Part 4

3.4K 110 11
                                    

"Buwisit kasing lalaki 'yon!" Sa tuwing maalala ni Billie ang una nilang pagtatagpo ni Harris ay kumukulo ang dugo niya.

"At hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Nang maibalik ang softball team, nagkaroon ng kahati sa pagpa-practicre sa field ang baseball team. Naging mortal na kaaway nitong si freshman ang naging ace ng baseball team. Nang dahil kay Harris at sa mga bagong miyembro, lumakas ang Red Knights baseball team taliwas naman sa nangulelat na softball team."

"Kaya ba mainit ang dugo mo doon sa tao, Senpai?"

Umingos siya dito. "Hindi ako ganoon kababaw no! At hindi dahil sa inggit kaya galit ako sa kurimaw na 'yon. Siya ang nagsimula ng lahat ng i-propose niya sa dean na tanggalin ang softball club."

"Bakit niya ginawa 'yon?"

"Malay ko sa antipatikong 'yon. Malamang na nagkaroon ng galit sa akin ng gulpihin ko siya sa locker room. Hindi pa siya nasiyahan nang ipahiya niya ako sa baseball team. Tapos gusto pa niyang mawala ang softball club na pinaghirapan kong ibalik. Sira-ulo talaga!"

Napatirik ang mata ni Matilda. "Hay naku! Pero nagawa mo pa ring magmakaawa doon sa tao, di ba? You practically begged that guy to leave alone the softball club. Alam mo kasing may posibilidad na pagbigyan ng dean ang gusto niyang mangyari. And then to get even with you, nakipagkasundo siya sa'yo sa isang kondisyon. Naks! Sa tuwing maalala ko yung ginawa mo para mapanatili yung softball sa school, tumataas ang respeto ko sa'yo. Biruin mo 'yon, nagawa mong mag-suot ng gown na hindi mo pa nagagawa buong buhay mo. Tapos pumarada ka pa sa buong campus na parang nagre-reyna elena lang. In fairness bagay naman sa'yo yung pulang gown. "

Natakpan niya ang kanyang tainga nang marinig ang sinabi ni Matilda. "Waaah!!! Huwag mo nang ipaalala pa! Isang bagay 'yon na kinokonsidera kong hindi naging parte ng buhay ko!"

Napatawa si Hibari. "Hahahaha! Hahahaha! Senpai... Grabe! Hindi ko ma-imagine."

"Yeah. That's really a foolish thing to do. At nang ma-realize niya 'yon, lipas na ang kalbaryo at naging laughing stock na siya ng buong campus. Nag-balak siyang gumanti kay Harris. Nalaman niyang may phobia sa amphibians yung tao. Kaya naglagay siya ng isang timbang palaka sa locker ni Harris. Muntik nang atakihin sa puso yung tao nang sumalubong sa kanya ang nagsisitalunang kero-chan. Isang linggo ding nag-absent ang pobreng biktima nitong si Billie Ray."

Lalong lumakas ang tawa ng kalahating Haponesa. Nahawa na rin dito si Matilda sa pagtawa. "Grabe... ang sakit na ng tiyan ko, Senpai!" naluluha nang wika nito.

"Marami pa yan! Nang makabalik si Harris, ito naman yung gumanti sa kanya. Nag-pitch siya ng bola kay Billie. Billie dodged the ball then cursed him verbally. Pinulot niya yung bola para ibato pabalik sa kaaway niya. Pero nang sinubukan niyang ibato, hindi matanggal ang bola sa kamay niya. Nilagyan pala ng lokong Harris na 'yon ng super glue yung bola. Isang araw ding nagdusa itong babaeng 'to para matanggal yung bola sa kanang kamay niya."

Parang gusto niyang pag-umpugin ang dalawa nang hindi pa rin tumigil ang mga ito sa kakatawa. Ginawa pang entertainment ng mga ito ang kwento niya. "Sige lang tumawa kayo. Hay! Kasalanan 'to ng Smith na 'yon!"

"Gumanti ka naman ulit di ba? Tsk! Nagawa mong butasin ang gulong ng bagong kotse ni Harris na ipinagmayabang pa naman niya sa barkada niya. That was Porsche 911 GT3 na sa pangarap lang natin pwedeng i-drive. Ilang daang libong dolyar ang presyo no'n, parekoy. Haay... kung iisipin sobra yung ginawa mo sa tao. Mabuti nga't hindi nag-demand ng compensation sa'yo."

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin