MT S2 -- 4 Fake Boyfriends

5.9K 207 39
                                    

Alyen's POV

Nanaginip na naman ba ako kahapon? Hindi ako sigurado pero.. feeling ko may humalik sa labi ko doon sa may secret hideout ko dati which is happen to be Nate's secret place. Nang magmulat ako ng mata mukha ni Nate ang nakita ko.. pero bigla siyang nawala.

Siguro nanaginip nga lang ako. But why does it feels so real?

"Hello, Alyen" narinig kong bati sa'kin.

Si Cyren kasama ang mga alipores niya. Naku lagot! Nasa cafeteria pa naman ako. Baka kung ano na namang gawin nila sa'kin.

Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ko. "Wait! Where are you going? Umiiwas ka ba sa'kin?"

"Cyren, please ayoko ng gulo." pakiusap ko sa kanya.

"Well, nailayo ko na sa'yo si Nate. Kaya lang wala naman na sanang gulo kung umiwas ka kay Kent. Kaya lang kahapon lang may nakakita sainyong nag-uusap. At di lang yun, pati daw yung bagong transferee nilalandi mo din."

"Ilang beses ko bang sasabihin na umiiwas ako kay Kent. Siya lang 'tong lapit ng lapit sa'kin. At sa sinasabi mong transferee, wala akong alam do'n."

Hindi ko maintindihan tong si Cyren. Akala ko ba mahal niya si Nate eh bakit naghahabol pa rin siya kay Kent? Salawahan ba ang ganap? Ganon?! At sinong transferee ang tinutukoy niya?

"Liar!" sigaw niya sa'kin sabay saboy ng isang basong tubig.

Sh*t! Favorite talaga niya kong basain noh? Mukha ba kong di naliligo sa kanya kaya trip niya kong paliguan?

"Ayesha!" tawag sa'kin ni Travis.

Mabilis siyang lumapit sa'kin saka ako pinunasan ng panyo niya.

"What do you think you're doing?" galit na tanong niya kay Cyren.

"Oh look, the transferee is also your savior now?" baling sa'kin ni Cyren.

Gets ko na. Si Travis ang tinutukoy niyang transferee.

"Ngayon, magde-deny ka pa ba?" dagdag pa niya.

"Stop, bullying my girlfriend." sabad ni Travis.

Napanganga ako sa sinabi niya? Girlfriend? Kambal ba sila ni Kent? Bakit halos parehas sila ng sinasabi at ginagawa?

"Oh look, panibagong guy na naman na nagsasabing girlfriend ka niya? What's with this act now? tanong niya sa'kin.

"And you" baling niya kay Travis. "How can you prove na girlfriend mo siya and your not putting an act?"

Mukang sinusubukan niya si Travis.

Napatingin sa'kin si Travis.

Kinabahan ako. Please lang, huwag naman siyang gagawa ng ikapapahamak ko. Huwag na huwag niyang uulitin ang ginawa niya noon.

"I don't need to prove it to you." sabi niya.

Nakahinga ako ng maluwag.

"But remember this, if you lay a finger to her. Baka kung anong magawa ko sa'yo. Hindi mo gugustuhing makita akong magalit." pagbabanta niya kay Cyren. Saka ako inakay palabas ng cafeteria.

Naupo kami sa bench kung saan wala masyadong tao.

Tinanggal ni Travis ang salamin ko saka pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya.

"Ano na namang binabalak mo ngayon?" tanong ko.

"Wala akong balak. I was just trying to protect you."

"Alam mo bang may isang lalaki na nagpanggap na boyfriend ko para daw maprotektahan ako." pagkukuwento ko. "Pero lalo lang ako napahamak dahil sa kanya." dugtong ko.

Ms. TransfereeWhere stories live. Discover now