Kabanata 11

26 3 0
                                    

Nagtungo ako sa kusina niya. Wow! Ang linis! Mahihiya ang mga daga at ipis sa sobrang linis ng kusina niya. Spotless kumbaga. Ni wala man lamang tulo ng mantika sa counter, walang nakakalat na condiments. Lahat ay maayos. Nahiya naman tuloy ako.

At dahil gusto ng Boss ko ng masarap na ulam, naghanap ako sa ref niya ng pwedeng iluto. Marunog naman akong magluto dahil nasanay na rin akong mag-isa. Pero sa kamalas-malasan ay wala akong nahanap na matinong pwedeng iluto. Paano ba naman ang laman ng ref niya ay puro sweets!

May isang box ng cake na mukhang hindi pa nagagalaw. Puro chocolates ang nakalagay sa freezer niya, ni wala man lang meat na pwedeng iluto. Tapos may mga softdrinks din na in-can at naka-bottle. May mga fruits din naman na nakalagay sa ref niya, ang kaso, anong ulam naman ang mailuluto ko gamit ang mansanas, orange, at grapes?

May mga frozen goods din siya sa ref. May hotdog, may bacon, may chorizo, pero walang tunay na pagkain! Well, fake na pagkain kasi ang tawag ko sa mga frozen goods, at tunay na pagkain naman sa mga homecooked.

Parang ewan lang si Enzo. Gusto ng masarap na pagkain, pero wala naman pala siya stocks. Like duh. Anong masarap sa hotdog, bacon, at chorizo?

Naghanap ako sa cupboard niya ng pwedeng iluto. Pero wala rin naman akong mahanap dahil puro junk foods ang mayroon siya. May cereals din naman at mga tinapay. May canned goods, may mga breads din, pero walang matino na pwedeng iluto.

Sa frustration ko, ay naghagilap na lang ako ng instant noodles. Nagpainit ako ng tubig tsaka ibinuhos sa noodles. Beef flavor pa naman ito kaya sure na masarap! Bahala siya! Wala naman kasing stock sa ref niya kaya paano ako magluluto ng masarap 'di ba? Parang ewan lang!

Dahil mabait ako, nakuha ko pang umakyat sa second floor at hanapin ang kwarto niya. Madali lang naman hanapin ang kwarto niya kasi dalawang room lang naman ang mayroon sa second floor. Yung unang pinto ang kinatok ko.

"Enzo, nakaluto na ako. Kain na!" Medyo pahiyaw pa yan. Baka naman kasi hindi niya ako narining 'di ba? So dapat prepared.

Hindi ko na hinintay pang magbukas ang pinto. Bumaba na ako at nagtungo sa kusina. At dahil maid ako, syempre dito na rin ako kakain.

Sarap na sarap ako sa instant noodles na kinakain ko. Hmmmm... heaven! Ang init kasi kaya ang sarap higupin ng sabaw. Napapapikit pa ako dahil sa linamnam ng sabaw.

"Oh? 'Yan na yung masarap?" Napaso ang dila ko dahil sa pagkabigla sa biglaang nagsalita sa tabi ko.

Napainom ako ng tubig at sinamaan si Enzo ng tingin.

"Oo! 'Yan na yung masarap!" Pabalang na sagot ko tsaka uminom muli ng tubig.

Naupo siya sa harap ko ng may imposibleng tingin sa akin.

"Masarap? Instant nga lang 'to. Ang sabi ko magluto ka. Hindi ko sinabing magpainit ka ng tubig at masiyahan sa instant noodles." Pabalang din na sagot niya.

Napabuga ako ng hangin at sinamaan siya ng tingin.

"Buti sana kung may stock ka na pwedeng iluto tsaka ka magreklamo! Ang kaso puro basura lang naman ang lamang ng ref mo at cupboards!" Hiyaw ko sa kanya na may tumalsik pa na noodle mula sa bibig ko at nag-landing sa pisngi niya.

Tinanggal ni Enzo ang lumipad na noodle mula sa pagkakadikit sa pisngi niya tsaka ako sinamaan ng tingin. Nag-smile naman ako sa kanya at nag-peace sign.

"Kadiri ka." Matipid niya sabi tsaka inumpisahan na ang pagkain sa instant noodles.

Pinagmamasadan ko lamang siya habang kumakain. Mukhang sarap na sarap naman siya sa instant noodles niya dahil tuloy-tuloy ang paghigop niya ng sabaw. Tsk. Tsk.

Once A Cheater, Always A CheaterWhere stories live. Discover now