MT S2 -- 12 Hatred

5.1K 141 4
                                    

Nate's POV

"Nate, sabihin mo nga gusto mo na ba talaga ang Alyen na yun?" Harang sa'kin ng kapatid kong si Cyren.

She keeps on bothering me about Alyen. Ang nalaman niya mula sa Dad nito. At ang nararamdaman ko para dito. Bakit ba kailangan niya pang malaman? Kailangan ko bang sabihin sa kanya? Ni hindi ko pa nga naaamin kay Alyen ang nararamdaman ko.

"Ano?! Bakit di ka makasagot?! Don't tell me, you really have fallen to that girl."

"Cyren, tumigil ka na. You don't need to know." sabi ko at aktong iiwan na ulit siya.

"Have you forgotten your hate for girls?" sabi pa nito saka tumawa ng pagak. "Hindi naiiba yung babaeng yun. Kaya ngayon pa lang kalimutan mo na yung nararamdaman mo sa kanya. Masasaktan ka lang."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung sa'n ba nanggagaling ang galit ni Cyren kay Alyen. Hindi sapat na dahilan si Kent para magkagano'n siya. O sadyang ganun katindi ang nararamdaman nito para sa lalaki.

"Huwag mo akong alalahanin Cyren. Ang nararamdaman mo para kay Kent ang dapat kalimutan mo." sabi ko pa saka nagpatuloy na sa paglalakad.

"Kuya!" tawag niya.

Tinawag niya akong kuya. I might believe that she's serious because she's my sister. Pero siya rin ay si Cyren, isang babaeng makasarili tulad ng babaeng nagluwal sa'min.

It's true that I hate girls. Woman-hater ako, sabi nga nila. Nagsimula ang lahat ng iwan ako ng makasariling babaeng yun. Pare-pareho lang ang mga babae, paaasahin ka saka iiwan. Kaya nga ayokong makipagmabutihan sa kanila. Pero ngayong nahulog na ang loob ko kay Alyen, gusto kong sumugal.

Pinigil ko ang sarili kong magsalita pa. Ayoko ng makipagtalo pa sa kapatid ko.

Cyren's POV

My Kuya has fallen for that girl already. Hindi man niya aminin pero nababasa ko sa kinikilos niya. Ni hindi manlang kasi siya nagdeny. It's true that I hate Alyen dahil gusto siya ni Kent. But now that I know her true color I hate her even more. And what's worst is.. pati si Nate binibiktima niya.

She already have Kent and I won't let her na pati kuya ko makuha pa niya.

"Earth calling Cyren Kate" Pinitik ni Trish ang mga daliri niya para kunin ang attention ko. Masyado na palang malalim ang iniisip ko.

"Girl, anong nangyari sa pagpapatawag sainyo sa office ng director?" usisa naman ni Stef.

"Wala" inis na sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang mga nalaman ko. Baka mamaya matakot na silang i-bully namin ang Alyen na yun dahil anak siya ng school director.

"Girl, sa itsura mo pa lang mukhang may hindi magandang nangyari. Ano paparusahan ka ba?" -Trish

"Trish, kelan ba ko naparusahan huh?" tanong ko.

"Wala."

"So why do you think na paparusahan nila ako ngayon?"

"It's just--"

"Trisha Cassey, shut up now!" utos ko. Siguro naman obvious na sa kanyang inis ako at wala sa mood makipagchikahan sa kanila.

Tumahimik siya pero halatang nainis siya sa sinabi ko.

"Tracey, tara magmerienda muna tayo." aya sa kanya ni Stef. Hinila na agad siya nito at naiwan naman akong mag-isang nakaupo sa bench.

Napansin kong naglalakad sa di kalayuan si Kent. Inayos ko muna ang sarili ko saka ako lumapit sa kanya.

Ms. TransfereeWhere stories live. Discover now