Chapter 30

3K 72 3
                                    


*cloud pov*

"What?! Are you really sure, ruther?"

Nagising ako ng may marinig na nagsalita, dahan dahan ako nagdilat kukurap kurap pa ko, nakaupo si grey sa study table nya at kunot na kunot ang noo, kung dati nakaharap sya sa laptop nya, ngayon naman ay parang galit sya sa kausap sa cellphone.

Inistretch ko ang katawan ko bago ko hilahin ang kumot pataas sa katawan ko, ang lamig! Nakatodo ata ang aircon.

"Okay, thankyou"

Bumuntong hininga pa sya, ano bang problema nito? Ang aga aga..

"Sino kausap mo?" Namamaos na tanong ko

Gulat naman syang napatingin sakin, pero agad din yon napalitan ng ngiti.. isang ngiting nakakaloko!

"A friend, how's your sleep?" Lumapit sya sakin at napapikit naman ako ng gawaran nya ng halik ang noo ko.

Agad nagising ang diwa ko sa tanong nya, a-ano ba't— my god cloud, tinatanong nya lang kung kamusta ang tulog mo! Wag kang ano!

"O-okay naman.. ba't parang galit ka sa kausap mo kanina?" Mahinang tanong ko, sumubsob ako sa unan at bumuga

Hmm, infairness walang amoy hininga ko hehehe!

Rinig kong bumuntong sya ulit, nag angat ako ng mukha.

Nginitian nya lang ako, "bumangon kana, para makapagbreakfast tayo"

Hindi nya sinagot tanong ko tsk!

Tumango lang ako, at inalis ang kumot sa katawan ko, agad nanlaki ang mata ko ng maalalang tinanggal ko ang bra ko kagabi, kaya naman tayong tayo ang ano ko at bakat na bakat yon sa manipis na pantulog ko!

Agad na binalingan ko ng tingin si grey na nanlalaki ang mata na nakatingin sa dibdib ko, inis na kinuha ko ang unan at binato sa mukha nya!

"Mata mo nga!" Dali dali akong umalis sa kama at nagdiretso sa cr, rinig na rinig ko ang bungisngis nya! Tsk!

Naghilamos ako, habang nagtotoothbrush inalala ko ang nangyari kagabi, halos kilabutan ako sa nangyari tsk! Kung pano nya pinagsawa ang labi nya sa labi ko, at di pa sya nakuntento bumaba pa ang labi nya hanggang sa gitna ng dibdib ko!

Napahinto ako sa ginagawa ko, napapikit ako ng maramdaman nanaman ang kakaibang pakiramdam na kagabi ko lang nadiskubre.. parang kinikiliti ang ibabang parte ng katawan ko.

Umiling ako, nahahaluan ako ng maberdeng mundo, badtrip!

Sinuot ko ang roba at kunot noong lumabas ng banyo, nakaupo sya sa kama prenteng prente syang nakasandal sa headboard ng kama nya, habang nagbabasa ng magazine.

"Gustong gusto kitang pahigain ulit dito sa kama ko cloud, at ipatikim ang agahan na walang kasing sarap!" Sabi nya at bumungisngis pa habang nakatingin sa magazine

Mas sumalubong ang kilay ko dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko! "Eh kung ipakain ko sayo itong kamao ko?"

Tumawa sya, itinabi nya ang hawak nya, tumayo sya at naglakad papunta sakin. Ang lawak ng ngiti nya, kitang kita sa mata nya kung gano sya kasaya ngayon. Hindi ko alam pero nahahawa ako sa kasiyahan na nakikita ko.

Hinapit nya ko palapit sakanya, "goodmorning babe.."

Agad nya ko hinalikan, mabilis lang yon! Ni hindi ko manlang nagawang tumugon.

"..tara breakfast na tayo, anong oras ka pala makikipagmeet sa ate ni sam?" Sabi nya, hawak kamay kaming lumabas sa kwarto nya.

Napakunot ang noo ko, "sinong sam?"

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now