Kabanata 10

32 2 0
                                    

Matapos ang pag-e-emote ko ay nag-ayos muli ako ng sarili. Maghahanap ako ulit ng trabaho. Hindi naman pwedeng tumunganga na lang ako dahil sayang ang oras. Alas kuwatro pa lang naman ng hapon kaya bukas pa ang mga opisina. I know out there, mayroon din akong mahahanap na trabaho.

Pagkalabas ko mula sa apartment ay biglang humangin nang malakas at 'di inaasahang may lumipad na papel sa mukha ko. Napapikit ako sa dahil saktong-sakto ang papel sa pagtalukob sa mukha ko. Agad ko itong tinggal. Yuck! Baka naman kung saan pa ito nanggaling.

Binasa ko ang papel. Napangiti ako nang malapad. Imbes na itapon ko ito ay yinakap ko pa ang papel. Ito na yata ang sagot sa mga problema ko!

WANTED:
WEEKEND MAID
Requirements:
Biodata
Barangay Clearance
NBI Clearance
Please inquire at The Edge or contact this number 09××-×××-××××

Lumapad pa lalo ang ngiti ko dahil sa nabasa ko. My, my! Ito na nga ang sagot sa aking pagiging jobless!

Hindi demanding ang trabaho dahil weekend lang ang dine-demand na time. Tsaka sobrang convenient nito para sa akin dahil ang The Edge ay ang high rise building na katapat mismo ng aking apartment. Ang The Edge ay isang malaking building na mainly ay nagbebenta at nagpapa-rent ng mga condominiums, may mga event halls din sila para sa mga gustong magsagawa ng parties. Ang convenient ng The Edge para sa mga nakatira rito.

One time na sumilip ako rito ay nalaman ko na may grocery store na pala ito sa ground floor. Sa upper ground floor naman ay may mga restaurants kaya kung may mga gustong kumain ay na-a-accommodate nila. May gym rin sila para sa mga gustong mag-workout. May indoor swimming pool din sila.

Ang balita ko pa ay may indoor tennis court sila, badminton court, at volleyball court, at syempre basketball court. Ang bongga lang! Ang isa pang nagpadagdag sa pagiging high class ng The Edge ang kanilang bowling arena. Though hindi naman siya literal na arena, ay mayroon silang place for bowling.

May mga high end spas and salons rin ang The Edge. May mga shops ng mga damit at sapatos. Alam mo yung provided na lahat para sa mga tenants nila!? Ganoon ang The Edge. Ang high end masyado! Kaya naman minsan ko lang tinangkang tumapak sa lugar na iyon. Baka naman may masira ako or something na ikadisgrasiya ko, wala akong maipapambayad!

Pero sa pagkakataong ito ay muli ay susubukan kong tumapak sa The Edge para sa isang trabaho. Inayos ko ang sarili ko bago tumawid ng kalsada. Lumapit ako sa security guard na nakatayo sa pinto nito at nagtanong tungkol sa trabahong nakasulat sa papel.

"Saan po ako mag-i-inquire tungkol sa trabaho na ito?" Magalang na tanong ko rito tsaka ipinakita ang papel na hawak ko.

'Yung guard naman ay nakatitig lamang sa mukha ko, bumaba pa ang tingin niya sa katawan ko kaya alangan na tinakpan ko ito ng daladala kong folder. Yes! I know maganda ako at fit ang katawan ko! Sanay na rin ako sa mga tingin na ganyan pero iba naman ito! Ayaw kong mabastos gayong naghahanap ako ng trabaho!

"Ah! Ah! Opo. Pasok lang po kayo at doon po kayo mag-inquire sa receptionist." Nagmamadaling sabi nito nang makabawi sa pagkaka-starstruck sa akin.

Kung hindi ako nagpigil ay baka naismiran ko na ito. Pero dahil may magandang opportunity na humampas sa mukha ko ay masaya pa rin ako.

Pagpasok ko sa lobby ng building ay agad nanuot ang lamig sa aking balat. Centralized naman kasi ito kaya hindi nakakapagtaka. Itim ang kulay ng tiled floor at may mga round coffee tables na pinapalibutan mga naggagandahang couches. May mga mamahaling paintings na nakasabit sa wall. May isang malaking television din na naka-hang, kaya naman yung mga naghihintay sa lobby ay may pinapanuod.

Dumiretso ako sa front desk. May tatlong babae na nakangiti sa akin paglapit ko.

"Good afternoon Ma'am, what can I do for you?" Sabi nung babaeng nasa gitna.

Once A Cheater, Always A CheaterWhere stories live. Discover now