Part 10

2.8K 96 7
                                    

Billie sincerely said sorry to her teammates. She understood Harris on what he was trying to point out. It's her fault that they had to suffer that way. Subalit mukhang walang kaso 'yon para sa mga ito.

Parang gusto na din ng mga ito na matapos ang trabaho ng walang hassle. Loyal pa rin sa kanya ang mga kasamahan niya dahil natutulungan niya ang mga ito sa ibang paraan. 

Tumatanaw pa rin ang mga ito ng utang na loob. Kapag may problema ang mga ito sa grades ay siya ang nagtu-tutor sa mga ito. At kapag may isang gipit sa kanila sa school fees ay nagmi-meeting sila upang mag-ambag o di kaya ay humanap ng paraan upang makalikom ng pera. Maging ang problema sa pag-ibig ay minsang naikokonsulta sa kanya. 

She knew that they respected her. Even the new members looked up to her. Hanga raw ang mga ito sa lakas ng loob niyang kabanggain si Harris.

Well she couldn't deny the fact that she's the only person in school who fights with the most popular guy. Bukod kasi sa mayaman ang pamilya ng lalaki, ay malakas din ang impluwensya nito sa mga estudyante. Kahit ayaw niyang aminin, ay matindi ang karisma nito lalo na sa mga babae. Walang nagla-lakas loob na kumontra rito maliban sa kanya.

Naramdaman niya ang pagtapik sa likod niya. "Hoy! Billie Ray! Kulang na lang ngatain at lunukin mo yang damo. Maawa ka naman sa kambing at baka. Aagawan mo pa sila ng pagkain pag nagkataon." Iniluwa niya ang kagat-kagat na damo at napatingin sa bestfriend niyang si Matilda.

"Matilda. Nauuhaw ako," malamlam ang mga matang saad niya. Tuyung-tuyo ang lalamunan niya.

"Pansin ko nga. Kanina ka pa nakatingin kay Harris habang umiinom yung tao e. Kulang na lang tumulo ang laway mo. Hibari, may baon ka bang tubig?" baling nito sa babae.

"Naku ubos na, Senpai!" Itinaktak nito ang bote ng tubig na mukhang kaiinom lang nito. Ni isang patak ay walang tumulo doon. Matilda asked the others but like Hibari, they didn't even have a drop of water to spare.

"Tsk! Malayo ang tindahan dito. At mukhang walang vending machine sa tabi-tabi." Hindi na niya pansin pa ang sinasabi ng bestfriend niya. Naglakad siya palayo dito. "Hoy saan ka pupunta?!"

"Doon...maraming tubig." Itinuro niya ang malapit na ilog. Mukhang naghahalusinasyon na siya sa sobrang uhaw. Ang tingin niya ngayon sa ilog ay isang oasis.

"Sira ka ba?! Wala ka sa makalumang panahon na hindi pa polluted ang earth. Ang dumi-dumi ng tubig dyan!"

Hindi niya na gaanong dinig ang sinasabi nito ito. Lulugo-lugong nagpatuloy siya sa paglalakad. But before she even made a step, someone blocked her way.

Napangiti siya nang isang bote ng malamig na tubig ang sumalubong sa harap niya. Agad niya iyong inabot. Sabik na pinihit niya ang takip ng bote. Subalit mukhang wala siyang lakas na tanggalin man lang takip niyon. 

Napahinga siya ng malalim at muling sinubukang pihitin 'yon. "Uhmmmpp! Not good..." Muling bumagsak ang balikat niya at napalaylay ang mga kamay. "Bakit ayaw mong makisama?" Itinaas niya ang bote ng tubig at kinausap iyon na para bang may kakayahan iyong sagutin siya. She heard someone giggled. Napataas ang mukha niya sa lalaking nasa harapan niya.

"Sometimes you are really pathetic in amusing way, Tamayo." Natatawang kinuha nito ang bote mula sa kamay niya. Walang kahirap-hirap nitong natanggal ang takip. Inalalayan pa siya nitong makainom ng tubig. Nasaid niya ang laman ng bote. 

"Thank God! I'm save." Magpapasalamat sana siya sa taong tumulong sa kanya subalit umurong ang dila niya. "Smith?!" Agad niyang tinanggal ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang balikat.

"Ako nga, para kang nakakita ng multo. You intend to thank me, right? Sige lang, feel free to say it." Mayabang na itinaas nito ang baba nito.

Napatanga siya dito. Parang isang modelong isinuklay nito ang mga kamay sa buhok nitong mas mahaba pa sa sa buhok niya. Napagmasdan niya ito sa malapitan. Natural na semi-blonde ang kulay ng hanggang leeg na buhok nito. Habul-habol ang style ng gupit nito. Hindi niya alam kung dahil sa epekto ng init o ano pa man. 

Why does she think it so damn sexy the way his fair nape looks covered by the tips of his hair? His eyes and his hair were shining under the sun. Maging ang maliit na batong diamond cut na kumikislap sa tainga nito ay napaka-cool tingnan.

Hindi niya alam na bagay pala sa isang lalaki ang may hikaw. She thought that those who wear it would look like a gay. 

Subalit lalaking-lalaki ang dating nito. Nag-uumapaw ang pheromones at ang tindi ng appeal nito sa katawan. Bakit ngayon niya lang napansin iyon? Bumaba ang tingin niya matangos na ilong nito patungo sa natural na mapupulang labi nito. His lips were thinner. She wanted to touch it to feel its softness. Subalit bago niya pa 'yon nagawa ay napahinto siya.

Isang stop sign ang umilaw sa ulo niya. Nagimbal siya sa sarili. Shit! What the hell am I doing?! Anong nakain ko't mukhang pinagnanasaan ko si Smith? No!No! No! Malamang kulang pa ang supply ng tubig sa utak ko kaya kung anu-ano ang napag-iisip ko.

Muli siyang napatingin kay Harris na ngayon ay nakataas ang braso. Naka-pose ito na pang-macho. Isang pilyong ngiti ang nakaguhit sa mga labi nito.

Napailing siya. Imposibleng mabighani ako sa unggoy na 'to...

Nagulat ito nang hablutin niya sa isang kamay nito ang hawak nitong bote ng tubig. "Hey, that's mine!"

But it's already too late. Muli niyang naubos ang nangangalahating tubig sa bote kahit hindi na siya gaanong uhaw.

"Tamayo, you're not acting as a slave at all. Saan ka nakakita nang alipin na inagawan ng tubig ang amo niya?"

"Bukas pa tayo magsisimula, di ba? Kaya hindi mo pa ako slave ngayon." Iniabot niya dito ang boteng wala nang laman.

"Damn it! If I know that you would drink it all, inubos ko na sana kanina pa ang natira."

Naestatwa siya sa sinabi nito. She realized something.

"What's your problem now?" kunot-noong tanong nito. "Ang weird mo ngayon, Tamayo."

Napatingin siya sa bote. Tumaas ang tingin niya sa mga labi nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya doon. Natakpan niya ang bibig ng ma-realize ang nangyari. I-i-in-ndirect k-kiss?

"H-hey! Walang lason ang tubig na binigay ko sa'yo. Why are you acting strange?"

"N-nothing!" Agad siyang tumakbo papalayo dito.

I'm doomed! Doomed! Doomed! 

****

- Amethyst - 

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon