MT S2 -- 6 Courting Ms. Sungit

7.2K 176 2
                                    

Alyen's POV

Eksaktong breaktime nagtaka ako kung bakit biglang nagkumpulan sa labas ng room namin ang mga kaklase ko habang nakadungaw sa baba, imbes na magtungo sa cafeteria.

Wala akong balak makisali sa kanila kaya nanatili na lang muna ako sa upuan ko. Pero isang humahangos na lalaki ang biglang pumasok sa room namin.

"Alyen!" sigaw niya.

Ako? Ako ang hinahanap niya? Di ko naman siya kilala ahh.

"Nasa'n si Alyen?" tanong pa niya sa isang kaklase kong lalaki na nasa pinto. Napaturo na lang ito sa'kin.

Agad na lumapit yung lalaki.

"Ikaw ba si Alyen?" paniniguro niya.

Napatango na lang ako.

Ano kayang kailangan nito?

"May humahanap sa'yo. Importante daw." sabi pa niya.

Mukhang seryosong-seryoso siya kaya nagtataka man ako ay tumayo na ko para sumunod sa kanya.

Paglabas namin ng pinto ay agad na napatingin sa'kin ang mga taong nagkumpulan sa hallway.

Nakakatakot. Ano na naman bang nagawa ko? Hindi naman ako nanggulpi ahh? Hindi ko nga yun magawa dito.

Sinenyasan ako ng lalaki na lumapit sa kanya at tumingin sa baba.

Akala ko ba may kakausap sa'kin. Bakit kailangan pa kong tumingin do'n? Bakit di na lang namin puntahan?

Dami kong tanong pero sinunod ko na lang siya.

Pagtingin ko sa baba, napansin ko ang ilang tarpaulin na nakalatag sa school green ground. Tatlong magkakasing laking tarpaulin na may nakasulat na I.Love.You na magkakahiwalay. Mayroon ding mga lobo na nakaayos para maging hugis puso, at muntik ko ng maiuntog ang sarili ko nang ma-realize kong pangalan ko pala ang nakasulat sa tarpaulin na nasa loob noon.

What the heck!! Sinong siraulo ang may pakana nito?

Maya-maya pa ay lumabas si Kent na may dala-dalang bulaklak at teddy bear. Lumakad ito papunta sa gitna ng pakulo niya.

Naghihiyawan na ang iba. Yung iba tila hihimatayin na sa kilig. Ang masama para sa'kin ang lahat ng yon at wala sa sistema ko ang kiligin sa mga tagpong yon.

"Alyen, I Love You!" sigaw niya.

Naghiyawan muli ang lahat. Tinitigan ko siya ng masama. Sana lang naramdaman niya ang pagkainis ko. Kaya lang nasa 3rd floor ako, umabot kaya sa kanya yung gusto kong ipahiwatig?

His drawing attention, so much attention. Attention na iniiwasan ko kaya nagpaka-nerd ako. Nagpanggap na isang mahina at weirdong estudyante.

Umalis ako para bumaba. Ang akala siguro ng lahat ay para puntahan ko si Kent at magresponse sa ginawa niya... Pero nagkakamali sila.

Nang marating ko ang ground floor ay agad kong sinenyasan si Kent na sumunod sa'kin. Ayokong ipahiya siya sa harap ng buong campus. Meron siyang reputasyong inaalagaan, ang pagiging playboy at campus hearthrob. At masisira yun kung babastedin siya ng isang nerd na katulad ko sa harap ng mga estudyante ng Crimson College.

Nakangiting bumuntot sa'kin si Kent. Hayh, saan ko nga ba dapat kausapin ang mokong na 'to?

Sa likod ng campus kami tumigil ng paglalakad. Siguro naman okay na, na dito ko na lang siya kausapin. Malayo sa mata ng marami. Alam kong maraming gustong umusyoso pero siguro naman iilan na lang sila at di na nila pagtatangkaang lumapit pa.

Hinarap ko si Kent. "Ano na naman ba 'to? Bakit gumagawa ka na naman ng eksena?" galit na tanong ko.

Inilahad niya sa'kin ang dala niyang bulaklak at teddy bear.

Ms. TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon