Kabanata 13

19 2 0
                                    

Dahil Sunday ngayon, meaning ay katulong ako ni Enzo sa unit niya. Maaga akong gumising. Yung tipong alas singko pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Nagpalit ako ng damit, yung komportable ako, t-shirt at shorts tsaka gumayak.

Buti na lang kagabi ay naibigay naman na ni Enzo yung password ng unit niya kaya pwede akong maglabas-pasok sa unit niya anytime.

Dinala ko lang ang cellphone ko at ang pouch ko. Maglilinis lang naman ako sa unit ni Enzo kaya no need nang magdala ng kung ano-ano pa.

By the way, dahil sa pagiging maid ko kay Enzo, na-cancel ang date ko kay James. Sayang! Baka kumain pa naman kami sa isang five star na restaurant! Pero... mas mahalaga pa rin ang kikitain ko kay Enzo kaysa sa pakikipag-date ko. Pero... sayang pa rin!

Bago ang guard na nasa entrance ng The Edge kaya rest assured ako. Yung guard kasi kagabi napaka-creepy!

Pumasok ako sa The Edge at nagtungo sa unit ni Enzo. Pagkabukas ko ng pinto, sinalubong ako ng katahimikan. Mukhang tulog pa ang Boss ko. Tsk.

Inipit ko ang buhok ko para wala sagabal kapag naglinis na ako. Matapos ay nag-tour muna ako sa buong unit ni Enzo para naman ma-familiarize ako, para alam ko kung saan ang mga sulok-sulok nito.

May isang room, mukhang stock room at doon nakalagay yung mga panlinis niya ng unit niya. May vacuum doon, so hindi pala walis ang gamit niya kung hindi vacuum.

Nagsimula na akong maglinis. Nag-start ako sa kusina dahil nandoon pa lahat ng mga pinagkalatan namin kagabi. Ni hindi man lang nagawang hugasan ni Enzo yung dalawang pirasong baso na pinagkainan namin ng ice cream.

Pero bago ako magsimulang maghugas ng mga pinaggamitan ay nagpatugtog muna ako sa cellphone ko. Yung tipong upbeat para naman ganahan ako sa paglilinis.

Kumekembot pa ako katulad ng nakagawian ko kapag naglilinis ako ng bahay. Yung tipong sa bawat beat ng tugtog ay pumapalo ng syento por syento ang beywang ko! Nag-e-enjoy ako!

Feel na feel ko ang pagsayaw habang nagpupunas ako ng mga kubyertos. Todo pa ang pagkembot ko at sumabay pa 'ko sa pagkanta. Okay lang naman dahil walang makakakita sa akin. Tulog pa ang Boss ko at kaming dalawa lang naman ang tao rito. Enjoy na enjoy ko ang musika ngunit natigagal na lamang ako nang may nagsalita.

"May talent ka pala." Awtomatikong tumigil ang pagkembot ko. Ibinaba ko ang mga kubyertos at tsaka lumingon sa pinanggalingan ng boses.

O.M.G. Kung pwede lang ibalik ang oras ay ginawa ko na! Nakakahiya! Tumatawa pa ang loko-loko! Pinilit kong kumalma.

"Ano naman sayo!" Sigaw kong pabalik kahit nahihiya ako sa nakita niyang ginagawa ko.

Nagdabog ako palabas ng kusina. Hmpf! Nakakahiya talaga! But better hide it, baka tuksuhin pa ako ng loko. Parang gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader at ihampas ang flawless skin ko sa lapag. No!

Pero kahit na ganun ang nangyari, hindi ako pwedeng mag-inarte. Nilinis ko ang buong unit niya. Bawat sulok ay wala akong pinalampas. Talagang kinuskos ko kahit ang hagdan para malinis na malinis talaga!

Ngayon naman ay kasalukuyan akong nagluto ng pananghalian namin. Nag-decide ako na sinigang na lang tulal ay nag-cra-crave ako sa maasim. Hindi na ako nag-abalang tanungin pa siya kung ano ang gusto niyang ulam tutal ay mukhang busy sa panonood ng movies ang kuya niyo!

"Kain na!" Hiyaw ko mula sa kusina.

Prenteng umupo ako tsaka nagsandok na ng kanin. Hindi ko na hinintay ang Boss ko dahil mukhang busy siya sa buhay niya.

Sarap na sarap ako sa pagkain. Ang tagal ko ring hindi nakakain ng sinigang. Hindi na kasi ako nakakapagluto.

Ilang sandali pa ay dumating na ang Boss ko at sinaluhan ako sa pagkain. Tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko siya pinapansin at hindi niya rin naman ako pinapansin. Well, wala namang dahilan para magpansinan kami. Tsk.

Once A Cheater, Always A CheaterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ