17 Kent against Nate

6.8K 222 1
                                    

Kent's POV

     I've been looking for Alyen. I wanted to have lunch with her. As if we’re boyfriend-girlfriend. Tutal kalat na kalat namang kami na, then I 'll act like her real boyfriend. Kahit hindi siya pumayag.

     Pero hindi ko makita yung Alyen na yun. Nagtatago siguro. Paano kaya niya nagagawang palaging mag-isa? The last time I saw her, bad mood siya dahil nakita niyang magkayap si Cyren at Nate. Nasaktan kaya siya sa nakita? But wait! What if she's with Nate?

     After what she saw ano kayang pakikitungo ang gagawin niya kay Nate?

    Speaking of the two. Ano 'tong nakikita ko? I saw Alyen walking. Mukhang pabalik na siya sa klase.

"Finally, I found you." kausap ko sa sarili. Lalakad na sana ako palapit nang mapansin si Nate sa di kalayuan. Magkasunod ang dalawa? Magkasama ba sila kanina? May relasyon na ba sila? Wala namang kumakalat na balita tungkol sa kanila kung may nakakakitang nag-uusap sila sa klase o nababalitaang nagde-date sila, kaya ano 'tong naiisip ko?

    Lumakad na ko palapit kay Alyen. Katulad ng naunang plano ko, I'll act as her boyfriend. Ano bang malay ko kung nagkataon lang namang magkasunod sila?

"Alyen!" tawag ko sa kanya.

     Tinignan niya ko. Nabakas sa mukha niya ang pagkainis nang makita ako.

"What is it now? I told you not to talk to me anymore?" galit na sabi niya.

"Is that how you greet your boyfriend?" sabi ko with a big smile.

"Boyfriend?!" ulit niya. "You? Wala akong maalalang sinagot kita o nanligaw ka sa'kin." sabi pa niya.

"Then, if you want I'm going to court you?" sabi ko sabay akbay sa kanya. "But still we have boyfriend-girlfriend relationship already." dagdag ko.

"Gusto mong mabalian ng buto?" sabi niya habang nakatingin sa braso kong nasa balikat niya. "Tanggalin mo yan." utos niya.

"Hey, cool it's normal for a couple to--" putol na sabi ko dahil naramdaman kong may kumapit sa balikat ko.

"Let her go." utos ni Nate.

What's with this guy? Talaga bang may relasyon na sila ni Alyen?

    Inalis ko ang pagkakaakbay kay Alyen saka siya nilingon.

"What's the meaning of this Nate? Are getting involve with my girl?" inis na sabi ko. Hindi naman kasi normal kay Nate ang makialam sa babaeng pinopormahan ko.

"She's my girl so back off." sabi ko ng may awtoridad saka ko hinila sa kamay si Alyen.

Napatigil ang pagkalad namin. Hawak na din ni Nate si Alyen sa kabilang braso.

"She's not your girl." sabi niya.

Nagulat na lang din ako nang maglanding sa mukha ko ang kamao niya. Nabitiwan ko si Alyen at muntik na akong tumumba.

"Nate!" gulat na sabi ni Alyen.

     Nang makabwelo ako, ay ako naman ang gumanti ng suntok. Hindi siya nagpatalo at bumawi din siya sa'kin.

     Hanggang sa kapit na namin ang isat-isa.

"Ano bang poblema mo Nate? Bakit ka ba nakikialam sa'min ni Alyen?"

"Stop playing around Kent. Not to Alyen and not even to Cyren."

Alyen’s POV

         Badtrip na Kent. Feeling! Boyfriend ko daw siya?! Ang kapal! Babalian ko na sana ng buto eh. Kaya lang um-eksena si Nate. At ngayon eto sila at nagsusuntukan.

Ms. TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon