. "I don't wanna lose the chance to know her. Only if you tell me where she is."

Bumuntong hininga si Alejandro at muling bumalik sa harap ni Carmina. "You are her mother, dapat makita mo pa lang siya alam mo na."

"How could it be possible if I don't know what you did to her or what your wife did to our daughter?" katwiran niya.

"You actually said she's our daughter?" Magkahalong saya at sakit ang kanyang naramdaman kahit may hinuha na siya sa isasagot ni Carmina.

Napayuko na lamang si Carmina at dahan-dahang tumango. "I was a coward back then. I have nothing to provide her needs and you're the only one I trusted, hoping that you raise her more than I could. I didn't watch her growing up, haven't been updated 'cause you hid her. And now, I don't have any idea how she looks like, how pretty she is." Napangiti ng mapait si Carmina habang nakayuko pa rin.

Nakaramdam ng awa si Alejandro. Kahinaan niya pa rin ang makitang malungkot ang sinisinta.

"She's Rishan, Carmina." Malumanay ang boses ni Alejandro.

Agad na napa-angat ang ulo ni Carmina at may pag-asang nakatingin sa mga mata niya.

"Did I hear it right? It's Rishan?" Sunud-sunod niyang tanong habang salubong ang kanyang mga kilay. Inakala ni Carmina na si Rishan ay anak nina Alejandro at Victoria. Hindi mapagsidlan ang pagkasabik ni Carmina sa anak.

"That's true," pagsang-ayon ni Alejandro habang nakatitig pa rin sa kanya.

Naalala ni Carmina ang babaeng nakausap ng kanyang anak noong isang araw, namumukhaan niya na ang Rishan na nakita niya sa parke noon ay isang Faustino.

Business Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon