Chapter 38

1.6K 43 12
                                    



*GREY's POV*

"Guys! iwide nyo pa yung legs nyo and please! Pakitigasan naman ng galaw wag nyo ilabas ang feminine sides nyo sa sayaw na ito." Max



Sya ang nagtuturo ngayon at sa sayaw na to puro babae lang ang kasali. Simula ng makarating ako dito hindi na maipinta pagmumukha ko.

Bukod sa wala nanaman sila cloud dito para magpractice. May isa pa akong iniisip.

Napabuntong hininga ako, gustong gusto ko mag saya ngayon dahil sa nangyayari samin ni cloud pero hindi ko din magawa dahil may kung anong bumabagabag sakin. Buti na nga lang at hindi iyon nahahalata ni cloud.


"Okay good! Break muna!"

Umupo sa tabi ko si max. Kinuha ang bottled water bago uminom.


"Alam mo freak konting konti nalang sasakalin na kita! Ano bang pagmumukha yan? Kung ganyan lang din pala gagawin mo dito umuwi ka nalang." Dismayadong sabi nya.

Napabuntong hininga ulit ako pinaikot ang cellphone sa kamay. At simula kanina wala pa din text or call si cloud hindi ko tuloy malaman kung nakarating na ba sya sa company nila crystal or what? Isa din yan sa kinaiinis ko sakanya.


"I'm sorry.." yun nalang ang nasabi ko at napapikit.


"Nag away nanaman ba kayo ni cloudy?"

Umiling ako. Of course not. Masydong maganda ang nangyari samin buong magdamag kaya panong mag kaaway kami. Gusto kong mangiti sa isiping yon. Iba sya bumawi!


"Then what?"


Napamulat ako at hinarap sya. kunot ang noo nyang nakatingin sakin halata ang pagkaasar at gulo sa mukha dahil sa inaakto ko.

I just shrugged my shoulder "puyat lang ako"


May mga bagay talaga na hindi ko masabi sakanya kahit na bestfriend ko sya. Siguro sasarilinin ko muna.

Unti unti ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nya. "At bakit ka naman puyat?" Usisa nya at nagtaas baba pa ang kilay.

Maarteng tinaasan ko sya ng kilay. "Ano yang iniisip mo?"


"Nanood ka ng porn kagabi no??" Sinamahan nya pa ng nakakalokong tawa kaya naman lahat ng nakarinig sakanya naptingin sa direksyon namin.


Hinampas ko sya sa braso. Ang bastos!


"Bunganga mo nga! Nakakaloka ka max at wag mo nga ko itulad sayo"

"Asus! Kunwari kapa" patuloy na pang aasar nya. "Nga pala ano ba ang nangyayari sa magtotropa bakit hindi nakakaattend ng practice?" Tukoy nya kila cloud.

"Well, wag mo muna sila masyadong isipin dahil wala na akong balak isama sila sa darating na event" patamad na sabi ko

Napataas naman ang kilay nya, "no! Hindi pwede dahil may balak akong gawin silang highlights ng event. At nirerequest din ni dean yon bruha ka!"


Napairap ako sa kaartehan nya. Eh pano mo isasali yung mga taong hindi mo malaman kung interesado ba sa sinalihan nila o ano. Naiintindihan ko naman si cloud dahil alam ko ang side nya. Pero yung apat na bata nakooooo! Ang sakit nila sa ulo!


Si chito na naturingan kong pinsan hindi ko malaman kung san nagsususuot! At hindi manlang nagpapaalam sakin!

Si rob na akala mo kabute bigla bigla nalang sumusulpot at bigla din nawawala.


Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now