Kabanata 7

42 2 0
                                    

Tinanghali ako ng gising. Buti na lang at 11 pa ang pasok ko kaya ayos lang. Nang bumiling ako ng higa, may nadaganan ako. Napangiti ako nang kuhanin iyon. Yung sobre ng pera na ibinigay sa akin bilang last pay ko ang nadaganan ko. Ayieeee!

Muli kong binuksan ang sobre at napangiti na lang ako. Dalawang libo rin ang ibinigay sa akin! Yes! May pangkain na ako na tatagal for at least 1 week. Dapat ay mag-grocery ako para naman may laman ang cupboards ko. My, my baka naman magmukha akong pulubi kaya dapat ay mag-shop na ako ng stocks ko.

I took a bath, naks! Umi-english na 'ko ngayon! Nakakadugo ng ilong! Pagkatapos ay nag-ayos ako ng mukha ko. Simpleng powder, lip gloss, at cheek tint lang ang ginamit ko. Para naman mukhang effortless ang ganda ko at natural! No heavy makeups for me.

Nagsuot ako ng short shorts at tsaka isang spaghetti strap na top. Lumabas ang makinis kong mga hita at ang mapuputi kong braso. Buti na lang din ay maputi ang kilikili at singit ko kaya naman no worries ako kapag maiiksi ang suot ko. At sa hindi malamang dahilan ay hindi tinutubuan ng buhok ang kilikili ko kaya naman mukhang fresh palagi ang kilikili ko! Well, enough of it.

Kinuha ko lang ang pouch ko na laman ang pera at cellphone ko at mga susi bago ako nagtungo sa labas. Pagkababa ko sa apartment, unknowingly, napatingin ako sa katapat na high rise building.

Naalala ko naman yung bultong nakatingin sa akin kaninang madaling araw. Ang creepy! Sana naman ay hindi siya magnanakaw. At kung magnanakaw man siya, puwes wala siyang mananakaw sa akin! Sana rin hindi siya isang rapist! Baka naman ma-rape ako. My, my, ka-rape-rape pa naman ang ganda ko!

Naglakad lang ako dahil sayang naman kung mamamasahe pa ako eh malapit lang naman ang grocery store dito. Bitbit-bitbit ko ang maganda kong payong para hindi mabilad ang makinis at maputi kong balat! Sayang naman kung mangingitim ang flawless skin ko dahil lang sa init ng araw!

Nakarating ako sa isang malaking grocery store. Syempre dahil sa ganda ko, nagtinginan agad yung mga tao sa akin. Lalo na yung guard na mukhang aso kung ngumiti. Inismiran ko lang siya at kumuha ng push cart.

Parang kusang nahawi ang daan ng ako ang dumaan sa gitna ng maraming mamimili. Well, ang ganda ko kasi. I searched for the things na kailangan ko sa bahay. Inuna ko ang pamimili ng mga instant noodles, canned goods, shampoo, sabon for my skin and panglaba, toothpaste, and deodorant. Parang calculator ang utak na pilit ini-estima ang mga magagastos ko rito. Pero... okay na rin siguro 'to.

Itinutulak ko ang push cart ko nang maalala kong bumili rin ng sanitary napkins at tissue. I searched for the aile containing them. Nauna kong nakita ang tissue kaya naman sinunod ko na ang paghahanap ng napkin. Napadpad ako sa aile na puno ng mga sanitary napkins. I searched for my brand at kusa na lamang kumunot ang noo ko nang makita kong nasa pinakaitaas na puwesto ito. Hindi ko abot. Kahit matangkad ako ay alam kong hindi ako aabot.

Luminga-linga ako para maghanap ng crew na pwedeng umabot nito para sa akin. But instead of finding a crew, si Enzo ang nakita ko. To my surprise, napaamang pa ang bibig ko. Pero agad ko itong sinara.

Matagal akong nakatingin sa kanya bago ko mapagtantong hindi siya sa mukha ko nakatingin kung hindi sa legs ko. Oo na! Alam kong makinis, maganda, may shape, at maputi ang legs ko pero hindi na nila kailangan pang tumitig. Duh.

Natawa ako sa inasal niya. Hmmm boys, really.

"Eyes up here, Enzo!" Malanding sabi ko bago ngumiti nang mala-anghel sa kanya.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya at umangat ang tingin sa mukha ko. Hay. Ang gwapo talaga niya! The most handsome man na nakilala ko ever! Or not? May mas gwapo rin naman sa kanya pero talagang charming siya at ma-appeal kaya naman nakakahatak siya ng atensyon.

Once A Cheater, Always A CheaterWhere stories live. Discover now