MT S2 -- 8 Pretender

5.5K 154 2
                                    


Alyen's POV

Masakit pa rin ang braso ko.  Dahil yon kay Travis. Natakot talaga ako sa inasta niya kahapon. Hindi ko akalaing aabot siya sa ganito.

Si Nate nakita ko pa kagabi. Naiinis ako. Bakit kailangang makita pa niya ako sa ganong sitwasyon. Lagi ba siyang susulpot kapag kailangan ko ng tulong? Asar! Ayoko ng umasa. Kaya lang ano na namang ginawa niya?

Sinundan pa niya ako at ipinahiram ang jacket niya. Para ano? Para magkaroon ulit kami ng koneksyon? Gusto ko mang ibalik ang jacket niya, pero pa'no?

Ang tanga ko lang kasi. Dapat noong una pa lang hindi ko na hinayaang ipahiram niya sa'kin ang jacket niya. Pero giniginaw na din talaga ako. It feels so cold. Wala man lang akong makaramay sa twing may poblema ako. Pero kasalanan ko din. I refuse to have friends. Tinalikuran ko na sila. Gaya ng ginawa sa'kin ng Elite. I thought they we're my friends. Hindi pala. Nagawa kong ipagpalit ang mga dati kong kaibigan sa tulad nila. Ngayon wala na sila.

Masakit mawalan kaya hindi na rin ako gagawa ng paraan para magkaroon ulit ng kaibigan. I dont want to feel the pain of losing someone again.

I feel uneasy to stay in our classroom. Wala daw ang first subject professor namin. Kaya nagpasya na muna akong lumabas. I need to breathe. Nakakasakal ang tingin sa'kin ng mga kaklase ko. Pati na rin ng iba pang estudyante. Hindi pa rin sila makapaniwalang ang isang tulad ko ay nililigawan ni Kent. They hated me for sure.

At si Cyren, ano naman kayang gagawin niya sa'kin? Hindi ko alam pero it feels like I want to pick a fight. Baka sakaling pag nangyari yun patalsikin na ko dito sa Crimson College, yung hindi na makakaangal si Allison.

Dahan-dahan akong bumababa ng hagdan na tila lutang ang isip.  Then of all a sudden kaharap ko na pala si Cyren. Hindi niya kasama ang mga alipores niya.

Bahagya akong napangiti. I think she came in the right time.

"Hoy, babae ka! Di ba sinabi ko sayong layuan mo na si Kent? Ano na ba talagang balak mo huh? Sinasadya mo bang galitin ako?!" galit na galit na sabi niya.

"What do you think?" pang asar na tanong ko.

Evil side of mine is here. Gusto kong galitin siya.

"Aba't marunong ka ng sumagot. Ano?! Malakas na ang loob mo ngayon? Dahil ba pinagsigawan ni Kent sa school na gusto ka niya? For all we know pinaglalaruan ka lang niya."

Muli akong ngumiti bago nagsalita.

"Pinaglalaruan?!" pag-uulit ko.

"Yup, he might be just playing with me. Let's say na, nakikipaglaro lang din ako."

Bahagya siyang napanganga sa sinabi ko. Nagugulat pa rin siguro siya na makita ang ganitong side ko. She didn't expect that I can be this way.

"What do you mean?! Ano bang pinagsasabi mo? Diretsuhin mo na lang ako!" inis na sabi niya.

"If he was just playing around. Well, I'm just going with the flow. At kahit pa seryoso na siya, I can't be serious with him. I might look weird but I can also play with the boys feelings. Just like you." sabi ko saka siya nilagpasan.

It's boring kung iisa lang siya. I'll wait for her kung ano kayang gagawin niya sa'kin kasama ang mga kaibigan niya.

Narinig kong may taong tumakbo pababa ng hagdan. Hindi ko alam pero tumakbo na din ako pababa para malaman. Baka kasi may kung sinong nakarinig sa usapan namin.

Hindi ko na naabutan kung sino man siya. Hindi na rin siguro mahalaga.

"Alyen"

May tumawag sa'kin. Boses ni Cyren. Nilingon ko siya. Nagulat na lang ako ng isang malakas na sampal ang ginawad niya sa'kin.

Ms. TransfereeWhere stories live. Discover now