Prologue

1.6K 54 3
                                    

Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin si Rishan. Inabala niya ang kanyang sarili upang isilid sa kanyang backpack ang kanyang mga damit at iba pang mahahalagang bagay.

Buo na ang kanyang desisyon. Pakiramdam niyang ito na ang tamang pagkakataon upang umalis sa tahanang kahit minsan ay hindi niya naramdaman ang totoong kahulugan ng tahanan at pamilya.

Halos mawalan siya ng balanse nang buhatin niya ang kanyang itim na backpack dahil namamanhid na ang kanyang buong katawan, hindi dahil sa takot na baka mahuli siyang tumatakas, kun'di dahil sa sakit at sama ng kalooban.

Tahimik siyang humihikbi habang pinagmamasdan ang larawan ng kanyang pinakamamahal na kapatid.

"Kuya, patawarin mo 'ko," umiiyak niyang bulong habang pinipigilang mapalakas ang kanyang hikbi.

Nakasabit ang larawan sa pader kaya agad niyang nilapitan at kinuha.

"Hindi ako nawawalan ng pag-asang makikita kitang muli, Kuya. Hanggang hindi nahahanap ang katawan mo, mananatili kang buhay sa isipan ko, Kuya Rio. Miss na po kita," wika niya habang hinahaplos ang picture frame.

Matapos niyang sabihin 'yon, isinilid na niya ito sa kanyang bag.

Ang kaniyang Kuya Rio ang nag-iisang karamay niya sa tahanang ito ngunit nang mawala ito ay halos mawalan na rin ng pag-asa sa buhay si Rishan.

Isang huling sulyap sa kanyang silid bago tuluyang lumabas at buong tapang na iniwan ang nagsilbing mundo niya sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Ito na ang simula ng totoong laban ng kanyang buhay.

Ito na ang simula ng totoong laban ng kanyang buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Business Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon