Chapter 13

609 33 0
                                    

Ilang araw ang pinalipas ni Carmina upang manahimik matapos ang matensyon nilang pagtatagpo ng dating karelasyon. Lalong bumagabag sa kanya ang iniwan nitong kataga na hindi niya makukuha ang anak mula sa pamilya ng mga Faustino.

"You mean, kasal na ang anak niyo ni Alejandro?" Nanlaki ang mga mata ni Leslie dahil sa natuklasan.

"Kaya pala delayed ang naging appointment ko kay Mr. Villarino is because he was busy with their wedding. Ito ako ngayon, seeing my daughter from afar." Mabilis na pinahid ni Carmina ang isang luhang kumawala sa kanyang nagtutubig na mga mata.

"Hindi pa rin naman huli ang lahat, friend. Nagsisimula ka pa lang at sana huwag mong kalimutan ang sarili mong binuo mo ng iyong dugo't pawis just because of being impulsive to your emotions." Tanging naging payo sa kanya ng kaibigan habang hinahaplos ang kanyang balikat.

Ngumiti ng pilit si Carmina bago tumango. "I won't forget that."

"But this is a bigger matter," pagsisimula ni Leslie sa bagong paksa. "Kapag malaman ng mga Faustino na nasa puder mo lang pala ang panganay nila, baka hanggang korte pa kayo maghaharap-harap." Mahahalata ang alinlangan sa boses ni Leslie dahil inaalala lamang niya ang kapakanan ng kaibigan.

"Hindi ko pa rin alam, wala pa akong maisip na plano sa ngayon," pag-amin niya sa totoong kalagayan. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa Siberian Husky na kanilang alaga, si Scout na masayang pinapakain ni Allen.

"My mind is still in a mess," dagdag niyang tugon.

Nanatiling tahimik ang magkaibigan at parehas na tinatanaw ang binata sa kanyang ginagawa. Nagbigay ng kaunting tusok sa puso ni Carmina nang ngitian siya ng anak bago ibang muli ang atensyon sa alaga.

"What if you tell them the truth as soon as possible? Mababawi mo na rin ang anak mo laban sa kanila especially from his wife. We both know that Victoria will give everything just for the sake of her family," ani Leslie.

"Rishan is also a family to her and Alejandro won't let things happen as easy as that. I know him," katwiran niya na lalong ikinabahala ng kanyang isipan.

"Kapag pinili mong patagalin ang sitwasyon, mas mahihirapan kang lutasin lahat. You're already in danger at this point," muling paalala ng kaibigan.

Hindi siya agad nakapagsalita. Inabot ni Leslie ang kanyang mga kamay na nakapatong sa mesa. May halong pag-aalala at lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang balisang kaibigan.

"I care for you. Kasama mo ako sa lahat ng pinagdaanan mo hanggang sa makabangon ka. Ayaw ko lang na sa huli ay ikaw pa rin ang talunan. You deserve to accomplish your mission and that is to win your daughter without breaking her heart. It's obvious that Rio and Rishan are close to each other. This is going to be a tough silent battle, Carmina."

Napatingin siya sa kaibigan at ngumiti ng hindi umaabot sa tainga. "Noon palang alam ko ng talunan ako pagdating sa kanila. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong kabit at walang kwentang ina." Naalala niya kung paanong isampal ni Alejandro ang katotohanan na wala na siyang karapatan sa anak.

Hinagod ni Leslie ang kanyang likod upang kumalma ito at gumaan ang pakiramdam. Wala siyang ibang maramdamn kun'di awa dahil laban ito ni Carmina.

"Akala ko malakas na ako sa oras na harapin ko sila ngunit heto at binabagabag ng mga sinabi ni Alejandro," dagdag pa niya.

"Ano bang payo sa'yo ni Madam Veron? Hindi ba't huwag ka dapat magpaapekto sa mga mangyayari sa oras na bumalik ka rito. Mina, anak mo ang nakasalalay dito at hustisya para sa pamilya mo. Habang may panahon ka pa, gawin mo na kung ano ang dapat. Isasakripisyo mo na naman ba ang buhay mo para sa mahal mo? Alalahanin mong ang anak mo na ngayon ang importante sa buhay mo," pagpapaalala sa kanya ni Leslie upang matulungan na maibalik sa determinasyon si Carmina.

Business Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon