CLAN~33

5 0 0
                                    

LAUREN POV

Naawa ako Kay jiero at Mikhael..
Naranasan ko ng mawalan ng magulang kaya alam ko Ang kanilang nararamdaman
Mahirap man tanggapin ngunit kailangan

"Patawad jiero at Mikhael Pero may misyon pa kaming tatapusin kayat hindi Na kami magtatagal pa" Sabi ni Niel habang Nasa loob kami ng bahay nila at nagpapahinga na

"Paano Na kayo ngayon?" Tanong ko sa kanila

"Kahit Na magpaiwan kami dito ay parang wala ring silbi Kong kami lang dalawa ni mikhael" Sambit ni jiero

"Kung kayat kung Inyong mamarapatin ay pwede bang kaming sumama" Sambit Mikhael

Labis Ang aking tuwang naramdaman nung sinabi iyun ni mikhael at hindi ko Alam kung bakit Pero Na excite ako

Tiningnan kaming lahat ni Niel Na para bang sinasabing "okay lang sa Inyo" kaya tumango kami

"Oo naman" Sabi ni Niel ng nakangiti at napangiti din sila dahil siguro nagagalak silang makasama kami sa Isang masaya at delikadong paglalakbay

Dahil sa aking sobrang saya ay yinakap ko si jiero at maging si mikah at mikhael ay nagyakapn din.

*EHEMM*

Agad kaming humiwalay sa pagkakayakap dahil tung mga kaibigan ko Alam Mona!!

"Na excite lang hehehe" pareho naming Sabi ni marina..Pero hindi Konga Alam dahil parang kusang kumilos Ang katawan ko..

Dahil siguro ay napamahal Na sila sa amin at may utang Na loob din kami sa kanilang dalawa

"Kung ganoon ay maghanda Na Tayo para sa ating Pag-alis" Sabi ni silver tapos nag-ayos Na kami ng aming mga dadalhin Na nagkalat dahil sa lindol Na gawa ni Niel

AVRILA POV

Agad naming nilisan Ang baryo PHILAPEL!!
Ang baryong may ikinubling sikreto ng napakahabang panahon....Pero sa araw Na ito lahat ay nabunyag at lahat ay nagtapos lahat nabigyan ng tuldok.

Tumigil Kami sa gilid ng isang talon at may malalim Na tubig upang  doon Na daw magpahinga at  magpalipas ng Gabi dahil hapon na.

Kumuha kami nila alliyah,marina, mikhael at Carynia ng panggatong at Ang iba naman ay naghanda ng aming tutulugan at sila rin Ang gagawa ng apoy!!

"Guys..ano kayang Susunod Na mangyayari sa atin?" Sambit ko

"Walang nakakaalam ng pwedeng Susunod Na mangyayari...Pero manalig nalang Tayo Kay bathala Na gabayan Tayo sa ating  paglalakbay" Sambit naman ni Chelsea

"Alam niyo guys.. sobrang pasasalamat namin dahil nakilala namin kayo at ngayon ay kasama Na" nakangiting Sambit ni rye

"Tama ka diyan rye..siguro kung hindi niyo kami nakita ng aking kakambal ay baka hanggang ngayon ay alipin parin kami" sambit naman ni golden

"Kami rin ni mikhael ay nagagalak at Isang karangalan Na makasama Ang mga hinirang ng Magnoshuttat at makasama sa laban para sa kaayusan" Sambit ni jiero

"Kami rin naman ay nagagalak din..dahil buong Buhay koy wala akong nakasama kundi Ang aking mga bulaklak" sambit naman ni  mikah

"Ganoon din ako...Mula ng namatay Ang magulang ko ay nabuhay Na ako sa dilim Pero ngayon sa Liwanag Na ako nabubuhay kasama Ang aking mga kaibigan na para ko naring kapatid hehe" Sambit ko

"Alam niyo...lahat ng ito ay utang Na loob natin Kay Niel...dahil sa kanya narito tayo ngayon..magkakasama at masaya" Sambit ni marina

"Ginawa kolang kung anong Tama...hindi ngalang tayo nagkaparepareho dahil kasama ko si lolo...Pero hindi ko namalayan Na matagal Na pala siyang wala..Pero okay nayun...nawala man si lolo ay may pumalit naman sa pwesto niya...hindi lang isa kundi napakarami hehehe" masayang Sambit ni niel

"Hehe...palitan nanga lang natin ang topic sobrang dramatic ehh haha" natatawang Sambit ni carynia

"Ayttsssss..hehe Tama ka...so!!ano namang Pag-uusapan natin?" Tanong ni golden

"Ikaw Ang nakaisip Carynia Na palitan Ang topic so ikaw Na Ang mag-isip diba guys??" Sambit ko

"Oo nga" Sabi naman ng iba

"Grave naman kayo....porket ako Ang suggest Na palitan Ang topic ehhh ako Na agad Ang mag-isip ng ipapalit" angal ni carynia

"Matulog nalang kaya tayo para makabawi agad Tayo ng lakas at mahaba ba Ang ating lalakbayin" Suhestiyon ni Niel Na aming sinang-ayun dahil kahit hindi halata ay napapagod din kami sa family ba naman ng nangyari kanina hehe..

NIEL POV

pagsapit ng Liwanag ay napagpasyahan naming maligo sa tubig pagkatapos ay lumakad na kami..

"Salamat....maraming salamat"

"Mabuhay Ang m_macclan"

"MABUHAY"

pagkatapos naming makumbinse Ang mga taga baryo ROXAS kung saan nakatira Ang mga taong magaling magpanday ng mga sandata at  pagkatapos  ay dumiretso Na agad kami sa Susunod Na baryo!!

"Mabuhay Ang m_macclan"

"MABUHAY"

Nakumbinse rin namin Ang taga baryo VELINDO kung saan Ang nakatira ay mga duwende!!

"Nakalikas Na silang lahat niel" Sambit ni mikah

"Mabuti......makinig kayong lahat aking mga kaibigan" Sabi ko at lumapit naman sila sa akin

"Anong sasabihin mo Niel?" Tanong ni goldy

"Isang baryo nalang Ang ating pupuntahan at pagkatapos noon ay  Alam niyo kung ano Ang Susunod Na mangyayari" Sambit ko

"Alam namin Niel....kaya wag Kang mabahala lagi kaming handa" Sabi nilang lahat

"Nakakalungkot ngalang dahil kailangan pang idaan sa digmaan para makamtan lamang Ang kapayapaan" Sambit ni alliyah

"Hindi ko gusto Ang makipagpatayan Pero kung para ito sa ikabubuti ng lahat at ng buong Magnoshuttat ay handa akong makipagpatayan" Sambit naman ni avrila

"Yun Ang gusto nila kaya.. ibibigay natin sa Kanila Ang Isang digmaang ngayon lang nila mararanasan" Sambit ni carynia

"Alam mo Niel...noog una palang at napagpasyahan naming sumama sa iyo ay inihanda Na namin Ang sarili namin para sa araw Na iyun kaya wag Kang mag-alala hindi kami Magiging pabigat sa laban" Sambit ni mikah

"Mainam......pagkatapos natin makumbinse Ang mga taga baryo  langitnon ay agad Tayong babalik sa bundok pasimundo para makapag Plano ng mabuti" Sambit ko

"Tama ka..hindi natin dapat maliitin Ang ating kalaban dahil sigurado akong hindi sila pangkaraniwan at baka mas marami pa sila sa ating inaakala" Sambit naman ni marina

"Kung ganoon magpahinga Na tayo....bukas pagputok ng bukang liwayway ay agad tayong lalakad upang marating agad natin Ang huling baryong iyun"

VOTE|COMMENTS|FOLLOW

The Legendary ClanWhere stories live. Discover now