Part 18

3.5K 106 10
                                    

Tumingin si Billie dito. Clueless sa bagay na itinanong nito. Hindi niya alam kung imahinasyon lang niya subalit may naaaninag siyang kalungkutan sa bughaw nitong mga mata. Her mind captured his beautiful face under the rays of the sun coming under the trees.

"Know what, Tamayo? I don't hate you at all. I maybe dislike you in the past because of our quarrels but when I think about it now, those moments were not bad at all. Para sa isang tulad kong hindi pa nasasapak at hindi pa nararanasang awayin, dapat magpasalamat ako sa'yo. I got to experience to be annoyed and pissed off, angry sometimes, and losing my nerves because of you. Naiisip kong normal pa din ako pagdating sa ganoong bagay."

Sa unang pagkakataon mula nang magkakakilala sila ng binata ay naintindihan niya ang nararamdaman nito. Kahit na may pagka-overconfident ito ay nandoon ang munting takot dahil sa social status nito. Marami itong kaibigan subalit hindi nito alam kung sino ang totoo sa mga 'yon. They treated him so nice that it could be look so fake to him. 

"Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa sinabi mo. Compliment ba 'yon o nang-aasar ka lang talaga?"

"Sincere ako," seryoso pa ring sabi nito.

Natagpuan na lamang ni Billie ang sariling naiilang sa katabi niya. He was staring at her like she's someone he known all his life. "B-bakit?" naiilang na tanong niya.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

"Ahm..." Napatingin-tingin siya sa paligid upang maiwasang magtama ang mga mata nila. "I h-hated your doings but I never hated you as a p-person," mahinang wika niya. 

Did I just confess to him? "I m-mean h-hindi naman sa gusto kita." Biglang bawi niya nang ma-realize niyang baka ma-misinterpret nito ang kanyang sinabi. "K-kumbaga sa pagitan ng hate at like, nasa gitna ka," paliwanag pa niya. "Basta huwag mong isipin na may gusto ako sa'yo!" mariing nakapikit na wika niya.

Nagulat siya nang biglang tumawa ito.

"Bakit ka tumatawa?!" nag-iinit ang mga pisnging tanong niya dito.

"No. I just remembered something. May nakapagsabi kasi sa akin na yung linya sa pagitan ng hate at like ay love," nangingiting pang tukso nito.

"H-hindi totoo 'yon!" biglang sigaw niya.

"I don't believe it either."

"G-good. Mabuti!" Humalukipkip siya.

"Then sabihin mo na sa akin ang iniisip mo. Namomroblema ka, di ba? Tell me what happened that you even have to skip practice."

"Wala 'yon."

Tumayo ito bigla. "Let's have a bet. Kapag naka-hit ka ng home run, then I'll leave you alone. Pero kapag na-strike out ka o hindi nakarating sa home base, sasabihin mo sa akin kung ano ang problema mo."

"Ayoko." Napayakap siya sa mga tuhod mula sa pagkakaupo.

"Then it can't be help. Ito na siguro ang tamang oras para gamitin 'yon." Isang papel ang idinikit nito sa noo niya na ikinapitlag ni Billie.

Inis na kinuha niya 'yon. Napakunot-noo siya nang makita ang sariling pirma sa papel. Natameme siya nang mapagtanto niya kung para saan 'yon. Bakit niya ba nakalimutan ang bagay na 'yon?

Gigil na pinagpunit-punit niya ang papel. Two damned tickets still left. "Fine! Gagawin ko na!"

"Get ready then."

Nakapameywang na tumayo siya. "Kaya lang bakit ako ang titira? Hindi ba dapat ikaw dahil ikaw ang nag-propose ng pustahan?"

"Ayaw mo ba no'n binibigyan kita ng partida. Kapag ako ang tumira dyan, kung gugustuhin kong maka-home run, makaka-home run ako." Itinaas pa nito ang kamay at kumilos na parang may hawak na bat. He really had a good form. Tumira ito sa hangin at tumingala sa kalangitan na para bang lumipad sa malayo ang bola.

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now