Chapter 15

4.2K 129 13
                                    







"bye guys, kita nalang tayo sa monday, may practice pa ko eh" paalam ko sa apat


"galingan mo, byeeeee" paalam nila.


papunta ako ngayon sa court, last practice na namin ngayon dahil sa monday na ang laban.


pumunta muna ko sa locker room para magpalit ng damit, pagpasok ko bumungad sakin ang likod ni mitch, pano ko nalaman na si mitch? dahil sa tattoo nya sa batok (dream catcher)


"hey mitch" bati ko, pero ang bruha nagulat kaya napatili.


"kyaaaaa! letse ka nagulat ako" sabay palo sakin gamit ang shirt nya.


natawa naman ako, ang epic ng mukha haha "sorry di ko naman intensyon gulatin ka, nasan ang iba?"


Inilapag ko ang bag ko sa bench.


"tse! nauna na kanina pa, pero hoy! ano yung tsismisan dito sa scholl na may sumugod daw sayo kahapon?"


"tss, mga wala lang magawa sa buhay"sagot ko, hinubad ko ang t-shirt ko.


"baka naman may atraso ka? kilala na kita baby alam ko hulmahan ng mga bituka nyong magtotropa"naghihinalang tanong nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.


"judgemental mo naman po ate, biktima lang din ako no! tsaka magbihis kana nga kala mo naman gandang ganda ako sa katawan mo kung makabalandra ka sa harapan ko" masungit na sagot ko.


ngumiti naman sya ng nakakaloko.

"if i know naglalaway kana sa alindog ko haha" harot talaga nito.


"dream on babe" sabay kindat ko.


"Oh c'mon! one of these days, babaluktot ka din at pag nangyari yun? kakalbuhin talaga kita hahaha" confident na bira nya.


napatigil ako sa sinabi nya, dahil ayaw ko man isipin pero mukhang nangyayari na ang sinabi nya. napakagat ako sa labi.


ng dumako ang paningin ko sa babaeng kaharap ko, nanlalaki ang mata nya.


"o-omg! dont tell me..."


sinamaan ko sya ng tingin, "kung ano man yang iniisip mo mali yan as in MALI"


"pfft. defensive hahaha!"


napairap nalang ako. guilty eh..


------------------------------------------------------------------


after ng practice tumambay muna ko sa court, nagliwaliw, nagbaliwbaliwan... de joke lang, ako ang inatasan ni captain joey na maglinis, actually dapat dalawa kami ni rohan , pero dahil ayokong mahalay ng wala sa oras inako ko na lahat ng gawin, ang bait ko talaga haha.


napahiga ako sa bench, napagod ata ako sa mga tanong nila captain joey about kahapon, kesa sa practice namin.


"ashley" napabangon ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sakin.


nakatayo sya malapit sakin at halata sa itsura nya na galit sya, well ano pa ba ineexpect ko?


"what is the meaning of this?!" gigil na sabi nya, itinapon nya ang papel sa harapan ko.


pinulot ko ang papel at nanlaki ang mata ko sa nakita ko, katulad ng pinakita nila rob, mga kotse ng sumugod sakin, sabi ko na nga ba mapapahamak ako sa ginawa nila..


Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now