Part 6

2.9K 100 12
                                    

Billie's Aunt was very fond of her dahil wala itong naging anak na babae. Madalas na dinadala siya nito noon sa mansiyong tinitirahan nito sa isang eksklusibong subdibisyon.

Doon niya nakilala ang identical twin na anak nito sa hapon, sina Shin at Tsubaki. 

Ang mga ito ang naging childhood playmates ni Billie. She was ten, they were twelve. The twin had their own world. Makulit, pilyo at minsan ay isnabero. But it didn't bother her. Sa lahat ng batang kalaro ng mga ito sa subdibisdyon ay siya lang ang nakakatagal sa mga ito.

Maybe because she was thrilled for having cousins who played with her. Bago sa kanya ang pakiramdam na 'yon. Sa sarili niyang eskuwelahan ay wala pang kaibigan ang isang bagong lipat na kagaya niya. Kaya naman sabik siya sa isang kalaro.

Bukod sa kanyang Aunt Lilet, siya lang ang nakakapag-identify kung sino si Shin at sino si Tsubaki sa mga ito sa unang tingin pa lang. Sa lahat ng laro at kalokohan ay lagi siyang kasama ng dalawa.

Imbes na manika at bahay-bahayan, ang nakahiligan niyang laro ay puros larong panlalaki. At madalas na naglalaro sila ng baseball at basketball. Nang mag-highschool sila, pinakiusapan ng kanyang Auntie ang Mama niya na i-enroll siya sa private school na pinapasukan ng kambal.

Sinagot nito ang pagkamahal-mahal na tuition. Bukod tanging siya lamang daw kasi ang kaibigan ng mga ito dito sa Pilipinas.

Shin, Tsubaki, and her, became the known Trio in highschool. Hindi sila magkakaklase subalit parati silang magkakasama sa break, lunchtime, at maging sa pag-uwi. Maraming babae ang galit sa kanya dahil sa atensyon sa kanya ng kambal. Marami din ang kumakaibigan sa kanya na sa bandang huli ay hihingan siya ng pabor upang mapalapit kay Shin o di naman ay kay Tsubaki.

Ang lahat ng naging kaaway niya ay naging kaaway rin ng mga ito. Sa lahat ng club na sinalihan niya ay nakasunod din ang mga ito. Siya lang ang bukod tanging nakapasok sa selyadong mundo ng kambal.

Nagkahiwalay lang sila nang magpasya ang ama nito na pag-aralin ng kolehiyo ang mga ito sa Japan. And now, it had been six years since they last saw each other. They never lost in touch. Once a month ay tinatawagan pa rin siya ng mga ito.

Naputol lang ang kanilang komunikasyon nang maging busy sila sa kanya-kanyang pag-aaral. Subalit nakakatanggap pa rin siya ng regalo at Christmas cards sa mga ito tuwing pasko at sa tuwing kaarawan niya.

"Ma, akyat na ako sa itaas. May tinatapos akong thesis e," paalam niya sa ina bago siya nagmamadaling pumanaog.

Agad siyang pumasok sa kuwarto niya at umupo sa swivel chair na naroon. Binuksan niya ang kanyang personal computer.

Mayroon siyang tatlong e-mail. Ang dalawa ay galing kay Shin at Tsubaki. Ang isa ay galing kay Hibari.

Una niyang binuksan ang sa kambal. They greeted her like always and asked how she was doing.

Napangiti siya nang sabihin ng mga ito ang binabalak na pag-uwi sa Pilipinas after three weeks. Agad siyang nag-reply sa mga ito.

"Ma-ki-ki-la-la ko pa ba ka-yo? Miss ko na ang ab-nor-mal na mun-do ni-yo. Si-no na ba sa in-yo ang may gf? I-pa-ki-la-la ni-yo a-gad sa a-kin ng ma-ki-la-tis ko..." saad niya habang nagta-type.

Ipinadala niya ang parehong message sa dalawa. Pagkatapos ay binuksan niya ang e-mail na galing kay Hibari. Napakunot ang noo ni Billie nang mabasa ang e-mail. Gusto nitong i-check niya ang isang video sa youtube. Ang video kung saan nakipagrambulan sila sa baseball team. 

She searched the video. Gusto niyang mapa-holy shit ng makitang nasa limang milyon na ang viewers no'n. Wala pang isang araw ay kalat na kalat na yon sa internet. Pinanood niya ang video. Nagsimula 'yon nang tamaan siya ng bola at sugurin niya ng suntok si Harris. Sumunod ay ang pagsugod ng bawat miyembro sa magkabilang team.

"Billie, maligo ka muna bago tayo kumain ng hapunan!" bungad ng Mama niya pagkabukas ng pinto ng kanyang kuwarto.

Agad niyang niyakap ang monitor ng computer nang makita ito. Hindi nito pwedeng malaman ang nasuutan niyang gulo sa eskuwelahan.

"Anong tinatago mo?" nagtatakang tanong nito. Nakasilip ito sa may pintuan.

"Aa...a... si Hibari nag-ano... N-nag-send ng nakakahiyang picture. Walang sino mang pwedeng makakita kundi softball members lang," palusot niya.

Sorry, Hibari!

Kinabahan siya nang matiim na titigan siya nito. "Hindi ka naman siguro nanonood ng porno?"

"Ma! Hindi ako mahilig sa ganoon!"

"Alam ko. Ako nga ang kinakabahan dahil baka hindi ka makapag-asawa."

"Ma!" reklamo niya.

"O siya, siya... bumaba ka na pagkatapos mong maligo at nang makakain ng hapunan."

Nakahinga siya ng maluwag nang umalis ang ina. Mabuti na lamang at hindi gaanong mahilig ito sa social media. Hindi nito pinagtiyagaang pag-aralan ang paggamit ng computer.

Naupo siyang muli at tiningnan ang video. Naghuhumindig sa malalaking letra ang pangalan ng school nila.

Kaya pala gusto ng dean na mag-community service kami kasama ng baseball team.

Napataas ang kilay niya nang mabasa ang ilang comments na naroon.

"Dapat suspendihen na ang parehong club ng school na 'to! Hindi magandang halimabawa ito sa ibang estudyante..."

"Anong alam mo? Hindi ikaw ang nagpakahirap magtatag ng sariling club?" nanggagalaiting sagot niya na para bang nakikita niya ang kausap.

"Is that really a girl? The one who punched the pitcher looks like a guy... I don't see any bumps at all..."

"Hoy! Babae ako. At may umbok kahit papaano ang dibdib ko!" Iniliyad niya pa ang kanyang dibdib.

@gtx06 She was a girl... a flat-chested girl... hindi lahat ng lapad ay lalaki at hindi lahat ng may umbok ay babae...LOL...

"Korek ka dyan, Mare!"

@citygirl Really? What is your chest size then?

@gtx06 Why do you want to know? Pervert!

@gtx06 City girl is a HE, kaya hindi niya masasagot ang tanong mo... I'm cup C by the way...

@screwmeup Can I check if it is really cup C?

@screwmeup Hoy! Sinong tinatawag mong lalaki?! You're a slut! F*ck you!

@citygirl Yeah! I want some f*ck...but not from you!

@gtx06 F*ck me! F*ck me!

"Anak ng teteng!" Binasa niya pa ang ilang comment at nauwi iyon sa pagtatalo ng chest size. "Bakit nauwi sa ganitong usapan ang lahat?" Nakangiwing napailing siya. "Wala na bang magawa ang mga kabataan ngayon?"

****

- Amethyst -

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now