Part 20 (Last part)

5.1K 176 20
                                    

Billie took a sigh as she saw her reflection on the mirror. Nasa restroom siya ng mismong hotel. Nang kausapin siya ng kanyang lolo ay sinabi nito kung gaano nito pinagsisisihan ang mga nagawa nito. Ni hindi niya nagawang magreklamo at magalit. Paano niya magagawa 'yon sa taong malapit ng mamatay? 

Nalaman niyang may lung cancer ito at wala nang taon ang nalalabi pa dito. This could be the last celebration of his birthday. Galit siya dito dahil sa ginawa nito sa Mama niya at hindi pa siya handang patawarin ito. But maybe someday, cause no matter what he did, he was the father of her Dad. At alam niyang kung nasaan man ngayon ang Papa niya ay hindi nito nanaising magtanim siya ng galit sa kahit na sino.

Nakilala niya rin ang ibang kamag-anak sa father side niya. Some smiled at her and some acted cold towards her. At hindi siya makapaniwala sa taong nakita niya sa party. Parang isang malaking biro na ang isang taong hindi niya inaasahang makaharap ay kamag-anak pala niya. 

Laurice Rosales, the same girl that Harris courted happened to be her cousin. Anak ito ng bunsong kapatid na babae ng Papa niya. Nang makita siya nito ay ni hindi siya nakuhang pansinin ng babae. Parang balewala lang dito ang presensiya niya. She doubted if she even knew that she was her schoolmate. Pero wala na siyang pakialam pa doon. She just wanted to go home subalit ang lukaret na kaibigan niya ay hindi niya mahagilap.

Lumabas siya ng restroom. Nang mapadaan siya sa hallway ay isang pamilyar na pigura ang nakita niya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. There was a couple kissing right in front of her.

 She felt a lump on her throat. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. It was not because she's embarrassed but rather she was shocked. Kilala niya ang dalawang naghahalikan. It was Harris and Laurice! 

Nakasandal ang binata sa pader habang tulak-tulak ito ng babae at hinahalikan. 

Oh God! Sabihin mong hindi totoo ang nakikita ko...

She felt a tight spasm on her chest. She couldn't breathe and her eyes started to wet. Marami siyang tanong sa lalaki. Bakit ito naroon at bakit kasama nito si Laurice? 

Bakit nito hinahalikan ang ibang babae gayung hinalikan din siya nito? Pinaglalaruan lang ba siya nito? Or was it on the guy's nature to kiss all the girls as they please?

Subalit wala siyang karapatang isantinig ang mga tanong na 'yon for he had no commitment on her. But hell! Parang tinutusok ng daang-dang aspile ang puso niya! Bakit ba siya nasasaktan ng ganoon? Wala silang relasyon ni Harris. Ni wala silang unawaan. 

Napakuyom ang mga kamay niya dahil pakiramdam niya ay tutumba siya ano mang sandali. She needed to get out of there bago pa siya mamatay sa suffocation sa eksenang nakikita niya.

"Tamayo?" mukhang napansin siya ng binata. Agad na itinulak nito ang babaeng humahalik dito. Naroon ang takot at pag-aalala sa mga mata nito. Tumakbo ito palapit sa kanya. "P-please don't misunderstood that!" Sinubukan siya nitong hawakan subalit pinalis niya ang kamay nito.

"Bastard!" she whimpered. Nag-unahang tumulo sa mga mata niya ang luhang pinipigilan. "Ibalik mo yung first kiss ko walanghiya ka!" hilam sa luhang saad niya.

Hindi ito nagpaawat at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "No! Listen to me. It's just—"

"Huwag mo 'kong hawakan!" Itinulak niya ito palayo. Tumaas ang isang kamay niya upang sampalin ito. Subalit nagbago ang isip niya at imbes ay kumuyom ang mga palad niya.

She made a fist and threw a hit on his face instead. Pagkatapos noon ay nagmamadaling nagtatakbo siya. Nang madaanan niya si Laurice ay pinagtaasan lang siya nito ng kilay.

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon