Chapter 42

1.5K 30 8
                                    



*cloud's pov*

Pinagmamasdan ko ang likod ni grey habang busy siya sa pagsimsim ng hawak niyang baso na may laman na wine. Habang ako naman nakatayo at nakasandal sa frame ng pinto.

Nandito kami ngayon sa rest house nila sa laguna. Dito na daw kami magpapalipas ng gabi at mamayang madaling araw ay aalis din kami dahil bukas nagaganapin ang event sa school.

Napahinga ako ng malalim bago nilapitan si grey. Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko patungo sa bewang niya. Niyapos ko siya. At parang napapitlag pa siya sa ginawa ko.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Malambing na tanong ko. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. Napapikit ako. Ito talaga comfort zone ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapulupot sakanya.

"Ikaw.."

Napadilat ako ng matinigan ang lungkot ng boses niya.

Tumayo ako ng tuwid. Hinarap ko siya. Nakangiti siya sakin pero yung ngiti niyang yon hindi umabot sa mga mata niya.

Hinawakan ko kamay niya.

Masydo nako nababagabag sa nangyayari sakanya. Alam kong madalas kami magsalpukan dahil pareho kaming may toyo. Pero pag sa gantong sitwasyon. Ayokong nakikita siyang nahihirapan dahil sa problemang hindi ko alam kung ano.

Ang gusto ko lang naman ay maramdaman niyang nandito lang ako sa tabi niya nakasuporta sakanya.

"Sabihin mo sakin kung ano ang problema grey.. sabihin mo sakin kung ano ang bumabagabag sayo.." lumunok ako dahil parang may nagbabara sa lalamunan ko.
"Kasi.. kahit sabihin mong okay ka lang.. hindi yon yung sinasabi ng galaw mo.. ayoko ng may tinatago ka sakin. Just.. just please sabihin mo sakin.."

Napapikit siya at napakagat sa ibabang labi.
Sunod sunod ang pag iling niya bago dumilat at nakangiting sinalubong ang mata ko.

Hinatak niya ko palapit sakanya at niyakap. "Tatlo lang naman ang gusto kong gawin mo sakin."

Napakunot ang noo ko, "ano naman yon?"

Pag ito may kasamang sex sisikmuraan ko talaga siya.

" ang una, mahalin mo ko araw araw. Pangalawa, magtiwala ka lang sakin. At pangatlo, w-wag mo ako iwan kahit anong mangyari" seryoso pero ramdam ko yung bigat sa pangatlong sinabi niya.

"Okay. Madali lang pala, akala ko mahirap" biro ko. Lalo pa ko nagsumiksik sakanya.

Napatawa naman siya. Nakaalalay ang isang kamay niya sa bewang ko habang yung isa ay may hawak na baso.

-
-
-

"Alam mo phineas parang nakita ko si kuya sa school kahapon. Hindi ko lang nakita yung mukha kasi malayo na siya tsaka nakatalikod." Sabi ko habang nanguya ng fries. On the way na kami ngayon sa school tyempo naman na may nadaanan kaming drive thru.

"T-talaga?" Sagot niya.

Sinubuan ko siya.

"Yup. Sayang nga eh, pakilala sana kita-"

"As your jowa?" May accent pa yan partida. Binigyan niya pa ko ng nakakanginig na ngiti.

Nagmake face naman ako.

"As my bestfriend muna syempre, saka na muna ako maglaladlad pag kaya ko na bumili ng bahay natin. para pag napalayas ako may bahay tayo hahaha" biro ko.

Napatawa siya ng malakas. Ang babaw niya pa din psh.

"I can buy you one if you want." Swabe lang ang pagkakasabi niya. Akala mo ay tig pipiso lang ang presyo ng bahay.

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now