CLAN~7

23 2 0
                                    

ABDILLA POV

Kahit pa kayoy magsama Sama ay wala paring tatapat sa aking kapangyarihan hahahahahaha
Nabigo man ako noon Pero sa pagkakataong Ito ay ako Na Ang mananalo at maghahari dito sa buong Magnoshuttat

"Mahal Na Reyna aalis Na kami" Sambit ng aking mga inutusan para sa Isang misyon!hahaha

"Cgue...siguraduhin niyo lang Na magagawa niyo Ang aking pinapagawa kundi.....makakatikim kayong lahat sa akin....MALIWANAG BAAA?" Galit Kong Sambit at tumango naman Silang lahat

"Maliwanag po Mahal Na Reyna" Agad namang silang nagsialisan para sa isang malaking pasabog na aking inihanda para sa mga hinirang

tingnan lang natin ngayon kung sino Ang unang malalagasan!HAHAHAHAHA

"VICTORIAAAA HALI KAA" tawag ko sa aking kapatid Pero hindi Siya sumagot

"VICTORIAAAAAAAA" galit Kong Sambit dahil ayaw Kong pinaghihintay ako

"Mawalang galang Na po mahal Na reyna sumama po Ang iyong kapatid kila maricella at mettalica" Sabi ng Isang kawal sa akin Na nagpainit ng aking ulo dahil hindi man lang Niya sinabi sa akin Na sasama siya

"Arrrgghhhh walang silbiiiiii" Sa Isang galaw ko lamang ng aking daliri ay natunaw agad Ang walang silbing kawal Na iyunnn. HAHAHAHAHAHAHAHA!!

CHEALSEA POV

Hindi ko Alam Ang aking gagawin kaya tumakbo nalang ako ng tumakbo!
Hindi ko inaakalang Ang payapa naming lupain ng MCCARTNEY ay sasalakayin ng tatlong babae Na mga halimaw dahil hindi naman sila tao basta kakaiba sila

"Mahal Na prinsesa" Rinig Kong Sabi ng aking kaibigan Na si Jacob at paglingon ko ay nasa likod Kona pala Ang Isa sa mga sumalakay sa aking lupain at base sa itsura nito Isa siyang Black Fox

Pinikit ko nalang Ang aking mata..at bumulong sa kung hangin Na "kung  ito nanga Ang aking katapusan. Aking bathala ikaw napo Ang bahala sa aking lupain at wag niyo po Silang pababayaan"

"Tabiiiiiiiiiiiiiiiiii" rinig Kong Sigaw ni Jacob Pero hindi Siya makakaabot

"Aahhhhhhhh ahh"  Tumilapon ako sa isang puno dahil tinulak ako ni Jacob.....tekaa si Jacob..

"Yan Ang napapala ng mga pakialamero hahahahaha" minulat ko Ang aking mga mata at halos mawindang ako sa aking nakita

"Jacoooobbbbbbb" Napasigaw nalang ako ng makita Kong nakahandusay siya sa lupa at Lalo pa akong nanlumo ng makita ko Ang sugat Niya

"J-jacob p-patawarin m-moo akoo" Hindi ko napigilang tumulo Ang aking luha dahil ako dapat Yun ehhhh....hindi...hindi siyaaaa...

"W-wag mong s-sisihin Ang sarili m-mo prinsesa..t-tandaan mo m-mahal k-kita" kasabay nun ay Ang pagpikit ng Niya ng kanyang mata

"Jacccccccoooobbbbbbbb" Hindi ko Na talaga mapigilan Ang aking sarili sa kakaiyak dahil ng dahil sa akin ay binawian siya ng Buhay at Ang brutal pa ng pagkakapaslang sa kanya

"Oppsss one down...humanda ka prinsesa dahil isusunod Na kita HAHAHAHA" Sambit nito sabay akmang tutusukin ako ng mahahaba niyang kuko

"Magbabayad kaaaaa" Hindi ko Alam Pero parang may Isang malakas Na enerhiya Na gustong kumawala sa aking katawan at Ang aking simbolo ng korona Na nasa aking leeg ay umiilaw

"AHHHHHHHHHHHH.  MAGBABABAYAADDDD KAAAAAAA" Sigaw ko at may kung anong salitang lumabas sa aking bibig

BOZ KIZ MOU RES

DES IMPYERNOS

COZ SER BERI TZAREJI

Bigla nalang lumabas Ang engkantasyon Na Yun sa aking bibig at kitang kita ko kung paano naghirap Ang black Fox Na yun

"Ahhhh.  Ahhh anong nangyayari ahhh AHHHHHHHHHHHH" Sa huling pagkakataon ay nakasigaw siya ng malakas dahil sigurado akong hindi Niya nakayanang masunog ng Buhay
Bigla agad akong napaluhod dahil sobra akong naghihina siguro ay Ang sobrang paggamit ko ng aking kapangyarihan

"Ateeeee" Rinig Kong sigaw Mula sa malayo Pero huli Na hindi Kona kaya kaya agad akong nawalan ng malay

METTALICA POV

"Ateee nasaan kana bakit naging abo ka?? Ateee ehhh naman ohhhh ateeeeee" Iyak lang ako ng iyak habang Nasa aking kamay Ang abo dahil nakita kong nasunog Ang ate ko.

"Pasensya Na ate patawad Hindi kita natulungan   ehhh ahhh arrgg ateeeeee" Habang akoy iyak ng iyak nakita ko siya Na walang malay.

"Tatapusin kita Gaya ng utos ng Reyna at maipaghihiganti korin Ang aking kapatid' Tumalon ako ng mataas at tinutok sa kanya Ang aking kamay Na may mahahahabang kuko Na nakakalason dahil Isa akong yellow wasp

"Ahhhhhhhhhhh tapoooss kaaa naaaaaa" Sigaw ko at Isang Malakas Na pagsabog Ang naganap at alam Kong tapos Na Ang isang hinirang

"BOOOOOGGGGSSSSS"

bakit.....bakit wala siya dito....nasaaan siya nagpalinga linga ako Pero wala siyaaaa akala ko tapos Na Pero ng nawala Ang abo na likha ng pagsabog ay walang akong nakitang prinsesa

"Ito ba Ang hinahanap mo?" Tumingin agad ako sa ere dahil doon galing Ang boses at may nakita Ang prinsesa

NIEL POV

Agad naman siyang tumingin sa itaas dahil nakalutang kami sa ere gamit Ang kapangyarihan ni alliyah at Ang billis naman kaya agad kami nakarating dito at kaya nailigtas namin Ang hinirang na prinsesa ay dahil Kay marina

"Wala bang nakapagsabi sayo Na bawal Ang ginagawa mo?" Nakangisi Kong Sambit hehe Pero jowk lang Yun

"Wala Kang pakialam ibigay mo sa akin ang babaeng iyan" Sabi ng yellow wasp sa amin Pero no way highway

"Kung maabot mo kami" pang iinsulto ni alliyah dun sa yellow wasp

"Kung mahabol mo naman kami hahahaha" Sabi naman ni marina

"Kung ganoon kayo nalang lahat Ang tatapusin ko at kung magagawa ko man ikatutuwa Yun ng Mahal Na Reyna hahaha..itooo naaaaa" Sabi Niya at agad Na sinugod kami Pero madali kaming nakaiwas dahil sa bilis ni marina

"Tama nga Ang hinala ko nabuhay Na siya"Sabi ni Lolo

"Wag Kang mag-alala lolo matatalo natin sino paman yan magtiwala kalang" tumango naman ito

"Tulong naman ohhhh  kanina pa ako ehh takbo ng takbo kaya pwede ba?" Sabi ni marina at natawa nalang kaming tatlo nila mikah

"Cgue!!Tayo Na namaaaaannnnn" sigaw ko at pinalibutan naming apat Ang kalaban

"Namnamin mo" Gamit Ang latigo ni mikah ay tinali Niya Ang kalaban para hindi makagalaw at makaiwas

"Silde ka muna" Gumawa ako ng butas Na Malaki kaya nahulog siya 

"Tanggapin mo" Si alliyah naman ay gamit Ang kanyang kapangyarihan Na magpalutang ay gumawa siya ng mga matutulis Na kahoy Mula sa paligid at sunod sunod Na tinira sa kalaban

"Tapos kana" Tumakbo Na napakabilis si marina at pinalibutan Niya Ang kalaban kaya nakabuo ng maliit Na buhawe at nagpalibot libot at tumilapon naman Ang kalaban

"Arrggghhhhhh hindi pa ako tapos ako namaaaaannnnn" Tumayo siya at Susugod Sana ulit Pero bigla  sumulpot Ang isang anyong mantis at rinig Kong Sabi nito Na aalis Na sila at meron pa namang susunod
Sa isang iglap lang ay naglaho Na agad sila sa aming paningin

"Lolo gising naba Po siya?" tanong ko ng nakalapit na kaming apat Kay lolo at Kay pixielhynz Na nasa tuktuk ng Baston ni lolo

"Wag kayong mag-alala Buhay pa naman siya Pero may kailangan muna tayong tulungan at ayusin habang Tulog pa Ang prinsesa" Napalingon kami sa aming paligid puro apoy Ang aming makikita at nga iyakan lang Ang naririnig

Tumango kaming apat at naghiwahiwalay para tumulong sa mga mamamayan ng McCartney!

VOTE|COMMENTS|FOLLOW

The Legendary ClanWhere stories live. Discover now