Kabanata 6

41 2 0
                                    

"Ava, I don't think you're okay." Napataas ako ng tingin kay James.

Mataman siyang nakatingin sa akin at binalingan ang pagkain ko. Napapikit ako at mahinang napamura dahil sa nakita ko. Yung steak kasi na kinakain ko ay parang minurder. Lasog-lasog na siya pati ang karampot na rice na nakahain. Argggg!

Ngumiti na lang ako para maitago ang frustration ko.

"Sorry." Simpleng sabi ko tsaka nagmamadaling uminom ng wine.

Nasa isang fine dining restaurant kami ngayon. Mayaman naman kasi itong si James kaya kayang-kaya niyang i-date ako sa mamahaling lugar. Kung tutuosin ay kaya niya rin akong pautangin para makabayad sa naputol kong tubig, at nangangambang maputulan pa ako ng kuryente, at mapalayas sa inuupahan kong apartment. But never mind that. User nga ako pero hindi naman ako namemera! Nagbebenta lang ng mga alahas na kusang-loob na ibinigay sa akin!

"Ava, I really don't think you're okay." Marahang hinaplos ni James ang pisngi ko tsaka matamlay na ngumiti sa akin.

Hinawakan ko ang palad niyang nakalapat sa aking pisngi at pinisil iyon. Ngumiti ako.

"Let's go." Yaya niya tsaka inalalayan akong tumayo.

Gentleman nga si James, my exact type, pero I still dont trust guys like him. Well, I'm cynical about boys. Alam ko naman kasing wala silang gagawing mabuti kundi ang lokohin ka. Gagamitin ka nila hanggang sa itapon ka na lang kapag sawa na. Boys will always be boys kahit gaano pa kabuti ang pinapakita nila sa'yo. They're still the same.

Hinatid niya ako sa apartment ko. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago tuluyang binitawan. Oo. Siya na ang sweet, gentleman, at caring!

Pumasok ako sa apartment ko para magpalit ng damit. Kailangan ko naman kumayod para hindi ako mapalayas dito at may maipangbayad pa ako sa mga dapat kong bayaran. Nagsuot ako ng t-shirt at pantalon, nagsuot din ako ng jacket para hindi ako lamigin mamaya. Mahirap kaya ang mag-gasoline girl lalo na kung ang shift ko ay gabi. Nagsasapatos na ako nang may narinig akong katok mula sa pinto.

Nagmamadali akong lumabas, only to find out na yung kumakatok pala ay si Aling Susan, yung landlady ko. Nakangiti siya at may dalang basket na puno ng gulay.

"Hi Aling Susan!" Masiglang bati ko sa kanya. Syempre no baka mamaya mapalayas niya na ako dahil mag-aapat na buwan na akong hindi nakakabayad.

"Ava, hija, maniningil sana ako ng renta dito sa apartment kung may pambayad ka na?" Sabi niya.

Ngumiti ako ng pilit at maasim. Paano yan wala pa akong pambayad?

"Ah... eh.. Aling Susan kasi..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Napakamot na lang ako sa mahaba at maganda kong buhok.

"Wala ka pa bang pambayad? Yung asawa ko kasi galit na dahil ilang buwan ka nang hindi nagbabayad. Kung sa akin ayos lang, kaso yung asawa ko kasi mabisyo, gustong magbayad ka na at nang may maipansulgal siya. Alam mo namang nananakit 'yun. Takot ko lang sa kanya." Mahaba ang eksplanasyon ni Aling Susan, pero isa lang ang naintindihan ko, kailangan ko na ngang magbayad sa kanya.

"Ganun po ba? Wait lang po ah." Tumakbo ako papasok sa apartment ko at nagtuloy hanggang sa kwarto.

Naghalughog ako sa mga drawers ko. Baka naman ay natira pang singsing dito na pwede kong ibigay kay Aling Susan at nang matahimik na yung asawa niya. Nabuksan ko na lahat pero wala na akong makitang pwedeng ibenta o isangla. Nga pala, naibenta ko na yung relo ko dahil kailangan kong magbayad ng tuition fee. Kalahati pa lang kasi yung naibigay ko ngayong second sem.

Dumiretso ako sa banyo at naghanap baka may singsing o bracelet akong naiwan dito. At hayun nakita ko nga yung singsing na may disenyong bulaklak. Kinuha ko ito.

Once A Cheater, Always A CheaterWhere stories live. Discover now