chapter 40

1.7K 43 11
                                    





*Grey's pov*


Nagtitimpi pero galit ang mga mata nya.

"P-paano....?" Litong tanong ko. Kumabog ng malakas ang tibok ng puso ko. Like oh my god! Paano nya nalaman?! Sino nagsabi? Hindi ba kami naging maingat ni cloud?


Pumikit sya at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Typical kevin camden


"Tigilan niyo na ang kabaliwan nyo greysen at bumalik kana sakin. Hindi magwowork ang ganyang relationship! At pag nalaman pa to nila mom and dad tingin mo hindi itatakwil si ashley?!" Sa tono ng pananalita nya hindi mo mahulaan kung concern ba sya sa kapatid nya o sadyang desperado na syang bumalik ako sakanya?

Yung gulat na naramdaman ko napalitan ng galit! Pinanlisikan ko sya ng mata.


"Who do you think you are para sabihin na hindi magwowork ang relationship namin?!" Galit na sabi ko. Lumapit pa ko sa kanya at dinuro sya sa dibdib!

"Ang kapal ng mukha mong sumugod dito para humingi ng kapatawaran ko at bumalik sayo! Tapos ngayon gusto mo pa kaming pag hiwalayin ni cloud?! How dare you to say that you dumbass?!" Gigil na sabi ko. Hindi ko alam kung san ko pa ilalagay ang galit ko sakanya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya!


Cold na nakatingin lang sya sakin na parang hindi tinatablan sa galit na ibinibigay ko sakanya

Galit na kinuwelyuhan ko pa sya. "Tigilan mo ako o kaming dalawa ng kapatid mo dahil kahit anong gawin mo hinding hindi na ako babalik sayo" gigil na sabi ko. Binitawan ko sya at akmang iiwan na pero humirit pa sya

The nerve of this guy!

"Sa pamilya namin ako palang ang nakakaalam na merong karelasyon na babae ang kapatid ko. At alam mo ba pag nalaman to nila mom? Itatakwil sya, Ipapatapon sa states at hindi na papabalikin pa dito, mamumuhay syang mag isa.. hindi mo naman gusto na mangyari yon di ba?" Cool na cool nya lang sinabi yon.

Parang napahinto sa pagfunction ang mga laman loob ko lalong lalo na ang puso ko sa narinig ko..

Biglang nagpop up sa utak ko ang mga ngiti ni cloud..

Yung mata nyang puno ng buhay...

Yung pagsusungit nya...

Yung mga yakap nya..

Yung mga halik nya...

Yung BUONG SYA!

Biglang nag init ang paligid ng mata ko.. pano nalang pag nawala sya sakin..?

Isipin ko palang nasasaktan na ako.. parang sumasakit tyan ko ganun din ang dibdib ko, yung lalamunan kong biglang parang nagkaron ng bara.

Napahawak ako sa pisngi ko. Basa na ng luha. Di ko manlang namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Maagap ko yon pinunasan. Nanghihinang tinignan si camden mata sa mata.

"W-wag m-mong sabihin sakanila.. hindi ko kakayanin pag nawala sya sakin.." sunod sunod na naglaglagan ang mga luha ko kasunod non ang mahihinang hikbing lumalabas sa bibig ko.

Sa dami kong nakarelasyon kay cloud lang ako bibigay. Baka pag nawala sya pati buhay ko mawala na din.

Tumayo sya ng diretso, sa nakikita ko sakanya hindi na sya yung camden na nakilala ko.. mas naging matigas sya. Desidido talaga syang sirain ang kung ano mang meron kami ni cloud para lang bumalik ako sakanya.


"Hindi ko sasabihin kila mom kung anong meron sainyo ni ashley BUT... makikipagdate ka sakin sa loob ng isang buwan" seryosong sabi nya.


Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now