Kabanata 15

28 2 0
                                    

"James, halika na. Tumayo ka na diyan." Pinilit kong itayo at akayin si James.

Lasing na lasing ang lalaki dito sa loob ng isang high end bar sa isang hotel. Tanghaling tapat pero uminom ng liquor ang lalaki. Hindi lang basta alak kun'di hard liquor pa.

Pinagtitinginan tuloy siya ng mga guests. Pati ako ay hindi nakaligtas sa mapanuring tingin nila. Paano ba naman kasi napadpad ang magandang tulad ko sa bar na ito.

"James..." Nakadukdok ito sa bar counter.

Ayaw ng gumising pa ng lalaki kahit na anong yugyog ko sa kaniya. Lasing na nga. Naupo muna ako sa katabing high stool.

"Ma'am kanina pa po si Sir dito sa bar. Maagang-maaga pa lang po umiinom na siya ng scotch." Kausap sa akin ng bartender.

"Ganun ba." Tipid na sagot ko at binalingan ng tingin ang cellphone kong kanina pa nagba-vibrate. Pinatay ko ang tawag. Si Kean lang naman 'yun, yung bago kong fling na madalas loadan ako.

"Mukhang problemado po Ma'am. Pagkarating pa lang po niya dito, lukot na po ang mukha." Dagdag pa ng barternder tsaka ako inabutan ng lemonade.

"Thank you." Tipid na sagot ko tsaka agad na ininom ang lemonade.

Nauhaw yata ako sa kakahanao kung saang banda ng hotel nandoon si James.

"May natabig na nga pong baso si sir dahil sa sobrang kalasingan." Pagkwekwento pa ng bartender.

Tumango-tango na lang ako. Nahahalata ko na ang pasulyap-sulyap ng bartender sa akin. Pati ang pagngangausap niya sa akin ay may iba akong nararamdaman. My gulay! Bakit ba naman kasi ang ganda ko!? Ang dami tuloy ng nagbibigay ng atensyon sa akin.

Inubos ko lang ang lemonade tsaka ko napagdesisyunan na iuwi ko na lang sa apartment ko si James. Nagpatulong ako sa crew ng bar na itayo at akayin si Jamed hanggang sa makarating kami sa parking lot. Buti na lamang ay alam ko ang sasakyan niyo at kahit papaano ay marunong din akong mag-drive.

Kinapa ko ang bulsa ni James, good thing ay nadoon ang susi niya. Isinakay siya ng crew sa backseat habang maingat kong inalalayan ang ulo niya hanggang sa makahiga siya nang maayos. My gulay!

"Kuya, thank you po." Turan ko sa crew tsaka nagpaalam na.

Umikot ako at sumakay sa driver seat.

"Go Ava! Kaya mo 'yan!" Kausap ko sa sarili ko habang hinihimas ang manibela.

Tinuruan naman akong magdrive ni Papa noon. Actually ay bonding namin ito kapag namamasyal kami sa park ng subdivision namin. Tinuturuan niya akong magdrive, tapos kakain kami sa labas nila Mama. Basta masaya kami kahit nag-iisang anak lang ako.

But things changed when we learned about Papa's infidelity to Mama na nagkaroon pa ng bunga.

Napabuga na lang ako ng hininga. Hayst. At least automatic naman ang kotse ni James kaya feeling ko makakarating naman kami sa apartment ko ng buhay. Buo, walang labis at walang kulang.

ILANG BESES kaming tumugak-tugak sa daan dahil namamatay ang makina. Hindi ko alam kung ako ang may problema o yung mismong sasakyan ni James. Pero kahit ganoon, nakarating naman kami ng safe.

"James..." Yinugyog ko siya nang marahan para gisingin.

Pinagmasdan ko siya sandali. Nakakunot ang noo niya. His face looks troubled. Mukhang malaki nga ang problema ng isang 'to. Hayst.

Yunugyog ko siya. Kanina pa kami dito sa tapat ng apartment ko pero 'di ko naman siya maipasok sa loob. Well, hindi kaya ng ganda ko ang six footer na tulad niya. My gulay! Baka humulas ang ganda ko kung bubuhatin ko siya hanggang makapasok kami!

Once A Cheater, Always A CheaterWhere stories live. Discover now