15 Discovering Something About Him

6.7K 235 4
                                    

Alyen's POV

"Tamang-tama I really want to do this to you." sabi pa ni Cyren. Saka ibinuhos sa'kin yung laman ng softdrinks.

I'm being bullied by Cyren again. Softdrinks na naman ang natrip-an niyang ibuhos sa'kin. Basang-basa yung uniform ko. Nanlalagkit na naman ako. Bakit di ako pumapalag? What for? Isang buwan na lang ang titiisin ko. Saka kaya lang naman siya nagkakagano'n for sure dahil kay Kent. Akala siguro niya talagang may relasyon kami. Hindi rin ako mapagpatol sa babae.

"Give that to me." Kinuha pa niya yung isa pang can. Mukang balak na naman niyang ibuhos sa'kin.

"Have another shower." sabi pa niya. Aktong ibubuhos na niya sa'kin nang biglang may tumabig sa kamay niya. Dahilan para sa lupa mabuhos yung laman ng softdrinks.

"Kent" gulat na sabi ni Cyren.

"Stop bothering my girlfriend." sabi ni Kent kay Cyren.

Wait. What did he said?! Nagkamali ata ako ng dinig. Girlfriend?! Sino?!

"What?! Girlfriend? Si Alyen?" sabay na sabi ni Tracey at Stef.

"What did you just said?" sabi pa ni Cyren.

Hinila ako ni Kent palapit sa kanya.

"Alyen is my girlfriend so stop bothering her. If you do, ako ang makakabangga nyo." deklara ni Kent.

"Hey, what--" putol na sabi ko dahil pinigil ako ni Kent at nagsalita pa si Cyren.

"That's not true!" sigaw ni Cyren saka tumakbo palayo.

I think she was crying.

"How about the two of you?" puna pa ni Kent kina Stef at Tracey na naiwan. Agad din namang umalis ang dalawa.

Naiwan kaming dalawa ni Kent. Itinulak ko agad siya.

"Bakit mo sinabi yun? Lalo mo pang pinalala lahat." galit na sabi ko kay Kent.

"I just want to help you."

"Well, you're not helping me. Isn't it obvious to you na kaya ako binubully ni Cyren ay dahil din sa'yo."

"Bakit ba kasi hinahayaan mo na lang siyang gawin sa'yo yan? Kung ipinagtatanggol mo yung sarili mo baka hindi na ko makialam."

"Anong ibigsabihin mo? Na naaawa ka sa'kin? Huwag mo kong tignan. Huwag mo kong bigyan ng atensyon. Try pretending that I do not exist. I am nothing to you kaya huwag ka ng makialam." sunud-sunod na sabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magalit. Akala ba niya ok sa'kin na hayaan lang ibully ako? Syempre hindi! Pero anong silbi ng paglaban ko kung lalala lang lahat?

Sa halip na gumanti sa'kin ng salita. Inabot sa'kin ni Kent ang panyo niya.

"Here, use this. Wipe yourself."

"I told you I dont need your help." matigas na sabi ko saka ako umalis.

Hahayaan ko na lang ang panlalagkit ko. Kelangan ko pang bumili ulit ng maiinom. Nate is waiting. At mas mabuting sa kanya na lang ako humingi ng tulong.

***

Dala-dala yung pinabili ni Nate, nagmamadali akong lumakad papunta sa secret hideout. Pero hindi pa naman ako nakakarating sa lugar napansin ko na si Nate. He's not alone. May kayakap siyang babae. It's Cyren.

Ano 'to? Ang inaasahan kong tutulong sa'kin, eto at kayakap ang babaeng nambully sa'kin. Close ba sila? May gusto ba si Nate kay Cyren?

I have so many questions in my mind. And I don't understand what am suppose to feel. I never thought that I'll be discovering something about him, something like this one.

Kent's POV

I hate what I feel.

I think.. I... I've fallen for.. Alyen.

A weird looking transferee who treat me like a piece of s**t.

Yung pagsusungit. Yung pangbabalewala niya sa'kin. I hate it but I like it too.

Kulang ang araw ko kung di niya ako susungitan. But this time.. her words is like a knife that piercing my heart...

Try pretending that she does not exist? I dont know how to do that. Kaya niyang iignore ang existence ko kahit panay papansin na ko. Samantalang siya hindi ko matiis na di ko makausap.

I offered her my hanky pero tinanggihan niya yun saka ako iniwan. Nakakaasar! Why is she keeps on running away from me?

Ilang minuto din akong nag-isip kung anong dapat gawin. Naisip kong hanapin siya. Bigla na lang sumagi sa isip ko na baka kay Nate ito humingi ng tulong at ayokong maungusan pa ng lalaking yun.

***

Matagal din bago ko nakita si Alyen. May dala-dala na naman itong lata ng softdrinks. I think she bought again.

Napansin kong natigilan si Alyen sa paglalakad. Nakatingin lang ito sa isang direksyon. At nang tignan ko ang direksyon na yun I saw Nate and Cyren hugging. Nasasaktan kaya si Alyen sa nakita? Iniisip kaya niyang may relasyon ang dalawa?

Lalapit na sana ako sa kanya pero sakto naman na nagmadali siyang lumakad paalis. Sinubukan ko pa siyang sundan. Nakita ko pang itinapon niya sa trash bin yung dala niyang softdrinks. Pero nang palabas na siya ng gate, hinatid ko na lang siya ng tingin. Uuwi na kaya siya?

Alyen's POV

Bakit parang naiiyak ako? Joke lang 'to di ba? Badtrip lang ako. Parang di lang ako yung maraming sekreto. Yung Nate na yun! Kunwaring woman-hater tapos may gusto naman pala kay Cyren! Inaaasahan kong siya yung hihingan ko ng tulong. Pero paano ko gagawin yun kung busy siya sa pagyakap sa babae? Master Bwisit na yun! Ibuhos ko sa kanya 'tong softdrinks na bagong bili ko eh! Ang ampalaya ko ata. Makapagwalk-out na lang.

Padabog na itinapon ko sa basurahan yung binili kong softdrinks.

"Bwisit! Ilang softdrinks ang nabili ko nasayang lang. Magkakaphobia na ata ako sa softdrinks." kausap ko sa sarili ko saka tuluyang lumabas ng gate ng school.

Lesson learned: Always bring an extra shirt. Mahirap na baka masalubong si Cyren. And another thing, hindi na ko bibili ng softdrinks baka mashower ko ulit.

Nate's POV

"Antagal naman ata ng Alyen na yun?" kausap ko sa sarili.

Naiinip na ko kaya minabuti kong tignan na siya. Pero nagulat ako nang masalubong si Cyren, umiiyak.

"Nate" tawag niya sa'kin saka ako niyakap.

"What's wrong?" agad na tanong ko.

"Si Kent... si Kent at Alyen... Sila na." umiiyak na sabi ni Cyren.

Nagulat ako sa sinabi niya. Si Kent at Alyen? Sila na? Totoo ba yun?

But Cyren won't really cry this hard if it's not true. She really likes Kent. I hugged her and tap his back.

"Don't cry. I told you to stop liking Kent. You know he always have a new girl kaya anong poblema kung sila na."

"But this is different. It's Alyen. And Kent has been acting weird lately if this is just a fling I wont be acting like this."

What she said is true. Maybe I was just convincing myself too, na hindi totoong si Kent at Alyen na. But I'm still looking for the possibility that this is some sort of misunderstanding. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko. Feeling of betrayal. Wala man lang nababanggit yung Alyen na yun tungkol dito. Kunsabagay, when did I ever ask? Besides, Sino ba ko sa kanya? We just have Master-Slave relationship that's all.

A/N: Thanks sa nagtatyagang magbasa sa gawa ko. Dont forget to vote and comment.

Ms. TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon