Kabanata 20

34 2 0
                                    

* LORENZO MARCUS ALCARAZ POV *

"Sir Enzo, pinapatawag po kayo ni Chairman." Nag-angat ako ng tingin sa babae at tinanungan siya.

Ngumiti lang siya at tumalikod na.

"Ah! Wait Diane, pakisabi kay Lolo na mayamaya na lang ako pupunta sa office niya. I'll just finish reviewing these docs." Turan ko.

Binalik ko ang tingin ko sa mga papel na nasa harapan ko at napabuntong hininga na lang. Ang dami kong kailangang gawin.

Iba pala talaga kapag nagtatrabaho ka na. 'Yung school works ay walang-wala kung ikukumpara sa mga responsibilidad at gawain kapag nasa field ka na. Triple ang stress.

Isinuksok ko sa folder ang mga papeles na nirereview ko tsaka nag-inat nang kaunti.

"Diane." Tawag ko sa intercom.

"Yes Sir?" Sagot naman nito.

"Push back my schedule this afternoon. I'm planing to have lunch with Lolo." Sambit ko.

"Yes Sir." Sagot naman nito bago ko pinatay ang intercom.

Lumabas ako sa office at dumiretso sa executives' elevator. Yep. We do have a lift exclusive for executives only. Minsan kasi sa katandaan ni Lolo at ng ibang higher ups ay hindi na sila pwedeng makipagsiksikan pa sa ibang empleyado.

I walked through the hallway at kapag may mga nakakakita sa aking empleyado ay agad silang bumabati. Pagdating ko sa harap ng pinto ng office ni Lolo ay bumuga ako ng isang malalim na hininga. I'm in for another long talk.

"Good morning Sir Enzo, kanina pa po naghihintay ang Chairman sa loob." Turan ng boses na nanggaling sa likuran ko.

Oh, it was Anne. My Grandfather's secretary.

"Good morning Anne. Hindi naman siguro galit si Lolo?" Tanong ko rito.

Natawa naman ang dalaga.

"Ay nako Sir, hindi naman yata kayang magalit ng Lolo niyo sa inyo." Sagot naman nito.

Napapalatak na lang ako. Kung alam mo lang Anne kung paano magalit ang Lolo ko.

One time, on my 21st birthday, Esto, one of my cousins, brought girls sa mansion para daw mas masaya ang party ko. Hayun, noong nalaman ni Lolo ay galit na galit ito. Mas lalo pa itong nagalit when he and Lola saw Esto and one of the girls he brought sleeping naked on the same bed. Hayun, napakasal ng di'oras ang pinsan ko.

Pati ako ay damay sa galit ni Lolo't Lola. One month na pina-cut kay Mama't Papa ang allowance ko.

"Good noon Lo--" Bungad ko pagpasok ko sa opisina niya. Pero ako ang nagulat. May mga bisita pala siya.

"Sorry." Agad kong sambit.

"Oh, Lorenzo Hijo come here." Utos ni Lolo.

I went straight next to him, kaharap ang mga bisita niya.

"This is Engr. Carlito Suarez, the senior engineer for the construction of El Plaza." Nakipagkamay ako sa lalaki

"This is Arch. James Eusebio, the senior architect for the project." Tinitigan kong mabuti ang mukha nito. Parang pamilyar siya. I shrugged off the thought. May be I saw him in some events na naattendan ko.

Nakipagkamay ako sa lahat ng mga bisita ni Lolo.

Sila pala ang in-charge sa gagawing construction ng El Plaza. My Lolo is actually planning to venture in Construction and Development Industry by starting up a hotel.

"This is my Apo, Lorenzo Marcus Alcaraz, the senior controller of our company." Pagpapakilala ni Lolo sa akin.

"Pleased to meet you all." Sambit ko bago kami nagsipag-upo lahat.

Once A Cheater, Always A CheaterWhere stories live. Discover now