MT S2 -- 7 In the Moonlight

6.1K 163 4
                                    

Alyen's POV

Thank goodness! Natakasan ko si Kent. Teka, takas nga ba ginawa ko?

Well, uuwi na ko sa apartment ko. It's a long day for me. Kailangan kong magpahinga. Nakakadrain ng utak ang mga kaganapan. Kung tungkol sa lesson wala akong problema. I think keri ko namang makahabol. Para sa'n pa ang beauty and brain image ko? Sabagay, sa Crimson College wala silang alam tungkol dun.

I've been working so hard para di makakuha ng so much attention. Ginawang weird ang sarili at iminaintain na pang average level lang ang grades ko. Pero dahil sa pinaggagagawa ni Kent, malabo na yung sinasabi kong not to get so much attention. Ngayon nga lang na nagcocommute ako pauwi agaw pansin yung dala ko. Flower and stuffed toy galing kay Kent. Noong una pinag-iisipan ko talagang itapon na lang. Kaya lang nanghinayang din ako. Ang cute cute pa naman nitong yellow stuffed bear. Para siyang nagpa-puppy eyes sa'kin. Naisip ko ding natural lang din namang tumanggap ng regalo mula sa manliligaw, di ba?

Err, wait. Anong ibigsabihin no'n? Accepted ko na, na manliligaw ko si Kent? Geez, ano ba kasing kalokohan na naman 'tong napasok ko. Hmmm. Pinagbigyan ko lang siya dahil nakukulitan na ko sa kanya, di ba? Hayhs, madaming makulit din noon ahh. Ba't ba sa kanya pa ko sumuko? Hayhs.

Makailang buntong hininga ang nagawa ko habang naglalakad papasok sa village kung nasaan ang apartment na tinutuluyan ko.

And speaking of makulit, nagulat ako nang makita ang lalaking sasalubong sa'kin. Si Travis. Mukhang kanina pa siya nag-aabang sa labas ng apartment ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Sa halip na sumagot ay napatingin siya sa dala ko.

"Kanino galing yan?" seryosong tanong niya.

Mukhang hindi niya alam yung nangyari kanina. Hindi ako nagtaka na hindi ko siya nakita sa school dahil sinabihan ko na siyang layuan ako. Pero kung wala siyang alam, malamang wala siya.

"Hindi ka ba pumasok?" tanong ko.

"Bakit? May nangyari ba kanina na dapat kong malaman?"

"Walang patutunguhan ang usapan na 'to. Tanong din ang ibinabalik mo sa'kin." inis sabi ko saka nilagpasan siya.

Pinigilan niya ko sa pamamagitang ng paghawak sa kanang braso ko.

"Sagutin mo ang tanong ko! Kanino galing yan?" maawtoridad na sabi niya.

"Why would you care?! It's none of your business!" galit na sabi ko habang nakatitig sa kanya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"You rejected me and told me to stay away from you. Pagkatapos eto?!... Ganito ang gagawin mo? Magpapaligaw ka sa iba huh?!" sabi pa niya habang humihigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Travis, ano ba nasasaktan na 'ko." reklamo ko habang pinipilit tanggalin ang kamay niya sa braso ko.

Nabitawan ko na din yung stuffed toy at bulaklak na dala ko.

"Sino siya? Gusto mo na ba siya? Mahal mo na ba?!"

Di ko pinansin ang tanong niya at nagpumilit pa rin akong kumawala sa kanya. Parang ibang Travis na ang nasa harapan ko ngayon. Nakakatakot.

"Travis, please.." pakiusap ko at halos mapaupo na ko para lang hilahin ang braso ko mula sa kanya.

Nahulog na din ang salamin ko ng tumungo ako. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Agad kong pinunasan yon gamit ang kaliwa kong kamay.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang na lumuluwag na ang pagkakahawak sa'kin ni Travis hanggang sa bitawan na niya ako. Napaupo na ko ng tuluyan at nagpatuloy sa pag-iyak. Bakit siya gano'n? Hindi ko inaasahang magkakaganito siya.

Ms. TransfereeWhere stories live. Discover now