Part 1

10.8K 186 22
                                    

"COACH!"

Biglang napatayo sa kinauupuan si Billie nang marinig ang salitang suspension mula sa kanilang coach sa softball.

"Hindi mo ba ako narinig, Tamayo? Suspendido ang team sa buong school year na 'to!"

Napakuyom ang kanyang mga kamay at napapikit siya ng mariin. Pinipigilan ang sariling pukpukin ng malakas ang mesang namamagitan sa kanilang dalawa ni Mr. Magsalas.

She took a deep sigh to calm herself. "Hindi naman ho yata tama 'yan, coach. Bakit kami ang sususpendihin? Hindi naman kami ang nagsimula ng away, ah!"

Tiningnan siya nito magmula ulo hanggang paa.

Napangiwi siya nang pumalatak ito. Marumi at gusot ang suot niyang softball uniform. Magulo at sala-salabid din ang maigsi niyang buhok. At ang masaklap ay ang pasa niya sa kanang pisngi at ang maliit na sugat sa gilid ng kanyang mga labi.

"Tamayo, ikaw ang tumatayong captain ng team. You are responsible and liable if there's some sort of problem like this! Pero ano 'tong ginawa mo? Imbes na umiwas ka sa away, ikaw pa 'tong naging ugat ng gulo!"

Napasinghap siya. "Oo, coach! Inaamin kong ako ang unang nanapak. Pero hindi ko kasalanan ang nangyari! They provoked me to do it. Ilang beses akong pinatamaan ng fast balls ng mayabang na captain ng baseball team. Naiwasan ko yung una't pangalawa. Pero yung pangatlo, tinamaan ako sa ulo. Sinong hindi mag-aamok sa ginawa ng ungas na yon?!" Lumapit siya dito at ipinakita ang namumula niyang bukol malapit sa noo. "See? Hayan ang ebidensya! Sinadya ng Smith na 'yon na patamaan ako!"

Napailing ito at itinaas ang magkabilang kamay. "Pero hindi pa rin tamang suntukin mo yung tao! Sa ginawa mo, nagsisugod din sa field ang mga kasamahan mo at ang bawat miyembro ng baseball team! Sa laki ng gulo na idinulot niyo, hindi kayo papalakpakan at hihiyawan ng dean tulad ng ginawa ng ibang mga estudyante! In the first place, bakit nagkaroong ng game sa pagitan niyo ng baseball team ng hindi ko nalalaman?"

Bigla siyang napaiwas ng tingin dito. Kung sasabihin niyang ang dahilan ay dahil nag-agawan sila sa field ay tiyak na sila ang lalabas na mali.

Mas priority sa kanilang university ang baseball team kaysa sa kanilang softball team. Dahil kung ikukumpara sa winning record ay wala silang binatbat.

Sa tatlong taon niya sa softball ay wala pang limang beses ang naging panalo nila. At yung mga kalaban nila ay mga kulelat na school pa. Samantalang ang baseball team ay two-year straight nang champion. 

Hindi naman sa wala siyang kakayahan. Softball is not a one-man game but a team play. Mahusay siya sa larong 'yon subalit hindi ang mga kasamahan niya. Sa labin-limang miyembro, dalawa lang sila ng bestfriend niyang si Matilda na seryoso sa sports na 'yon. Ang ibang nag-try-out ay sumubok lang upang maehersisyo ang katawan, yung iba ay iyong mga na-reject sa sports na napili nila at naging second choice ang softball, ang natitira ay ang mga taong ni-recruit niya sa pamamagitan ng suhol at pamba-black mail.

Sa madaling salita, mga latak na lang ang naging teammates niya. 

Kung hindi dahil sa pagsusumikap niyang manatiling buo ang team ay malamang na matagal nang isinara ang girl's softball team sa unibersidad na iyon.

Sa tatlong taong 'yon ay hindi pa siya naka-encounter ni isang player na kahit papaano ay aabot sa lebel niya.

At ngayon ngang huling taon na niya sa kolehiyo ay mukhang sasamaing-palad pang mapatalsik ang team dahil lang sa pambu-bully ng mayayabang na baseball players. Hindi siya papayag na mangyari 'yon! Magpapalit muna sila ng pangalan ng coach niya bago mangyari 'yon!

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now