Chapter 39

1.2K 42 21
                                    





*GREY's POV*


Dumaan ang isang linggo na sobrang banas na banas ako sa dalawang tao. OKAY TATLO! Nakisali pa si camden, pano nalang pag nagkrus landas namin? Hindi malabong mangyari lalo at girlfriend ko ang kapatid nya.

Masyado na atang lumiliit ang mundo ko, damn!


at ito pa Hindi ko malaman kung tinatraydor ba ako ni max,  dahil isang linggo na silang halos di mapaghiwalay ni cloud!


Ultimo pagbili ng merienda namin after practice kailangan silang dalawa pa ang bibili. Nakakahighblood!


Ngayon naman walang puknat sa kakatawa ang bruha dahil sa mga korning jokes ni max


Gulat naman ako ng may biglang tumapik tapik sa likod ko, inis na nilingon ko kung sino man yon. Ang nang aasar na ngisi ni jillian ang bumungad sakin


"Ilang beses niyong dalawa papatayin sila ate max and cloud sa mga titig nyo? Hahaha" pang aasar nya samin ni crystal.


Binalingan ko si crystal na nakasimangot din. Nasabi sakin ni max na nililigawan nya si crystal pero ang hindi ko maintindihan bakit para syang tuko sa girlfriend ko!



"Tigil tigilan mo 'ko jillian kung ayaw mo samain sakin" masungit na bira ni crystal. Tumawa naman ng malakas ang siraulo at sisipol sipol na pinuntahan si glenda.

Si rob and chito naman ngi-ngisi ngisi din sa amin. Nakatanggap sila ng katakot takot nA pakyu kay crystal


"Tsk!" Tumayo na ko at nagpunta sa gitna.



"Tama na daldalan! Practice na!" Kunot noong sabi ko sakanila.



Napahinto naman sa pag uusap ang dalawa at nagtataka sa inasal ko. Pero sumunod din sa sinabi ko. Nakakainis talaga di makaramdam!

-
-
-


"HEY! Ano bang problema mo? Kanina kapa ah" inis na sabi sakin ni cloud ng makapasok kami sa kotse ko.


Hindi ko sya pinansin. Sinuksok ko ang susi bago buhayin ang makina.


"Ba't di mo ko kinakausap? May problema ba tayo?"

Binalingan ko sya ng tingin, salubong na salubong ang kilay nya at halatang badtrip na din sya.


Aba! Sya pa ngayon ang may ganang magalit?samantalang sya itong isang linggo akong binalewala!



"Wala. Wala tayong problema" walang gana kong sagot. Pinaandar ko na ang kotse


Wala naman talaga tayong problema... sadyang hindi ko lang alam kung anong meron sainyo ni max.. ayokong pagdudahan ka dahil mahal kita. Gusto kitang intindihin. Kaya sana naman makaramdam ka, gusto ko lang malaman kung anong meron sainyo..


"Wala palang problema pero bakit iba ang inaasal mo ngayon?"


Bumuntong hininga ako.


"Wala lang ako sa mood"

Hindi na sya sumagot. Alam kong nagtitimpi lang sya dahil pag nagalit sya mahihirapan syang kalmahin ang sarili nya. Pero sorry.. sa pagkakataon na ito wala syang aasahan sakin.


Ibinaba ko sya malapit sakanila. Humalik lang sya sa pisngi ko bago bumaba.


Napahawak ako ng mahigpit sa steering wheel.

Pasensya.. pasensya.. pasensya! Kailangan ko pa ng konting pasensya, gusto ko sila mismo ang magsabi sakin kung ano ba ang nangyayari.



Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now