6 Alyen in the Dark

11.4K 338 5
                                    

Nate's POV

Nag-alala ako nang malaman kong may binubully na naman ang grupo ni Cyren. Ang weirdong transferee ang biktima nila. Tapos na ang pangyayari nung dumating ako sa cafeteria at narinig ko ang usapan tungkol sa ginawa ni Cyren. Binuhusan niya ng softdrinks si Alyen. Dahil siguro dun kaya di na siya nakapasok sa sunod na subject namin.

Nang matapos ang klase ay hinanap ko siya. Kung anong pumasok sa isip ko? Hindi ko rin alam. I can't help myself to look for her. Baka nag-aalala lang ako sa kanya dahil si Cyren ang nambully sa kanya.

Finally, I saw her. Iba na ang suot niyang shirt and it looks familiar. It's Kent's favorite shirt. Why did she have that shirt? Di kaya pinopormahan siya ni Kent? Nagbago na ba ang tipo niya sa babae? Kaya ba binubully siya ni Cyren? Teka nga, bakit pa ba ko nag-aalala sa kanya? Mukang ok naman siya.

I just watch her hanggang sa makalabas na siya ng campus. I need to go home now. May gig pa kami mamaya.

***

After our performance, nag-stay pa kami to have a drink. Kasama ang iba kong band member: si Yuan, ang drummer; si Aiko, ang bass; at Caleb, ang rhythm guitarist. Ako nga pala ang lead at vocals. We're just having fun. Suddenly, napansin ko ang isang babae. Her hair is in a ponytail at naka-all black na damit. My heart beats fast. Di kaya siya yung nakita ko sa mall?

"Nate, natulala ka diyan?" pansin sa'kin ni Caleb. Lumapit at umakbay pa siya sa'kin saka tinignan ang direksyon kung sa'n ako nakatingin. "Type mo?" dagdag niya.

"Get off." Pagsusungit ko.

"Si Nate, may natipuhang babae? That's new." Sabi pa ni Aiko.

"Oo nga si Aiko lang naman ang di niya napagsusungitan." Gatong pa ni Yuan.

Bahagyang namula si Aiko. Aaminin ko there's something between Aiko and me. Or maybe I was just using her para lumayo sa'kin ang ibang babae. I feel comfortable with her but not in a romantic way. Kaya lang mukang lumalalim na ang nararamdaman ni Aiko para sa'kin. At si Caleb ang talagang may gusto sa kanya di lang nito maamin.

Ibinalik ko ang tingin sa babae. Pumwesto siya sa maliit na table sa corner. Lumapit na sa kanya ang waiter at mukang nasabi na din niya ang order dito.

"Lapitan mo na lang kasi." -Caleb

"No, I will just watch her from here." Sabi ko.

"Sige ka baka maunahan ka ng iba. Ako na lang kaya ang lalapit." -Yuan

"Back off. Gusto mong mabugbog." I glare at him.

"Ok, fine. I'll just drink here."-Yuan

"Aiko, let's go outside" narinig kong aya ni Caleb kay Aiko pero di ito pumayag.

Maya-maya pa nagulat ako nang puro alcoholic drinks ang dumating na order ng babae. Will she drink it all?

"Woah, uhaw na uhaw ba siya sa alak." Komento ni Yuan.

"Di ba, hindi mo type ang mga ganyang babae?" tanong sa'kin ni Aiko.

Well that's true, ayoko sa lasinggerang babae. But I can't just take off my eyes on her. Baka mamaya may lumapit ditong mapagsamantalang lalaki.

Di nga ako nagkamali. Mauubos na ang iniinom nito nang may lumapit na lalaki. Handa na sana akong tumayo para depensahan siya kung sakaling babastusin siya ng lalaki. Pero maya-maya lang ay iniwan na siya ng nito. Natarayan ata niya. Geez, di naman pala uubra ang lalaki sa kanya.

Ms. TransfereeWhere stories live. Discover now