Chapter 36

1.7K 47 4
                                    






"Cloud's pov"


"Kuya?!" Nanlaki pa mata ko dahil di ko ineexpect na umuwi na sya!

Ngumiti sya ng malaki. Yung mata nyang ang cold cold kung makatingin nagiging warm pag ngumiti na sya.

Nagsitakbuhan papalapit si jillian at crystal, hindi din naalis ang pagkamangha nila rob and chito kay kuya.

Sobrang laki ng pinagbago ng facial features nya, mas naging lalaking lalake. Yung katawan nya na kung hindi ako nagkakamali ay napupuno ng muscles!
My god! Ilang taon na ba kami hindi nagkita? Sa pag kakaalam ko 2years palang.

"What's up brat?"Nakangiting tanong nya. Sila jillian panay pisil sa braso ni kuya. Wala naman magawa si kuya kundi ang matawa.


Automatic nangunot ang noo ko sa pgkakatawag nya sakin. "brat ka dyan, ano naman ginagawa mo dito? At kelan ka pa dumating ha?" Masungit na tanong ko. Di manlang nagbago ang tawag nya sakin



"Ay friend bakit naman ang sungit sungit mo sa kuya mo? Kakarating lang ni kuya kevin ayan agad ibubungad mo?" Crystal


"Oo nga bessy, grabe ka. Bakit di mo tanungin kung pwede namin sya iuwi sa bahay hahaha!" Biro ni jillian


Sabay naman napailing sila rob, ang harot eh. Di manlang marunong lumingon sa likod nya dahil lahat ng nilalandi nya nakaabang sa likod namin! Hay.. araw araw silang ganto buti nga di sila nagrarambulan.


"Talandi nito, Kelan kapa nga nakauwi kuya? At pano mo nalaman na dito ako nag aaral?" Kunot noong tanong ko, namewang pa ko sa harap nya.


Natawa naman si kuya sa inaasal ko, "hahaha yesterday actually. Nagkajetlag ako kaya hindi muna ako nagpakita sainyo nila dad, and si mommy ang nagsabi sakin na dito ka nag aaral"


Napabuntong hininga naman ako.


"Ahm.. cloud? Mauna na kami ah, and kuya kevin.. pasensya na kailangan na namin sumibat" paalam ni chito

"Ahh wait, dinner muna tayo guys treat ko" nakangiting anyaya ni kuya.


Napakamot sa batok si rob, "sorry kuya kevin, medyo busy kasi ako ngayon dami ko kailangan tapusin, pati dinner ata hindi ko na magawa haha next time siguro"


"Ganun din ako, maybe some other time" chito

Hindi masyadong close ng mga boys si kuya, magkaibang magkaiba sa dalawang haliparot.



Pati sila jillian napatango, "ganun ba? Sige sige next time nalang." Kuya kevin


Hindi pa sana bibitaw sila jillian kay kuya kung hindi pa hilahin nila rob.

Jusko po kehaharot!


Nang kami nalang natirang dalawa ni kuya, lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Kitang kita ko kung pano nagbulungan ang mga nakakakita samin. Tsk! Mga tsismosa ano naman kaya ang iniisip nila?


Marahan kong inilayo si kuya dahil sobrang higpit ng yakap nya! "Teka nga! my god! Papatayin mo ba ko?"



Natawa sya, "what? Haha i just miss you my princess haha"


Napairap nalang ako, inakbayan nya ko "let's go home, madami akong pasalubong sayo"


Inalis ko pagkakaakbay nya, "may dala akong kotse kita nalang tayo sa bahay"


"Eh? Marunong kana magdrive?!" Nanlaki mata nya.


Tinignan ko naman sya ng parang nawiwirduhan sa nireact. Nya. I mean duh!


Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum